Chapter 50
I'm aware all the employees are looking to me consciously while I am running to save my precious heart from shattering. Lahat sila ay tumitigil sa ginagawa para lang tingnan ako.
I am sobbing loudly that echoed every corner on this floor. Baka nga dinig sa ibaba ang hikbi ko e.
Ilang beses na akong natalisod pero hindi ko na iyon ininda pa. Ang gusto ko lang ngayon ay ang makalabas at makalayo sa lugar na ito.
Nanlabo ang paningin ko dahil sa namumuong luha sa mga mata ko. Kumikirot na ng husto ang puso ko. Naaawa ako sa sarili ko. Awang-awa ako sa sarili ko.
I wiped my tears as I crawled the wall just to reach the elevators button. Pinipindot-pindot ko ito pero nasa ibaba pa ito. Gusto ko itong pukpokin dahil sa inis pero pinili ko nalang ang lumipat sa kabilang elevator.
"What the fuck is going on?" Bulyaw ni Zake. Nakasunod siya sa akin. Galit. Gusto niyang manakit. Hindi niya gusto na nakita ko ang ginawa niya. Hindi niya nagustuhan na narinig ko ang pinag-uusapan nila ng babae niya.
Ex niya raw ba't hinahalikan niya? Manloloko siya e. Manloloko talaga siya.
Lakad-takbo ako makarating lang sa kabilang elevator. Pinipindut-pindot ko ang button pero hindi iyon bumukas kahit alam kong nasa parehong floor lang naman sana ito. Gumagana naman pero walang gumagamit niyon ngayon.
"I'm sorry sir. Hindi ko ala. ." Dipensa ni Lauren nang mahagip sa paningin ko. Lahat na yata sila ay nakatingin sa akin. Sa amin.
"You're fucking fired dammit!"
Halos lumabas ang kaluluwa ko sa katawan nang malingunan si Zake na nagmamadaling lumapit sa akin. Hitsura niya pa lang parang handa na siyang sugurin ako. Pulutin at ibato sa kung saan makalabas lang sa building.
Dahil sa takot ko ay tumakbo ako sa kabilang pasilyo. Doon ako dinala ng mga paa ko sa isang conference room. Kakatapos lang yata ng meeting dahil wala pa sa ayos ang mga silya at may kaunting basura pa sa ibabaw ng mesa. Pumasok agad ako dito at ikakandado na sana ang pinto. Pero hindi ko magawa dahil nakaharang na ang malaking braso niya sa gitna niyon.
Napasigaw ako. Natatakot ako. Natatarantan na ako. He's scary when his angry. Baka kung ano pa ang magagawa niya sa akin lalo na't hindi ko na mabasa ang ekspresyon ng mukha niya.
Malaya siyang nakapasok sa loob. Sintakutan naman akong umatras at naghanap ng pwedeng pagsiksikan. Tumungo ako sa ilalim ng lamesa at dito isiniksik ang sarili.
Malakas ang palahaw ko habang niyakap ang sariling tuhod. Hindi ko na alam ang gagawin. Kinain na ng takot at sakit ang sistema ko. Nanginig na ako.
Humakbang si Zake palapit sa akin dahilang manginig ako lalo. Gumapang ako sa kabilang direksyon. Ayaw kong maabutan niya ako. Ayaw kong mahawakan niya ako.
Sumilip siya sa akin na may pag-alalang tingin. Kung tama ang hula ko. Pero bakit naman siya mag-aalala 'diba? Hindi niya naman ako minahal talaga. Ginamit niya lang ako!
Pinahid ko ang luha ko. Mabilis ang kilos kong gumapang sa palabas ng lamesa at tumakbo patungong pinto para sana takasan siya. Pero hindi pa man ako nakarating sa pakay ko ay yapos niya na ang balakang ko.
I panicked. "Huwag! Huwag mo akong hawakan! Huwag mo akong hawakan!" Nagpupumiglas ako sa ilalim ng bisig niya na napagtagumpayan ko naman.
Nagpatuloy ako sa pagtakbo patungo sa pinto pero hinarang niya na ang sarili doon. Hindi na ako makalabas!
BINABASA MO ANG
Kidnapped By A Billionaire Stranger (Book 1 Of Billionaire's Trilogy)
Roman pour AdolescentsHe kidnapped her not for money, not to be his slave but treating her not the way she expected. This is not your ideal kidnap-victim story. Date started: May 06, 2019 Date finished: November 04, 2019 Edited: February-August 2021