Chapter 44

3.2K 97 8
                                    

Chapter 44

White curtain with a different kind of flowers scatters on it makes this simple bahay-kubo looks paradise -- and heaven. Dumagdag pa ang guwapong lalaki na abala kakalagay ng ulam at pagkain sa pinggan ko. Parang nasa langit na talaga ako.

Hindi mapawi ang ngiti ko habang pinasadahan ng tingin ang kabuuan ng kubo. Klase-klaseng bulaklak lang talaga ang nakikita ko rito na lalong nagpaganda sa loob. Nasa tuktok pa kami ng bundok at sariwa ang panghapong hangin.

Pumikit ako at dinama ang hangin na yumakap sa akin. Everytime when I'm with him pakiramdam ko safe ako. Magaan ang buhay at walang problema.

Idinilat ko ang aking mata at tiningnan muli ang boyfriend ko. He looks happy tho. Panay lang kasi ang ngiti niya habang inaalagan ako.

Ngumuso ako. "Hindi ka pa ba tapos diyan?" Gusto ko na siyang matitigan. Gusto ko na siyang umupo sa harapan ko at ngingitian. Titingnan ako like I am the only beautiful woman he saw.

"A minute, sweetie," aniya.

Pinagsalikop ko ang kamay ko at inilagay iyon sa tapat ng aking baba. Kaya mas lalo akong nahuhulog sa lalaki na to e dahil napaka-effort niya. Alam kong siya ang gumawa nitong lahat. Nakikita ko ang kapaguran sa mata niya but he still manage to smile -- for me. Mahal kasi ako niyan.

Gusto ko nang maglupasay.

Sa wakas umupo na rin siya sa harap ko. Napasimangot ako nang makita ang butil na pawis sa kanyang noo. My handsome boyfriend wearing his usual get up. Tux with no coat this time. Pinagpapawisan siya kasi.

Kumuha ako ng table cloth at lumapit sa kanya. Malawak lang naman ang ngisi niya nang pinunasan ko pawis niya.

"Thank you," he said smiling. Kilig na kilig e.

Pinamulahan naman ako ng mukha at bumalik na sa pag-upo. Tumikhim ako at pinasadahan ng tingin ang pagkain na inihinda niya sa amin.

Nanubig ang bibig ko.  Dahil baldado naman ako nitong nakaraan ang tanging libangan ko lang ay ang magcellphone at magresearch ng mga pagkain. Ang dami kasing niluto ni Zake na hindi ko alam ang pangalan at ang dalawang ulam na nakahain ngayon ay isa sa mga nasearch ko. They look delicious and a bit expensive.

Grand Velas Tacos: The most expensive dish in the world, this taco features Kobe Beef, Almas Beluga Caviar & Black Truffle Brie Cheese and is served on a gold flake-infused corn tortilla. The taco is also served with an exotic salsa comprised of dried Morita chili peppers, Ley. Memorize ko yun. Masyado kasi akong nacurious sa halaga kaya tinatandaan ko.

Ang natitirang dalawang putahe naman ay Kobe beef at Maine lobster burger. Nalunok ko ang laway ko ng wala sa oras. These food looks tasty, can't wait tasting it.

"You hungry?" tanong ni Zake.

Tumango ako. Bigla kong naalala ang apat na kasama ko. Nilingon ko sila sa ibaba pero wala na akong nakitang tao dun.

"Nasaan na yung mga guards?" takhang tanong ko. Baka naman kasi hindi pa kumakain ang mga yun kawawa naman.

"They're watching us, sweetheart," sabi niyang nakangiti parin.

"Hindi ba natin sila papakainin?" Nalukot ang mukha niya.

"Of course. Kakain naman yan sila mamaya."

Napanguso ako. "Baka kasi nagugutom na sila. Hindi pa naman yun kumain kanina."

Tumikhim siya at umayos ng upo. "Lets not talk about them, alright? Its our monthsary, sweetheart. Pag-uusapan natin ang tungkol sa atin not my guards."

Kidnapped By A Billionaire Stranger (Book 1 Of Billionaire's Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon