Chapter 36
I woke up this morning with sleepy eyes. Panay lang ang paghikab kong bumaba nang hagdan at tumungo sa kusina.
I am planning to prepare breakfast for the boys pero tila nauunahan na nila ako ... with another boy.
Natigil ako sa paglalakad at pinagmasdan ang apat na malapad na likod ng mga lalaki na nagsisiksikan sa harapan ng kalan.
Zake's back is on it with Will and Jace of course and the other one is not familiar to me. They're both busy cooking something without even noticing my presence.
Tahimik nalang akong umalis ng kusina at pumunta ng sala. Uupo lang naman sana ako ron pero nakita ko ang pigura ni Ronquillo na tahimik na nakaupo.
Natigilan na naman ako. I decided to go upstair but he notices me. Lumingon siya sa akin ng dahan-dahan. Pinasadahan ng tingin pagkatapos ay nginitian.
"Good morning," he greeted wearing his bright smile.
Mukha siyang mabait. Nawawala rin yung mga mata niya kapag nakangiti. Chinito siya.
"G-good morning." Pinasadahan ko siya ng tingin. "Kumusta na ang pakiramdam mo?"
Kumunot ang noo niya pagkatapos ay parang nahihiyang natawa. Kinamot ang batok at nag-iwas ng tingin. "Maayos na ako. Thanks."
Mukhang maayos na nga siya hindi kagaya kagabi na sobrang putla niya. Nahihirapan pang huminga kahit daplis lang naman sana yung natamo niya.
"Just afraid of blood, that's why," he awkwardly said and scratch his back again.
"Ayos lang. Naiintindihan naman kita," sabi ko dahilang tiningnan niya muli ako. Tinitigan.
Nang malaman ko kagabi na hindi naman ganun ka delikado ang sitwasyon niya ay yun na agad ang naiisip ko. Hindi siya sanay makakita ng dugo kaya siya namutla.
Baka bakla siya 'no?
"My name is Quil Salazar, and you are?"
Nangunot ang kilay ko. "Sabi nila Ronquillo ang pangalan mo."
Napamaang siya pagkatapos ay bumulong-bulong. Inikot ang mga mata pagkatapos ay nagbuga ng hangin. "Fine, my name is Ronquillo but you can call me, Quil," he looked away.
Naguguluhan man ay tumango nalang ako.
"I hate my name," he admitted and it makes me smile. He's too honest.
"Okay."
"Ikaw, anong pangalan mo?"
"Ho--"
"Hey, sweetie? What are you doing this early?" boses ni Zake sa likuran ko. Nakangiti akong lumingon sa kanya pero nang magawa ko na ay kinintilan niya ng halik ang labi ko.
The four boys jaw dropped. Sumunod pala sila ni Zake na may dala-dalang pagkain. Hindi sila nakagalaw habang nakatingin sa amin.
Tinampal ko sa dibdib si Zake. Nakakahiya ang ginawa niya.
"Help me carry the bowl, I'm literally shaking," the long hair guy said. Siya yung bagong dating.
"Why?" Jace asked almost a whisper pero dinig na dinig ko naman. Naming lahat actually.
"Can't believe what I just saw," the long hair guy answered.
"I'm about to vomit," si Will na nagmamadaling tumakbo sa kusina at doon dumuwal. Imbes na mahiya ay natawa ako. Pero pinigilan ko lang. Nakakahiya naman kasi kung matatawa ako sa harapan nila. Nagulat kaya sila tapos matatawa lang ako?
BINABASA MO ANG
Kidnapped By A Billionaire Stranger (Book 1 Of Billionaire's Trilogy)
Novela JuvenilHe kidnapped her not for money, not to be his slave but treating her not the way she expected. This is not your ideal kidnap-victim story. Date started: May 06, 2019 Date finished: November 04, 2019 Edited: February-August 2021