Chapter 5
Nagising ako kinaumagahan na nag-iisa na lamang sa kama. Muntik ko pang nakalimutan na nasa ibang kwarto pala ako at wala sa dati kong kwarto dahil naalimpungatan ako nong makita na mataas na ang sinag ng araw.
Akala ko late na akong nagising at mapapagalitan na naman ako ng napaka-energetic kong amo na walang kapagurang nambubunganga.
Ano na kaya ang nangyayari sa kanila? Sigurado ako na nag aalala na ang mga iyon sa akin.
Kahit papano naman kasi, concern pa rin naman sila. Sigurado na iniisip na ng mga iyon na nag lalayas lamang ako.
I sighed. Wala kasing ibang maisip ang amo ko na yun kundi puro masasama tungkol sa akin. Puro negative.
Bumangon ako at niligpit ang higaan. Inayos ko ang bedsheet maging ang unan. San na kaya ang lalaking yun? Hindi naman ako nananaginip diba? Totoo naman ang lahat ng mga nangyayari diba? Yung sabi niya sa akin kagabi bago ako natulog.
Napangiwi ako. Grabe ang feeling niya pala 'no? Kahit gwapo siya hinding-hindi ako magpaparape sa kanya. Virgin pa kaya ako anong akala niya sa akin? Never been kissed never been touched kaya ako.
Hindi lang rin pala siya feeling. Napaka-confident niya rin. Iniwan ba lang niya akong mag-isa sa kuwarto kasama ang mga mamahalang gamit niya.
Tanging tablet, laptop, cellphone lang ang alam kong gadgets na nakalagay ngayon sa mesa niya. Yung iba hindi ko na alam.
Napanganga ako. Checkbook? Out of curiosity nilapitan ko iyon at tiningnan isa-isa. Checkbook nga! Tapos -- muntik akong masamid ng sarili kong laway. Dahil 100 million lang naman ang nakasulat sa tseki!
Para akong nakuryenteng agad nabitawan iyon at tumakbo palabas ng kwarto. Nakakatakot naman ang lalaki na'to. Milyones ang isinulat niya dun tapos iniwan lang basta sa mesa. Hindi ba siya takot kunin ko yun? Itatago?
Nakatip-toe akong lumabas ng silid. Tumataas din ang leeg ko kakahanap sa kanya. Hindi ko siya makita sa sala.
May narinig akong kaluskos sa kusina. Baka siya yun.
Nakatip-toe parin akong nagmamadaling pumunta sa pintuan. Sinubukan kong buksan muli iyon pero pawisan nalang ang kili-kili ko hindi ko parin magawa.
Sinimangutan ko ang pinto at tinalikuran na. Ano ba ang problema ng pinto na yan? Ayaw magpabukas sa akin. Nanggigil na talaga ako sa kanya e. Kagabi pa! Sarap nitong anohin e.
Busangot ang mukha kong umupo na lamang sa sofa. Ramdam ko na ang pagkalam ng sikmura ko, ang panglalagkit ng katawan ko dahil kahapon pa ako walang ligo. Tapos pawisan pa ako kagabi kakalampag ko sa pinto na yan hanggang ngayon.
Ramdam ko rin ang pamamaga at panghahapdi ng mga mata ko. Kakaiyak ko'to kagabi. Pero masarap ang tulog ko.
Nakagat ko nalang ang labi ko. Bakit nga ba masarap ang tulog ko? Dahil may guwapong mabango na yumakap sa akin? Inamoy ako at bumulong na balang araw magpapagahasa ako sa kanya?
Napamulagat ako. Nye. As if naman magpapagahasa ako sa kanya no? Feeling niya eh.
Kumakalam na talaga ang sikmura ko. Sumasakit na. Gusto ko sanang pumunta sa kusina pero nahihiya ako. Nakakahiya. Kasi kapag gutom ako. Malakas akong kumain. Maraming rice ang mauubos ko.
Malakas kumain pero hindi ako tumataba.
Ilang minuto lang akong nagmumuni-muni nang lumabas na siya ng kusina dala-dala ang tray na may lamang pagkain.
Bago pa niya mahuli na nakatingin ako sa kanya ay nag-iwas na ako.
Lihim ko ring nakagat ang ibabang labi ko. Bakit lalo siyang gumwapo? Tapos? May malaking tattoo pa siya sa braso. Nakaka-attract!
BINABASA MO ANG
Kidnapped By A Billionaire Stranger (Book 1 Of Billionaire's Trilogy)
Teen FictionHe kidnapped her not for money, not to be his slave but treating her not the way she expected. This is not your ideal kidnap-victim story. Date started: May 06, 2019 Date finished: November 04, 2019 Edited: February-August 2021