Chapter 14
Time flies very fast. Dahil mag-iisang buwan na lamang ay hindi parin siya umuuwi.
Mukha akong tanga kakahintay sa kanya nitong nakaraan pero ni ha ni ho ni he ay wala akong natanggap na galing sa kanya.
Nasundan pa iyon ng ilang araw dalawang linggo. Mag to-two months na ay hindi parin bumabalik si Zake!
Hindi ko tuloy maiwasan ang mag-alala para sa kanya. Hindi na nga ako mapakali kakaisip kung saan na yun nagpupunta.
Malapit na ang pasukan namin tapos wala pa siya, paano na ngayon ang pag-aaral ko?
Napipilitan na nga rin akong umalis ng condo niya dahil naubusan na ako ng stocks dun. Wala na akong makain at naubos ko na rin ang perang bigay niya sa akin for allowances.
Alangan namang manatili pa ako dun eh wala naman siya atsaka kasalukuyan akong nag-ojt. Ayaw ko namang i-sacrifice ang pag-oojt ko. Ilang araw nalang ang bibilingin matatapos ko na ang 400 hours kong training.
Nakamal ko ang buhok ko. Kasi naman eh. Nag-alala na kasi ako talaga sa kanya eh.
Sabi niya pa kapag uuwi siya titikman na niya daw ang labi ko. Naghihintay pa naman ako dun.
My face heated. Sinampal-sampal ko ang mukha ko. Nakakahiya naman yata ang utak kong mag-isip.
Pero basta.. kapag uuwi siya tapos hahalikan niya ako, ayos lang sa akin. Papayag ako basta magpapakita lang siya sa akin.
Nakagat ko ang labi ko. H'wag ka na kasing umasa Honeylyn. Kung babalik man yun hindi ka na nun hanapin. Hindi ka na niya matutunton dahil malayo sa makati ang tinitirhan mo ngayon.
Sinong maganda ka ba para hanapin niya? Baka nga kaya hindi na nakakauwi yun dahil hindi pinapayagang umuwi ng girlfriend niya o baka naman ng asawa.
Kumirot ang puso ko. Naisubsob ko nalang sa mesa ang mukha ko. Stress na stress akong talaga.
Mag iisang buwan na rin akong umalis sa condo niya. Ba't pa ba naman ako mag stay don? Halos wala na kaya akong makain.
Mabuti nalang talaga na pumayag si Mikaela na dalawa kami sa boarding house niya. Dun muna ako pansamantalang tumira kasama siya. Masyado kasi akong gipit kaya sabi niya ay siya nalang ang bahala sa buwanang renta.
Pero kung may bakante akong pera ay bumibili rin naman ako ng pagkain para sa aming dalawa . Nagrereklamo na nga itong wag nalang akong mag abala dahil malapit na ang pasukan at kailangan ko pang mag ipon ng pera para sa tuition fee.
Doble ang kayod ko ngayon. Ojt sa umaga at nag pa-part time sa gabi sa isang fast food na 24-hours open.
Sabi ni Mikaela 'wag daw akong masyadong magpagod dahil pumayat ako lalo. Lumiit ako lalo. Malaki na rin daw ang mga eyebags ko. Palagi talaga kasi akong kulang sa tulog.
Inayos ko ang sarili ko at natulala na naman sa harapan ng computer.
Si Zake kasi. Bigla nalang siyang sumulpot sa buhay ko pagkatapos ay agad lang ding nawala. Paasa talaga 'tong mga lalaki na 'to eh. Mga paasa talaga sila.
"Broken hearted yan." Narinig kong boses ni Alexa na isa sa mga kasamahan ko sa OJT.
Schoolmate ko lang ang mga kasamahan ko pero nong tumagal ay naging close friend ko na sila.
Walang allowance at bihira lang din ang libreng snacks. Pero nong malaman ng mga regular employee na naghihirap ako at kailangang mag ipon para pambayad ng tuition ay binigyan nila ako ng allowance.
Hindi malaki pero nakakatulong naman sa akin.
"Honeylyn nakakabaliw yan." singit ni Danfill. Kaisa-isang lalaki sa mga trainee na kasama namin.
BINABASA MO ANG
Kidnapped By A Billionaire Stranger (Book 1 Of Billionaire's Trilogy)
Teen FictionHe kidnapped her not for money, not to be his slave but treating her not the way she expected. This is not your ideal kidnap-victim story. Date started: May 06, 2019 Date finished: November 04, 2019 Edited: February-August 2021