Chapter 66
"Aba mabuti naman at nagpakita ka na!" Nakapameywang at nanlaking mga mata ni Mikaela ang sumalubong sa akin nang bumalik ako sa apartment upang kuhanin ang mga damit kong naiwan.
I giggled and kiss her cheeks. "Miss mo'ko no?"
Umawang ang labi niya. Hindi siya makapaniwalang nakatingin sa akin. "Alam mo ang sama ng ugali mo. Bestfriend pa ba kita?"
Naglaho ang ngiti ko. She's mad I know. Ikaw ba naman ang biglang iwan at hindi magparamdam. "Sorry." Guilty din naman ako pero alam kong hindi sapat ang paghingi ko ng sorry sa kanya.
"Halos mamamatay na ako sa pag-alala sayo yan lang ang sasabihin mo sa akin? Eh kung sabunutan kaya kita?"
Napanguso ako. "Huwag naman. Sorry na nga eh."
She fisted and hold herself not to punch me. Hindi rin naman ako maniniwalang susuntukin niya akong talaga. Amba baka -- but she can't hurt me. Brutal lang magsalita ang babae na yan pero hindi niya naman ako kayang saktan physically.
Her mouth form an perfect O when she saw my neck. Hindi ko tuloy mapigilan ang pamulahan ng mukha dahil alam ko kung ano ang nakita niya
"W-what is that?" Hinawi niya ang nagkalat na buhok ko upang matingnan niya ng maiigi ang leeg ko. Of course pamilyar siya dito dahil palagi ko din naman itong nakikita sa balat niya. "Anong ibig sabihin nito, Honeylyn?"
I smile reluctantly and hide the hickeys with my hair.
"Sino ang lalaki mo?"
Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko. Kung makatanong naman itong si Mikaela parang may kabit ako eh.
"Ano, nagkakabalikan na ba kayo? Kaya ba bigla ka nalang umalis sa apartment ko ng ilang linggo at walang paramdam? Kailangan mo ba talaga akong kalimutan dahil sa lalaki mo na yan ganun ba yun, Honeylyn?"
"Hindi kita kinakalimutan, masyado lang talagang mabilis ang mga pangyayari kaya hindi na ako nakakapagpaalam sayo. Sorry na, hindi na talaga mauulit to, promise."
"Pramisen mo mukha mo!" Lumabas siya ng pinto at tiningnan kung may tao sa labas na kasama ko. "Nasaan ang lalaki mo? Ipapakita mo siya sa akin ngayon din!"
"G-galit ka ba talaga?" Dahil kung OO baka itext ko si Zake na hindi na tutuloy dito. Bumili kasi yun ng pagkain para sana sa aming tatlo at panigurado akong papunta na ito dito.
"Hindi. Hindi ako galit. I'm just mad." Pinagcross niya ang braso sa kanyang dibdib at pinasadahan ako ng tingin. "Paano naman ako magagalit kung mukhang masaya ka. You look happy and blooming --" Umalsa ang kilay niya. Hinuli niya ang palapulsuhan ko at hinila ako sa loob bago isinarado ang pinto. "I know that glow. You bloom like a fresh flower. Halatang bagong dilig lang. Ano nadididligan ka na ba? Punit ka na ba?"
Hindi ako makapaniwalang nakatingin sa kanya kasabay sa pagkalat ng init sa mukha ko. Sunod-sunod akong umiling at iniwas ang tingin sa kanya.
"Huwag kang magsinungaling sa akin. Huwag na huwag kang magsisinungaling sa akin, Honeylyn!"
"H-hindi -- I mean, wala. Wala pa talaga."
Inalsahan niya ako ng kilay. "Sure?"
Tumango ako. "Hindi niya naman pinasok, eh. Masyadong malaki kasi." Huli na nang mapagtanto ang sinabi ko. Natutop ko nalang ang bibig ko habang nanlaki ang mga matang nakatingin sa kanya.
A moment of silence filled in every corner on her apartment before she burst out in laughter.
"Mik!" Napatili ako dahil sa pagkapahiya. Dumamba ako sa kanya dahilang bumagsak ang katawan naming dalawa sa sahig habang siya ay hindi mauubos ang tawa.
BINABASA MO ANG
Kidnapped By A Billionaire Stranger (Book 1 Of Billionaire's Trilogy)
Teen FictionHe kidnapped her not for money, not to be his slave but treating her not the way she expected. This is not your ideal kidnap-victim story. Date started: May 06, 2019 Date finished: November 04, 2019 Edited: February-August 2021