Chapter 16
Paroo't parito ako sa paglalakad sa loob ng banyo.Hindi ko na nga mabilang kung nakailang ikot na ako dito eh.
Kung mahihilo ako, uupo ako sa iniduro, kakamalin ang buhok ko at kulang nalang pagsasampalin ko ang mukha ko.
Bakit ba kasi? Bakit ba kasi hinayaan kong magawa niya sa akin yun?
Kagat ang labi kong kinapa ang butt ko. Hindi naman masakit pero ramdam ko parin ang palad niyang ni-squeeze iyon.
Nakagat ko ang kuko ko. Hiyang-hiya talaga ako sa sarili ko. Kapag malaman to ni Mama tiyak na papagalitan niya ako.
Pinahid ko ang luha ko. Kapag naiisip ko kasi ang ginawa ko ay naiiyak ako, kasi nga nahihiya ako. Parang hindi ko na kilala ang sarili ko. May nakahalik na sa akin. Hindi na ako virgin!
Suminghot ako. Tumayo at nag-iikot na naman sa banyo. Ano ba ang gagawin ko? Mukhang wala na akong mukhang maihaharap sa kanya? Lalayas kaya ako? Babalik kay Mikaela? Mag-t'yaga kaka-part time para may pantustos sa pag aaral?
Kinapa ko ang dibdib ko. Kanina pa siya tumitibok nang malakas. Hindi pa siya humuhupa!
Nakagat ko ang labi ko. Lumitaw kasi sa balintataw ko ang ginawa ni Zake sa akin kanina. Kung paano niya pinang-gigilan ang labi ko. Tapos, ginalugad niya pa ang loob ko.
Napahawak ako sa pisnge ko. Hala. Isang taon yata akong hindi makakatulog nito.
Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang may kumatok sa pinto. Alam kong siya kaya lalong kumabog nang malakas ang dibdib ko.
"Sweetie?"
Nataranta akong sumandal ng pinto at siniguradong nae-lock iyon. Gusto ko nalang himatayin dahil sa nerbyos.
"What are you doing there?" Nag-alala ang boses niya.
Napapikit ako. Kagat ang sariling kuko at naghahanap nang maaring pangharang ko sa pinto baka kasi papasok siya. Pero wala akong mahanap!
"Sweetheart?!" Tawag niya pa. Tapos may narinig akong pabalik-balik na yabag. "Are you there? Ayos ka lang ba? Anong nangyayari sayo?"
Hala tinatanong pa talaga yun? Kung makahalik pa siya sa akin kanina parang ang expert ko na. May papisil-pisil pa siya sa puwetan ko.
Nang pumasok ulit iyon sa utak ko ay para akong baliw na umupo sa sahig na kamal ang buhok. Ang baba na ng tingin ko sa sarili ko. May nakahalik na nga sa akin, may nakapisil pa sa puwet ko. Ang saklap lang kasi hindi ko siya boyfriend!
"Halos dalawang oras ka ng nasa loob. Kapag hindi ka sasagot gigibain ko 'tong pinto!"
Napamaang ako. Dalawang oras na pala ako dito? Kaya pala liyong-liyo na ako kakaikot.
"One."
Napakislot ako. Sigurado ba talaga siya na gigibain niya ang pinto?
"Damn it." Yung mga yabag niya. Parang hindi na siya mapakali sa labas.
"Two!"
Namilog ang mga mata ko. Unti-unti akong tumayo at hinarap ang pintuan. Sinuklay ko ang buhok kong alam ko na sobrang gulo na, pinahid ko ang luha ko kahit natutuyo na at inayos ko ang suot kong uniform na hanggang ngayon ay suot ko pa pala. Yung sumbrero ko tinanggal ko na. Ah hindi. Siya pala ang tumanggal kanina bago siya nagliyab at pinanggigilan ako.
"Three!"
Kagat ang labi kong inikot ang doorknob. Sumalubong sa akin ang namumula niyang mukha at ang pag hang ng kamay niya sa ere na may hawak pang susi.
BINABASA MO ANG
Kidnapped By A Billionaire Stranger (Book 1 Of Billionaire's Trilogy)
Teen FictionHe kidnapped her not for money, not to be his slave but treating her not the way she expected. This is not your ideal kidnap-victim story. Date started: May 06, 2019 Date finished: November 04, 2019 Edited: February-August 2021