Chapter 20

5.1K 138 4
                                    

Chapter 20

"Honeylyn Martin! Lalabas ka oh gigibain ko 'tong pinto."

Mabilis kong pinatay ang lampshade at hinila pataas ang kumot sakto lang matabunan ang bibig ko. Kabado akong nakatitig sa pinto lalo na't nakita ko ang apat na paang anino sa ilalim niyon. Nasa labas na sila at mukhang magkakagulo pa. Kasi si Zake, galit na.

Nakagat ko ang ibabang labi ko. Afraid knowing he's mad pero bakit naman ako matatakot sa kanya? Dapat pa nga magalit ako sa kanya e dahil sa ginawa niya sa leeg ko at sa panloloko niya. Niloloko niya lang ako tapos ngayon pupunta siya rito na galit na galit? Gustong manakit?

"Sir huwag naman po kayong manggulo rito. Wala namang mga tao diyan sa loob kanina pa umalis," matigas na boses ng landlady namin. Matapang rin kasi ito pero mataas ang pasensya. Pero dahil sa ipinakita ni Zake sa kanya baka hindi ito makakapagpipigil.

"She's here I know. Honeylyn!" Kumislot ako nang malakas niyang kinatok ang pinto. "Lumabas ka riyan gusto kitang makausap!"

"Sir, kapag ganitong oras sumaside-line na ho si miss Martin sa fastfood chain. Si miss Nalla naman hindi ko pa nakitang umuuwi simula nang umalis ito kanina," mariin ngunit mahinang sabi ng landlady.

"What? Honeylyn, isa!"

"Sir, kung mapilit talaga kayo mapipilitan akong tumawag ng police. Tinatakot niyo na po ang mga boarders ko."

"The hell I fucking care. I know she's here, pinagtataguan niya ako. Honelyn, dalawa!"

Pumikit ako ng mariin. I don't know what's in his count but I feel nervous in a sudden. Kahit anong pilit kong hindi matakot sa kanya hindi ko mapigilan ang sarili. Pakiramdam ko ako ang may kasalanan gayung siya naman ang manloloko.

Nanginig ang kamay kong kinapa ang cellphone para tawagan si Mikaela. Nag ring naman ito pero narinig ko na kaagad ang boses niya sa labas.

"Anong nangyayari rito?" Nakahinga ako ng maluwag nang marinig ang boses niya. I feel relief.

"Miss Nalla, ito po kasing lalaking 'to gustong pumasok sa loob kahit mahigpit kong pinagbabawal. Gusto niya rawng makausap ang kaibigan mo kahit ilang beses ko ng sinabi sa kanya na wala ito rito. Hindi maniniwala, nagwawala pa," mahabang sumbong ng landlady.

"At sino ka naman?" boses ni Mikaela.

"I'm Zake Powell and I really need to talk to your bestfriend."

"Bakit? Pagkatapos nang ginawa mo sa kanya sa tingin mo papayag akong kakausapin mo siya?" I picture Mikaela raising her brows and crossed her arms while scanning Zake.

Natampal ko ang noo ko. Kasi si Zake, kamukha ni Chris Evans , na crush na crush lang naman ng kaibigan ko na yan. At ang kaibigan ko malandi. Haliparot. Kahit may boyfriend.

Nakagat ko ang ibabang labi ko. Baka agawin niya sa akin  si Zake.

"What? I didn't do anything to her."

"Hindi mo siya ginahasa?"

Napasinghap ako kasabay ng pagkalat sa init ng mukha ko. Nakakahiya itong si Mikaela. Bakit nga ulit naging bestfriend ko ang babae na yan?

"What? No! I did not, I mean.."

Loko din itong si Zake, bakit hindi niya malaman ang isasagot e hindi naman talaga niya ako ginahasa. Baka kung ano pa ang iisipin nang mga nakakarinig sa kanila tungkol sa akin. Tinakpan ko na ang mukha ko ng kumot.

"Manang iwan niyo nalang ho kami rito. Pasensya na po sa abala. Ako na po ang bahala sa kanya," malumanay na sabi ni  Mikaela.

"Siguraduhin mo lang na hindi na magwawala ang lalaki na yan. Property ko ito respeto naman sana sa mga mayayaman. Dito lang ako kumikita ng pangkabuhayan tapos tatakotin niya pa ang mga boarders ko. Sige, iiwan ko muna kayo rito pero sana aalis na kaagad yan."

Kidnapped By A Billionaire Stranger (Book 1 Of Billionaire's Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon