Chapter 60
Hindi maubos ang luha ko pagdating ko ng apartment.
Engaged na siya.
Ikakasal na siya.
Ikakasal na sila ng Jeanette niya. Ikakasal na siya sa babaeng sinabi niya sa aking psycho at Ex niya.
Ikakasal na sila.
Umupo ako ng kama at pinahid ang luha kong hindi na nauubos. Tumaas baba ang balikat ko dahil sa ginawa kong pagiyak pagkatapos ay pinagtatawanan ko ang sarili ko.
Natawa ako.
Malakas.
Kung may makakarinig man sa akin iisipin ng mga ito na nabaliw na ako. Hindi kasi maganda ang tunog ng pagkakatawa ko. Its full of pain and bitterness.
Natawa ako sa sarili ko. Kasi nasasaktan parin ako eh. Hindi ba ako napapagod? Hindi ba napapagod itong tarantado kong puso na masaktan? Kailan ba maging manhid ito at hindi makaramdam kasi.. sawang-sawa na ako eh. Sawang-sawa na akong masaktan promise.
He's my ex and I cannot blame him if he find someone else. Somebody else whose better than me.
Mahal ko parin kasi tangina siya eh. Makapal ang bigote niya este makapal ang mukha niya.
Pero bakit ko ba siya sinisisi? Wala namana akong karapatan sa kanya at halos walong buwan namana kaming hiwalay.
Akala ko kaya ko na. Kaya ko na ang makitang may kasama siyang iba. Hindi pa pala. Kaya nga ako bumalik nang Manila dahil akala ko kaya ko na.
Pinapakalma ko ang sarili ko pagkatapos ay pumuntang banyo para maghilamos. Alas-sais pa lang ng hapon ngayon at malapit na ang uwi ni Mikaela. Ayaw kong makita niya ako na ganito. Kasi sabi ko sa kanya maayos na ako. Na nakakapag-move on na ako.
Pagkatapos kong maghilamos ay naghanda ako ng hapunan para sa aming dalawa ng kaibigan ko. Sakto naman ang pagdating niya nang matapos ako.
We talked a bit while eating before proceeding to our room. Kinukumusta niya ako sa bago kong trabaho at ang sabi ko maayos naman kahit hindi talaga. Magiipon pa ako ng lakas na loob na sabihin sa kanya na kailangan ko ang tulong niya para magkaroon ako ng trabaho.
Far from him.
Maaga akong nagising kinabukasan pero hindi kaagad ako bumangon. Bumabagabag kasi sa isipan ko kagabi kung bakit si Zake ang CEO ng JFO Manufacturing Company kaya ni-search ko iyon. Ilang kompanya pala ang pagmamay-ari nito? Hindi ko magawa kagabi kasi nalowbat ako at nicharge ko ang cellphone.
Kumunot ang noo ko sa nabasang article. Hindi naman kasi si Zake ang CEO ng JFO na stand for Jewelries Facturer Orchestrated pala. They are the Factory Direct Jewelry at sa kanila nanggaling ang mga mamahaling alahas.
Kumunot ang noo ko. Hindi naman siya ang CEO pero bakit siya nandoon?
Siguro kaibigan niya ang CEO at humingi lang ng favor na mag-act siya as a CEO? Pero bakit sabi ng mga employees dun masama ang ugali ng boss. Si Zake ba ang ibig sabihin nilang masama na boss?
Sumakit ang ulo ko. Nilock ko ang screen ng cellphone at nilapag sa gilid. Tumayo ako at dumiretso ng kusina. Nagluto ako ng agahan pagkatapos ay naligo.
Hindi pa nagising si Mikaela kaya nag-agahan nalang ako. May ibinilin akong notes ibabaw sa takip ng pagkain niya bago umalis. Sumakay ako ng taxi at dumiretso sa JFO company. I will file my resignation now . Gusto ko nang maaga para may oras pa akong maghanap ng ibang trabaho na kung hindi papalarin ay lalapit kay Mikaela.
BINABASA MO ANG
Kidnapped By A Billionaire Stranger (Book 1 Of Billionaire's Trilogy)
Novela JuvenilHe kidnapped her not for money, not to be his slave but treating her not the way she expected. This is not your ideal kidnap-victim story. Date started: May 06, 2019 Date finished: November 04, 2019 Edited: February-August 2021