Chapter 28
Pigil ko ang aking kilig nang makita si Zake na parang slow motion na lumapit sa akin. He's wearing a blue tuxedo, expensive shoes, F.P. Journe watch, fringe up hairstyle while holding two pink cotton candies.
Tinakpan ko ang bibig ko para mapigilan ang ngisi ko. He looked hot and cute at the same time. Try to imagine a man wearing expensive suit holding two pieces of pink cotton candies. Ang cute!
Ang dami tuloy'ng nakatingin sa kanya . Sino ba naman kasi ang hindi titingin sa kanya. Ang guwapo niya kaya at masyadong pormal para sa amusement park.
Humagikhik na ako.
Knowing he is a billionaire pala, umaasa ako na baka dadalhin niya ako sa mamahaling restaurants tapos parehong magaganda ang suot namin dahil diba nga naka tux siya tapos ako simpleng dress lang. Mahilig kasi ako sa dress lalo na yung floral. Kakain kami ng mamahaling pagkain, steaks na hindi ko pa natikman simula't sapol, wine na kahit hindi ako iinom mapipilitan siguro ako since its our first date, romantic music with a waiter playing violin while we're eating.
Pagkatapos naming kumain dadalhin niya ako sa magandang lugar tapos may inihanda pala siyang pasabog sa akin like fireworks of any kind of surprises. Gusto kong matawa. I'm not a materialistic kind of person but knowing my boyfriend is a real billionaire, sino bang mag aakala na dito niya ako dadalhin?
Nakaupo ako ngayon sa bench na may hawak na isang balloon na panda ang design. Hinihintay siya dahil binilhan niya ako ng cotton candy. Hindi ko naman sukat akalain na bibili rin pala siya ng kanya.
I kept on staring at him as he walked to my direction. Simula pa lang alam ko na mayaman na siya, namasyal lang ng mall napapalibutan na ng guwardya at hindi basta-bastang guards lang yun. Lahat ng mga guards niya ay parehong may dalang matataas na baril, nakasuot pa ng vest na parang may bakbakan palagi. Pero hindi ko naman aakalain na ganun na pala siya kayaman.
Iniwas ko ang tingin sa kanya at nagbuntong-hininga. Ayaw ko muna ang mag-isip. I-enjoy ko muna ang araw na'to kasama siya. Hindi ko muna iisipin ang tungkol sa nalaman ko sa kanya, hindi kasi ako mapakali.
"Here's yours, and this is mine," inabot niya sa akin ang isang cotton candy nang makalapit. Tumabi siya sa akin ng upo at inakbayan ako.
"Thank you," I said. "Kumakain ka niyan?" tanong ko sa hawak niya. His just looking at it like it was the funniest food on earth. Parang hindi niya alam kung paano kainin ang cotton.
"Yeah. Why?"
Humagikhik ako. Nakatingin siya sa akin habang kinain ko na yung akin. Nangunot ang kilay nang palipat-lipat ng tingin sa labi at sa mata ko.
"Masarap?" he asked.
Tumango ako.
"Anong lasa?" he ask again.
"Matamis," sabi ko naman.
He smirked. "Really?"
Bago pa bumaba ang labi niya sa mukha ko ay hinarangan ko na ng balloon ang mukha niya. I saw that coming. Tingin niya pa lang alam ko nang may balak na siya sa akin.
He pouted. Inalis ang balloon sa mukha niya at muling lumapit sa akin pero ang kamay ko na ang hinarang sa kanya.
"Zake! Maraming tao. Nakakahiya," reklamo ko. Kasi ang mga tao, kanina pa nakatingin sa amin. Baka siguro iniisip nila na bunsong kapatid lang ako ni Zake o baka pamangkin. Tapos hahalikan niya ako siya pa yung mapasama.
"I just want to taste, sweetheart," ungot niya.
"May sayo naman ah," sabi ko.
Naningkit ang mga mata niya dahilang matawa ako. Kumuha nalang ako ng akin at isinubo sa kanya. Tinanggap niya naman with lick sa daliri ko. Natigilan ako kasabay nang pagliliparan ng paru-paro sa tiyan ko.
BINABASA MO ANG
Kidnapped By A Billionaire Stranger (Book 1 Of Billionaire's Trilogy)
Genç KurguHe kidnapped her not for money, not to be his slave but treating her not the way she expected. This is not your ideal kidnap-victim story. Date started: May 06, 2019 Date finished: November 04, 2019 Edited: February-August 2021