Chapter 38

3.6K 101 16
                                    

Chapter 38

Days are running softly. Masaya naman ako sa nakalipas na araw na iyon, kabaliktaran naman ngayon.

The day when he proposed me was heaven. Masaya kaming pareho hanggang sa nasundan pa ang mga araw but this day?

Inirapan ko ang singsing na nasa daliri ko at kumawala ng mabigat na paghinga.

This day is worst! Hindi ko inaasahan na ganito ang kahihinatnan ng excitement ko noong nakaraang araw. Ang dami ko pa sanang balak gawin. Ang dami ko pa sanang naisip na mga surprises para sa kanya pero sinira niya lang simula pa kahapon.

Inirapan ko muli ang singsing. Kapag ako hindi makatiis itatapon ko 'tong singsing na to talaga bahala siya. Makikita niya talaga.

Nasa paaralan ako ngayon. Walang ibang ginawa kundi ang magbuntong-hininga at irapan ang singsing na bigay niya. Maybe Mikaela noticed it pero pinili niyang hindi magsalita. Panay lang ang sulyap niya sa akin.

Kung sabagay, terror teacher at major subject ang klase namin ngayon at dahil nga wala ako sa focus, wala akong ganang makinig. Wala akong naintindihan and since ito ang unang araw na pumasok ang kaibigan ko na to sa klase ay seryoso siyang nakikinig.

Hanggang sa natapos nalang ang buong klase. Busangot ang mukha kong sumama kay Mikaela sa canteen para kumain.

Pagkatapos  niyang mag-order ng pagkain ay kumain na agad kami.

Dahil sa inis ko kay Zake ay napagdisketsahan ko ang pagkain. Oo! Sa kanya ako naiinis. Sumubo lang ako ng sumubo hanggang sa mapuno ang bibig ko.

"Mabibilaokan ka niyan, Honeylyn," naiiling na saway sa akin ni Mikaela.

Nagbuntong-hininga muli ako at hindi pinakinggan ang sinabi niya. Hindi ko namalayang tumulo na pala ang luha ko habang  lubong-lubo naman ang pisngi ko dala ng pagkain.

"Anong nangyayari sayo? Bakit ka umiiyak dyan?"

Humikbi na ako. "Kasi naman e." Pinahid ko ang luha ko. Mukha akong batang napapagalitan ng magulang habang kumakain. 

"Tigilan mo nga yan. Ang pangit mo." Binigyan niya ako ng tubig. Hindi ko alam kung natatawa ba siya sa akin o matatawa sa mukha ko. Mukhang gusto niyang matawa kasi. Siguro ang pangit kong tingnan. "Nag-aaway kayo?" tanong niya.

Umiling ako. Tinanggap ko ang binigay niyang tubig.

"Anong inaarte-arte mo diyan?"

Sumingha ako. "Kasi.."

Umalsa ang kilay niya. "Punit ka na ba?"

Inirapan ko siya. Ang bastos niya talagang mag-isip e.

"Ano nga? Kanina pa kita napapansin a. Panay lang ang pagbuntong-hininga mo at hindi rin lingid sa akin ang pag-irap mo diyan sa singsing mo."

Itinago ko ang kamay ko kung saan nakalagay ang singsing na bigay sa akin ni Zake. Isa rin ito sa rason kung bakit ako naiinis ngayon e. Kasi sabi niya engagement ring ang ibinigay niya. Bakit sabi ni Mikaela promise ring lang? Hindi lang si Mikaela, pati rin ang ibang mga kaklase ko pa.

Kidnapped By A Billionaire Stranger (Book 1 Of Billionaire's Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon