Chapter 31
Lahat ng aking mga gamit ay nakalampag ko na. Lahat ng aking mga damit ay natingnan ko na. Lahat ng aking mga damit ay nailabas ko na sa closet pero kahit anong gagawin kong paghahanap ay wala pa rin akong makitang damit na maari soutin para matakpan ang aking leeg na may mga marka na kagagawan lang naman ng boyfriend kong kamukha ni Captain America!
Its my first day of school at wala akong mahagilap na damit na maisuot. Halos kadalasan ng mga damit ko ay sleeveless at dresses. Yung nag-iisang scarf ko hindi ko pa nalalabhan!
Napadabog ako. Yeah right! Nilagyan niya kasi ng panibago kahapon.
Alangan naman siguro kong papasok ako sa school ng ganito ano? May mga marka ang leeg? Ano ang iisipin ng mga taong makakita sa akin.. ng mga teachers, ng mga kaklase na malandi ako? Tahimik kong tao tapos may ganito na sa leeg ko? Gusto ko na talagang magwala!
Hindi naman pwedeng hindi ako papasok ng school dahil first day namin at gusto ko ring makausap si Mikaela. Gusto kong humingi ng tawad sa kanya. Alam kong nagtatampo ito sa akin dahil noong isang araw ko pa siya tinatawagan pero hindi man lang nito sinagot ang mga tawag ko pati text.
Busangot akong napaupo sa kama. Masama kong tiningnan ang mga damit na nagkalat sa sahig.
Hindi naman ako mapili sa mga damit pero nahihirapan talaga akong pumili ng susuutin ngayon. Oo na! Kaunti lang ang damit ko. Galing ukay-ukay lang ang mga damit ko! Isang daan tatlong piraso! Mga luma pa yung iba at ang iba naman ay bigay lang sa akin ni Mikaela. Wala akong bagong damit. Hirap ako sa buhay! Wala akong pera!
Gusto kong maiyak. Stressed talaga ako ngayong umaga. Nakakainis itong si Zake. Naiinis talaga ako sa kanya.
"Sweetie? We're running late!"
Inikot ko ang mga mata ko nang marinig ang sigaw nito galing sa baba. Makikita niya mamaya. Hindi ko talaga siya papansinin nakakainis siya. Ang dumi ng leeg ko dahil sa kanya walang hiya siya. Ang sarap niyang hambalusin e.
Nakatapi pa ako ng tuwalya sa kadahilanang wala akong mahanap na masusuot. His kissmarks is not that plenty, malalaki oo! Sapat lang na mapansin ng iba.
Padabog akong tumayo at walang choice na isinuot ang isang polkadats na dress.
Lagyan ko nalang siguro ng maraming polbo 'tong leeg ko.
Busangot ang mukha ko nang bumaba ng hagdanan pagkatapos kong magbihis. Nakaabang na siya sa akin sa sala wearing his usual get up. Tuxedo. Color maroon this time.
Napairap ako sa kawalan. Kasi ang guwapo niya. Nakakainis! Naiinis ako sa kanya pero nang makita ang mukha niya at ang kulay ng suot niya napahanga na niya naman ako. Pero nang maalala ang ginawa niya sa leeg ko ay umusok ang ilong ko.
Hindi ko siya papansinin talaga.
Nilampasan ko siya na ikinakunot ng noo niya. Nakahanda na yung ngiti niya sa akin at hahalik na naman sana pero nilampasan ko na. Nagmartsa ako patungong parkeng lot.
"What's the face all about?" tanong niyang nakasunod sa akin.
Inirapan ko siya. Gusto ko siyang dumugin pero ayaw kong gawin. Baka magusot lang yung damit niya. Ilang oras pa naman niya iyong pinlantsa.
Minsan nga mapa-isip ako e. Kasi ang yaman nitong si Zake pero wala siyang kasambahay. Napairap muli ako. Mayaman nga kuripot naman.
"Sweetie--"
Hinawakan niya ang braso ko. Hindi ko na natiis ang sarili, naibato ko na talaga ang backpack sa kanya. Lihim akong napangiwi kasi hindi ko naman ito gawain. Naiinis lang siguro talaga ako.
BINABASA MO ANG
Kidnapped By A Billionaire Stranger (Book 1 Of Billionaire's Trilogy)
Fiksi RemajaHe kidnapped her not for money, not to be his slave but treating her not the way she expected. This is not your ideal kidnap-victim story. Date started: May 06, 2019 Date finished: November 04, 2019 Edited: February-August 2021