Chapter 18
"Zake tama na please," pagmamakaawa ko na kasi napupuno na ng laway niya ang mukha ko. Hindi naman ako nagrereklamo pero natatakot ako baka makasanayan ko. Natatakot ako na balang araw, o baka kinabukasan magbago na siya sa akin at ang pinapakita niya sa akin ngayon hahanap-hanapin ko. Nakakatakot.
Kasalukuyan akong nag-aayos ng necktie niya samantalang siya panay ang halik sa akin. Pinapaliguan niya ang mukha ko. Kinuyumos ang labi ko, kinakagat-kagat ang leeg ko. Ano bang problema ng lalaki na'to?
"One more," mabigat ang paghinga niyang bumaba muli sa labi ko. Hinahalikan na naman. Kanina pa nga nanginginig ang kamay ko kasi naninibago ako sa ginagawa niya. Naninibago ako sa nararamdaman ko, naninibago ako sa lahat.
Idinikit niya ang katawan sa akin at hinawakan ang buhok para ianggulo para mahalikan niya ng maayos. Napa-ungol ako. Hinalikan niya ako ng buong pag-iingat at panunuyo.
Nang bumaba ang halik niya sa leeg ko ay itinulak ko na siya. Mahina kasi wala ng lakas ang mga kamay ko. Nanginginig na pareho.
"Z-zake t-tama na," kagat ko ang ibabang labi kong tumingala sa kanya. Pareho kaming habol ang paghinga naman habang nakatingin sa isa't isa.
Ngumiti siya sa akin. Napatungo ako. Sigurado ako na pulang-pula na ang pisnge ko dahil kanina pa ako hiyang-hiya talaga. Kanina pa ako nagpapahalik sa kanya hindi ko naman siya jowa.
"One more," bumaba muli ang mukha niya pero tinakpan ko na ang labi ko. "Isa nalang, please?" nangungusap ang mga mata niyang tiningnan ako. I can see na gusto niya pa talaga kaso ayaw ko na. Panay nalang ang iling kong dahan-dahang dumistansya sa kanya.
"Why? Takot ka ba sa akin?" he asked. Nakaawang ang bibig niyang nakatingin sa akin. Iniwas ko ang tingin sa kanya. Ayaw kong tingnan ang labi niya, maiimagine ko kasi ang lasa, kung gaano ito kalambot at...
Ipinilig ko ang ulo ko. Tumango ako sa kanya at nang mapagtanto ang sagot ay umiling muli ako. Hindi naman ako takot sa kanya, its just-- hindi ko maintindihan kung ano ang nararamdaman ko. Basta ang tanging alam ko lang ay nangatog na ang lahat sa akin, pati puso ko, gusto ko ng atakihin kanina pa.
"Come here," malumanay ang boses niya.
Umiling ako. Nanatiling nakatakip ang bibig at mabagal ang kilos na umatras palayo sa kanya.
He chuckle. Hindi inalis ang tingin sa akin habang inayos niya ang necktie na kanina ko pa hindi maayos-ayos.
"I'm sorry for being fast sweetheart. Sana pala nililigawan na muna kita."
Hindi ako naka-imik. Anong ibig niyang sabihin?
Tinitigan niya ako. "You don't like the kiss?"
Kumislot ang puso ko. Hala. Anong isasagot ko? Magsasabi ba ako ng totoo o pagsisinungalingan ko siya? Kung pagsisinungalingan ko siya, ayaw ko namang gawin, kung aamin naman ako, nakakahiya.
Nangunot ang kilay niya. "You didn't like the kiss?"
Tumango ako pagkatapos ay umiling ulit. Pagkatapos ay napatungo nalang talaga at hindi na siya tiningnan. Nakakahiya. Gusto ko nalang ang lamunin ng lupa.
Dahan-dahan siyang lumapit sa akin. Hinawakan ang chin ko at maingat niyang iniangat. Kinuha ang dalawang palad na nakatakip sa bibig ko at sumeryoso ang mukha.
Napalunok ako. Ayaw ko ng ginawa niya pero wala akong kakayahang magreklamo dahil sa titig niya. Nahihipnotismo na naman ako lalo na nang unti-unti na niyang ibinaba ang mukha sa akin.
Pigil ko ang hininga ko at ipinikit ang mga mata as I waited his soft lips. Nang maramdaman ko iyon ay tuluyan ng nangatog ang tuhod ko. Naghuhurumintado ang puso ko at ang mga paru-paro sa tiyan ko ay natataranta na.
BINABASA MO ANG
Kidnapped By A Billionaire Stranger (Book 1 Of Billionaire's Trilogy)
Teen FictionHe kidnapped her not for money, not to be his slave but treating her not the way she expected. This is not your ideal kidnap-victim story. Date started: May 06, 2019 Date finished: November 04, 2019 Edited: February-August 2021