Chapter 3
Ilang timbang luha na ba ang naubos ko simula nang ipinasok ako ni Kuyang Goons sa kuwartong 'to?
Sa kuwartong hindi ko maintindihan dahil walang door knob ang pintuan ng sala. Ang comfort room lang yata ang mayron at ang pintuan ng isang kwarto.
Ang ipinagtataka ko lang talaga ay kung bakit nakapasok si Kuyang Goons dito kanina na walang kahirap-hirap. Hinatiran ako ng pagkain. Paano siya nakapasok e wala naman iyong doorknob?
Dahil kabado ako sa mga nangyayari ay may naganap na labanan sa amin ni Kuya kanina at ang kawawang pagkain na dala niya ang talo. Tumilapon lang naman. Hayun, hindi ako nakakapaghapunan. Nabadtrip na yata si Kuya kaya hindi na niya muli ako hinatiran.
Ano bang problema ng mga lalaking 'to? Mukha naman silang mayayaman ah! Ba't kailangan pa nilang mangidnap ng isang inosenteng kagaya ko? Katulong na kagaya ko.
Baka yumayaman lang ang mga taong 'to dahil sa mga laman loob na kinukuha nila sa mga biktima at binebenta iyon sa mga milyonaryong nangangailangan ng transplant.
Nanlaki ang mata ko. Mas lalong naiyak sa naisip.
Sigurado ako na umuusok na ang ilong sa napakaenergetic kong amo dahil mag hahating gabi na lamang ay hindi pa ako umuuwi.
Natatakot ako para sa sarili kong kapakanan. Ano na ang mangyayari sa akin ngayon? Papatayin kaya nila ako? Etu-torture? Kuhanin ang mga laman loob ko? Gagahasain?
Lumakas ang iyak ko. Ang saklap naman!
Mas lalo lang akong natakot. Hindi ako maaring sumuko. Hindi dapat ako maaring sumuko. I still have my strength to fight! Hindi nila ako tinatali. Hindi pa nila ako kinukulong sa isang nakakatakot na kuwarto katulad sa mga nakikita kong horror movies. Sa mga bihag na nakikita ko sa mga movies.
Malaya akong nakakapaglakad, nakakakilos sa loob ng bahay na 'to na hindi ko maintindihan kung ano. Hindi siya bahay, mukha siyang kuwarto.
Pinahid ko ang luha ko. Tumayo ako at kinalikot muli ang pintuan na walang doorknob. Ba't kaya hindi ko 'to mabuksan? Wala man lang kahit kaunting clue. Kahit instruction man lang?
Feeling ko talaga automatic ang pintuan na to dahil nabuksan ito kahit wala namang door knob. May ginagamit si Kuyang Goons para mabuksan niya 'to eh . Pero ano?
Pumasok muli ako ng banyo, nag babaka-sakaling may bintana kahit na kanina ko pa alam na wala. Maniniguradong muli. Pero wala talaga. Ano bang mayron sa kwartong to?
Pumunta muli ako sa nag-iisang kuwarto. Tinitingnan kong mabuti baka may nakakubling bintana.
Bagsak ang balikat kong lumabas. Kahit edouble check, triple check, million check ang gagawin ko wala akong mahanap na bintana. Wala akong makikitang bintana! Hustisya naman.
Padabog akong umupo sa sofa at namaluktot. Nag iisip ng mga posibleng gawin nang biglang may nag click sa pintuan.
Napatayo agad ako.
Hinanda ang sarili sa gagawin kong pagsugod sa taong papasok na sa pag-aakalang si Kuya. Bumalik ito at hinahatiran ako ng pagkain. Magkakamatayan na pero lalabanan ko na 'tong si Kuyang Goons .I position myself like a master kick boxer with my very serious face. My both fist is on the air, ready to punch someone faces.
Hah! Wala kang kawala sa akin ngayon Kuyang Goons.
Bumukas ang pinto. Susugurin ko na sana. Sana...
Pero hindi ko magawa. Hindi si Kuyang Goons ang pumasok. Kundi americano na sobrang guwapo na mukhang artista.
BINABASA MO ANG
Kidnapped By A Billionaire Stranger (Book 1 Of Billionaire's Trilogy)
Teen FictionHe kidnapped her not for money, not to be his slave but treating her not the way she expected. This is not your ideal kidnap-victim story. Date started: May 06, 2019 Date finished: November 04, 2019 Edited: February-August 2021