Chapter 24
Pagkatapos naming mananghalian ay bumyahe na kami patungo sa workplace na tukoy niya. Hindi ko tuloy maiwasang mag-isip kung ano ang trabaho nitong si Zake.
Is he a politician? Mall owner? Famous businessman? Business tycoon? Elite businessman? Ano naman kaya ang business niya? Nagbibente ng mamahaling sasakyan? Kasi as what I am seeing to him pabago-bago at papalit-palit kasi siya ng sasakyan. Mukhang marami siyang sasakyan pero hindi ko alam kung saan niya pina-park yung iba. Lahat ng ibebenta niya gagamitin niya?
Did he owned a car company? Napasinghap ako. Siguro ang yaman niya talaga no? Kasi yung mga sasakyang ibebenta niya at ginagamit niya hindi kasi yun basta-bastang sasakyan lang. Kadalasan sa mga iyon ay makikita ko sa Hollywood movies especially sa Fast and Furious. Kadalasan talaga ng mga sasakyan dun ay ginagamit nitong si Zake.
"Anong trabaho mo?" I asked while his driving. Kahit nagmamaneho at abala yung mga kamay niya kakapisil ng mga kung anu-anong button sa sasakyan niya hindi niya parin makaligtaan ang kamay kong hawakan, halikan at pisilin.
Tiningnan ko ang labi niya at muli ay nagbawi. Kinagat ko rin ang ibabang labi as I remembered how he bit my lower lips earlier. Hindi ko talaga inaasahan yun kasi sisisipsip lang naman siya e, ba't niya kagat yung kanina? Hindi naman masakit, masarap nga e.
"You'll see sweetheart." He kissed the back of my palm again at dinala iyon sa may hita niya. Hinayaan ko nalang siya. We've been together since yesterday and I feel comfortable with him already. Minsan nga lang, nakakahiya kapag tititigan niya ako. Lalo na ang labi ko.
"Ba't pabago-bago ka ng sasakyan?" Kasi kagabi, natatandaan ko pa kung ano ang kulay at design ng sasakyan niya pero ngayon iba na naman. Sedan na ito ngayon na mukhang bulletproof. Kahit wala akong alam tungkol sa mga sasakyan unang kita ko pa lang sa Sedan na ito masasabi ko nang bulletproof ito. Mabuti nalang talaga mahilig akong manood ng action movies.
He smile. "Because I have cars?"
"Ang dami mo sigurong sasakyan no?"
"Yeah." Nakangiti naman siya pero may kakaibang kislap ang mga mata niya. It seems like he's hiding something. "Do you want one?"
Napamaang ako. "Huh? H-hindi. Hindi naman ako marunong magmamaneho."
"I will teach you."
Umiling ako. Sunod-sunod. "Ayaw ko talaga. Natatakot ako."
Natawa siya. "Why?"
"Baka mabangga ako e ikamatay ko pa."
Humalakhak siya dahilang mapangiti ako. Ang guwapo talaga niya kapag tumawa. Masarap sa ears talaga yung rhythm ng tawa niya. Legit.
"After you study and have a job after you should know how to drive a car sweetheart. What if nasa business trip ako, hindi kita mahahatid at masusundo sa trabaho."
Tinitigan ko siya. So his expecting were still together after I graduate and find a decent job? Iniisip niya iyon?
"Alright?"
I nodded. I can't help not to feel excited if that day came. Siguro sobrang close na namin sa isa't isa kapag darating ang araw na yun.
"I'll buy you car, anything you want sweetheart."
Ngumiti ako. Hindi ko naman hinangad na magkaroon ng maraming luho pagdating ng araw. A decent job with a high salary is enough for me. Matutulongan ko na ang pamilya ko na nasa probinsiya at matutulungan ko rin ang mga kapatid kong makakapagtapos ng pag-aaral.
We've been silent until we reach the city. Thirty minutes ang binyahe namin hanggang sa tuluyan nang huminto ang sasakyan niya sa harap ng pinakamalaki at pinakamataas na building na nakita ko rito sa maynila.
BINABASA MO ANG
Kidnapped By A Billionaire Stranger (Book 1 Of Billionaire's Trilogy)
Teen FictionHe kidnapped her not for money, not to be his slave but treating her not the way she expected. This is not your ideal kidnap-victim story. Date started: May 06, 2019 Date finished: November 04, 2019 Edited: February-August 2021