Chapter 55

3.2K 93 17
                                    

Chapter 55

Abala ang aming barranggay sa paghahanda para sa gaganaping birthday party ng aming mamahaling punong kapitan. Paroo't parito ang mga tao sa paglalakad. Abalang-abala sa kani-kanilang ginagawa. Ang iba naman ay nagluluto ng apat na lechon.

Habang nagluluto ang mga kalalakihan ay ay panay tawanan ang mga ito. Ang mga kababaihan naman ay nandoon sa Barangay Hall para maghanda ng iba't ibang klase ng pagkain kagaya nalang ng Chicken Cordon Bleu at Escabeche. Ang pagkaing kasi ito ay paborito ng Kapitan kaya hindi ito makakalimutang lutuin para sa handaan.

Bakas sa mukha ng mga tao ang kasiyahan at kakontentuhan sa buhay. Kahit hindi masyadong marangya ang pamumuhay ng aming probinsya pero nagkaisa parin sila. Nagtutulungan at kumu-konekta sa isa't isa lalo na ngayon na may handaan.

Tuwing kaarawan ng aming Kapitan ay may gagawing salo-salo at paligsahan. Masyado kasi itong mabait at malapit sa mga tao kung kaya't ang mga tao ay mataas din ang respeto sa kanya. Ang handaang ito ay pasasalamat niya sa mga taong naging malapit na sa kanya at ang mga taong iyon ay sakop ng Baranggay niya. Ang Baranggay ng Libas.

Ang mga binata naman at kadalagahan ay abala sa pag-aasikaso sa Basketball court para sa gagawing paligsahan mamaya, kasama ang mga pinsan ko samantalang ako-- heto, nakaupo sa malaking bato at malayo ang tingin.

Wala akong ganang tumulong sa mga pinsan ko na naiintindihan din naman nila. Sa halos dalawang linggong pananatili ko rito sa probinsya ay napapansin nila ang kalungkutan ko. Inaaliw naman nila ako pero pansamantala lang. Hindi naman kasi sa lahat ng panahon katabi ko sila. May sarili naman silang buhay at ayaw ko ring makaabala.

Bumuntong-hininga ako at tumungo. Kinuha ko ang putol na kahoy sa tabi ko at nilaro-laro.

I miss him. I missed him so much. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Inilapat ko ang baba ko sa dalawang tuhod ko at wala sa sariling hinahampas-hampas ang hawak ko sa bato na kinauupuan ko.

Ano na kaya ang ginawa niya? Miss niya rin kaya ako?

Mapait akong napangiti. Hindi ako sigurado. Hindi pa nga kami official na hiwalay noon pinagpalit niya na ako.

Napanguso ako. Nakakapagod ng maging malungkot pero hindi ko kasi talaga mapigilan e. Si Zake kasi.

"Ate!"

Tiningnan ko lang saglit ang kapatid kong lalaki na tumawag sa akin pagkatapos ay nagpatuloy sa pagmumuni-muni.

Ganito pala talaga ang feeling no? Palaging mabigat ang dibdib tapos para kang namatayan. Palaging masikip ang dibdib tapos ang hirap pang ngumiti.

"Ate!" Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko.

"Bakit?"

"Gusto mo ba ng love song, ate? Gusto mo bang umiyak? Magpapatugtog ako. Anong gusto mong kanta? Tutu o Simple Dimple?"

Nangunot ang noo ko. "Huh?"

Natawa siya. Inakbayan ako at tinapik-tapik ang balikat ko. "Gusto mo bang kantahan kita, ate?"

"Huwag na. Sasakit lang ang teynga ko sayo."

"Grabe Ate, kapatid ba talaga kita? Ang sweet mo sa akin e. Touch tuloy ako. Maiiyak na nga ako e."

"Tumigil ka. Wala ako sa mood." Lalapit lang kasi siya sa akin para kulitin ako. Papangitiin pero hindi niya naman magawa. Kawawa naman siya. Trying hard kasi siyang maging funny.

Tumahimik siya. Nag-iisip. "Gusto mo ba ng joke, ate?"

Agad akong napalingon sa kanya. "Huwag na. Ang corny ng mga jokes mo."

Kidnapped By A Billionaire Stranger (Book 1 Of Billionaire's Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon