Chapter 25
Hilam sa luha ang mga mata ko nang madatnan ni Zake. Saglit lang ang pagkagulat niya, dinaluhan na niya kaagad ako.
"What happened to you?"
I wipe my tears and ignore him. Tumayo ako at inayos ang sarili.
"Sweetie?" he called. Confused. "What happen? Why are you crying again?" Nilapitan niya ako para hawakan pero dumistansya na ako kaagad. His brows knotted.
"Ang tagal mo naman. Cr na cr na ako e." Sinubukan ko namang pakalmahin ang sarili ko. Sinubukan ko namang hindi mag-isip ng kung anu-ano pero hindi ko magawa.
Nangunot ang kilay niya. "So you're crying because--?" Natawa siya. "Sweetie my comfort room naman dito bakit hi--"
"Gusto ko sa bahay. Ayaw ko rito." Nagmartsa na ako patungong pinto. Hinintay ko lang siya para panabay kaming lumabas at para hindi rin ako malilito kung saang pinto kami lalabas.
Nagtatanong ang mga mata niyang nakatingin sa akin. "Alright. Lets go home. I'm sorry for being late sweetheart."
I'm sorry for hurting you again sweetheart. Yan dapat Zake. Yan dapat ang sasabihin mo sa akin. Kakasimula pa lang natin pero and dami ng luha ang naubos ko dahil sayo. Hindi naman ako iyakin dati pero ngayon, nang makilala kita, palagi na akong wasak.
I wipe my tears again. Tama si Zarah. Hanggat maaga pa lalayuan ko na 'tong si Zake. Bago pa nga lang kami ngunit nasaktan na ako ng ganito how much more kung magtagal kami at may malaman pa ako tungkol sa kanya. His cousin is right. He's going to ruin me.
Papahalagahan ko muna siguro ang sarili bago ang ibang tao.
Hindi na ako nagsalita. Nang lumapit siya sa akin ay umiwas ako. Ayaw kong mapalapit sa kanya. Sa katawan niya. Nandidiri ako. Magsama sila ng future wife niya! I bit my lower lip to stop sobbing.
"This is not funny anymore. Anong nangyari sayo ba't ka umiiyak diyan?"
Hindi ako nagsalita. We've been quit until we reach the private elevator. Tanging naririnig lang ay ang mabigat na paghinga ko. Sumisikip kasi ang dibdib ko dahil sa pagpipigil para hindi tuluyang maiyak dito. Maghihintay ako sa bahay makikita niya.
Hinuli niya ang kamay ko pero tinabig ko iyon. Isiniksik ko pa ang sarili sa gilid ng elevator kahit may enough space pa naman sa loob. Masama ang tingin niya sa akin.
Wala na akong magawa nang inagaw niya ang kamay ko nang bumukas na ang elevator. Napatungo nalang akong nagpatianod sa hila niya.
"Sir, flower delivery!" Nakangiting bati ng guard kay Zake nang makita niya kami.
Kinuha iyon ni Zake at ibinigay sa akin. Walang emosyon. Its a bouquet of flower na malaki pa yata sa akin. Nakatingin lang ako sa kanya at siya naman mukhang aburido na dahil sa akin. Lalo na't may namumuo ng luha sa mga mata ko. Sino ba naman kasi ang matutuwa sa ginawa ko. Masaya pa naman kami kanina tapos ngayon biglang ganito na.
Hindi niya ako maiintindihan? Hindi ko na problema yun!
Binawi niya ang bulaklak nang hindi ko ito tinanggap. He heaved a deep breath before grab my wrist and start walking through the main door.
Kahit ang guard ay iniwas ang tingin sa amin. Napansin na nito na hindi maganda ang mood namin sa isa't isa.
Pabagsak na itinapon ni Zake ang bulaklak sa trash bin, hindi pa nakuntento sinipa niya pa ito dahilang gumulong ito patungo sa kalsada.
Napakislot ako. Hindi ko sukat akalain na magagawa ni Zake iyon in public. Ang dami tuloy'ng nagtatakang nakatingin sa amin.
Hinila niya naman ako kung saan naroon ang sasakyan niya. I feel nervous. Ngayon ko lang napagtanto na mainitin ang ulo ni Zake. Short tempered. Ang bilis niyang magalit at kapag mangyari yun, nakakatakot. Baka hindi niya makontrol ang sarili masuntok niya ako. Gawin niya akong punching bag. O baka mauulit yung ginawa niya sa akin kahapon ng umaga.
BINABASA MO ANG
Kidnapped By A Billionaire Stranger (Book 1 Of Billionaire's Trilogy)
Novela JuvenilHe kidnapped her not for money, not to be his slave but treating her not the way she expected. This is not your ideal kidnap-victim story. Date started: May 06, 2019 Date finished: November 04, 2019 Edited: February-August 2021