Chapter 19
May susi naman ako sa boarding house namin ni Mikaela kaya hindi ko inabala ang kumatok sa pag-aakala ko na wala siya.
Nang buksan ko iyon ay literal akong napanganga sa sumalubong sa akin.
Mikaela on Gary's lap and their kissing like there's no tomorrow. Nakakandong si Mikaela sa nobyo paharap at naghahalikan sila.
Napatungo ako. Hindi ko naman sukat akalain na ganitong eksena ang mabubunguran ko. Ako ang nahihiya sa kanila.
"Nandito ka na pala?" Mikaela asked me calmly. Pero alam kong nahihiya ito dahil nahuli ko sila at siya pa ang nakapatong. Umalis siya sa kandungan ni Gary at inayos ang sarili. "Saan ka galing? Bakit hindi ka nakauwi kagabi?" Tumayo naman si Gary at sinuklay ang sariling buhok.
Bitin par? Sorry na kaagad.
Humikbi ako dahilang matigilan silang dalawa. Tumungo na agad ako sa kama, niyakap ang unan at tumalukbong ng kumoy.
"Anong nangyayari sayo? Ba't ka umiiyak?" natatarantang tanong sa akin ni Mikaela.
"Anong nangyari?" alerto namang boses ni Gary.
"Hindi ko alam. Babe, pwedeng umalis ka muna? Itetext nalang kita mamaya. Aayusin ko muna ang babaeng 'to. Ngayon ko lang siya nakitang ganito," pakiusap ni Mikaela.
"Okay. Text mo'ko ha? Huwag mong kalimutan."
Natahimik ang dalawa pero alam kong naghahalikan na naman sila, pagkatapos ay lumabas na si Gary sa kuwarto.
Lumapit sa akin si Mikaela at umupo sa tabi ko. "Anong nangyayari ba't umiiyak ka? Saan ka galing kagabi ba't ngayon ka lang umuuwi?" sunod-sunod niyang tanong.
She even grab my blanket to see my face. Nang makita niya ang mukha ko ay namilog ang mga mata niya.
"Oh my god! Anong nangyayari sa'yo?"
Inagaw ko sa kanya ang kumot pero mas lalo lang niya iyon hinila pababa. Nalaglag ang panga niyang makita ang kabuuan ko.
"Oh my god Hon!? Sinong gumagawa niyan sayo?!" Itinabingi niya ang mukha ko pakaliwa't kanan para tingnan ang leeg ko. "Oh my god! Are you raped?! Nagahasa ka ba? Ba't ang dami mong pantal sa leeg? Sinong gumawa niyan sayo sumagot ka?!" Kulang nalang ay sabunutan niya ako.
Humikbi ako. Napaka over acting naman nitong kaibigan ko. Umiiyak lang ako dito e.
Inagaw ko sa kanya ang kumot pero hindi ko inasahan ang ginawa niya. Puwersahan niya akong hinila paupo sa kama at niyugyog ang balikat ko.
"Sinong gumawa niyan sayo Honeylyn?! Sagotin mo ako? Saan ka galing kagabi ba't naging ganyan ang hitsura mo?! Sinong kasama mo kagabi sumagot ka?!" Tinuro niya ang leeg ko. "Sino ang gumawa sayo niyan?"
Hinawakan ko ang leeg ko. I can still feel Zake's bite on it make me want to cry harder. Walang hiya siya. Manloloko. May girlfriend na pala siyang hinayupak siya hinahalikan pa ako. At ako naman si tanga nagpapahalik sa kanya hindi ko naman siya masyadong kakilala.
Pumalahaw ako ng iyak at nagpipigsi na. Hindi ko matanggap na nangyari sa akin to. Hindi ko matanggap na niloko niya lang ako. Hindi ko matanggap.
Natulig ang mukha ko nang malakas akong sinampal ni Mikaela. Natabingi ang mukha ko dahilang maiyak ako lalo.
"Sumagot ka sa akin Honeylyn. Sinong gumagawa niyan sayo? Bat ang dami mong pantal sa leeg ano? Lumalandi ka na ba hindi mo sinabi sa akin?! N-nagahasa ka ba tell me! Nagahasa ka ba!?"
"Hindi ako nagahasa!" Napaka OA niya kung mag-react. Naiyak lang ako lalo e.
"E ano yan?" turo niya sa leeg ko.
BINABASA MO ANG
Kidnapped By A Billionaire Stranger (Book 1 Of Billionaire's Trilogy)
Ficção AdolescenteHe kidnapped her not for money, not to be his slave but treating her not the way she expected. This is not your ideal kidnap-victim story. Date started: May 06, 2019 Date finished: November 04, 2019 Edited: February-August 2021