Chapter 58
I didn't expect I will see him in this kind of situation. Wrong timing and .. unexpected.
Pakiramdam ko ay nagimbal ang mundo ka nang makita siya. Makita ulit siya. For almost 8 months of missing him nakita ko ulit siya.
Natulos ako sa kinatatayuan ko habang pinagmasdan siya na parang slow motion na lumapit sa akin.
Nanigas ang mga paa ko sa kinatatayuan ko. Pigil ko na rin pala ang hininga ko as I watched him closing to me.
"Where's Miss Navarro?" He coldly asked like he didn't even know me.
"Z-zake?" I called. Sinisigurado na siya ba talaga ang nasa harapan ko ngayon. He changed a lot. The way he look at me is different. It seems like he's a different person to me. Hindi niya na ba ako nakikilala?
Huminto siya sa harapan ko at inilahad ang kamay sa akin.
Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya. May kahabaan na ang buhok niya at ang mukha niya ay mayroon na ring balbas. Kulang siya sa ahit. Parang nakakalimutan niyang alagaan ang kanyang sarili pero kahit ganoon pa man he still look the same to me. He is still Zake. His scent is enough for me to believe that it is him. His tantalizing green eyes that stared at me blankly is a big proof that it is him. It is really him standing in front of me.
Pero bakit? Bakit parang..
"Hand me the envelope." Malamig parin ang boses niya. Mababa at parang wala sa mood.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Nakalimutan niya na ba ako? Did he moved on already?
Kung sabagay. Hindi naman ako worth sa pagmamahal niya. Hindi naman ako deserve sa pagmamahal niya. Maybe he did his very best to forget about me. Kasi kung hindi niya gagawin masasayang lang ang oras niya sa akin. We're not meant to be.
Bumaba ang tingin ko sa kamay niyang nanatiling nakalahad sa harap ko. Ibinigay ko ang envelope na hiniling niya. Nanatili akong nakatungo kahit kinuha niya na iyon at umikot sa mesa. Umupo sa kanyang swivel chair at binuksan ang envelope.
"Where's Miss Navarro?" He asked again. It sounded like his annoyed this time.
Nanubig na ang mga mata ko. Ang sakit namang isipin na kinalimutan niya na ako samantalang ako.. nanatiling siya parin.
Sinulyapan ko siya. Nakatitig naman siya sa akin. My heart palpitated. Hindi dahil sa rason na tinitigan niya ako like the way he stared at me before kundi dahil sa kakaibang ekspresyon na nakita ko sa kanyang mukha. He looked pissed and annoyed.
Tumayo ako ng matuwid at pilit na ngumiti sa kanya. Hindi ko napaghandaan ang araw na 'to. Sa unang araw ng trabaho at ang makita siya. Hindi ko na tuloy alam ang gagawin.
"Uhm.."
"Are you new here?" Bawat mga katagang bibitawan niya ay parang kutsilyo na sumasaksak sa puso ko. Hindi niya na ba talaga ako kilala?
I bit my lower lip and nod.
Tumango siya. Pinasadahan ako ng tingin pagkatapos ay sa mga dokumentong hawak niya.
"Where's Miss Navarro?" Umiigting na ang panga niya. Parang kinontrol na niya ang kanyang sariling hindi ako mabulyawan dahil sa paulit-ulit niyang tanong na hindi ko parin sinagot.
"N-nasa hospital. N-na dengue raw po ang anak."
Binuklat niya ang bawat pages ng binasa niya habang nakakunot ang noo.
Hindi ko naman sinayang ang pagkakataong titigan siya. From his pointed nose down to his lucious lips. Nagtagal ang titig ko roon pagkatapos ay pait na napangiti.
BINABASA MO ANG
Kidnapped By A Billionaire Stranger (Book 1 Of Billionaire's Trilogy)
Teen FictionHe kidnapped her not for money, not to be his slave but treating her not the way she expected. This is not your ideal kidnap-victim story. Date started: May 06, 2019 Date finished: November 04, 2019 Edited: February-August 2021