Chapter 67

6K 111 41
                                    

A/N: This will be the last chapter before the Epilogue. To the one reading this, thank you for reaching this far.

Thank you po! 💛

SPG|STRICTLY PROHIBITED|

Chapter 67

I'm happy. We're both happy. Masaya naman kaming pareho pero hindi lingid sa akin ang tinatagong problema ni Zake.

I am worried. He became sleepless countless nights now. Kahit ano ang lihim niya sa akin, kahit ano ang pagtatago niya sa akin I can see it through his eyes. He is problematic but didn't even try to share it with me. Hindi ko tuloy mapigilang makaramdaman ng walang pakinabang. Wala akong maitutulong sa kanya. I felt useless.

Its already nine in the evening and yet Zake is still not home. Halos isang linggo na niya itong ginawa pagkatapos basahin ang dokumentong ibinigay ni Will sa kanya. I wanted to contact Will but I don't know how. Wala akong contact number niya at sa pagkakaalam ko, hindi mananatili sa iisang lugar ang lalaking yun. Bigla nalang iyong susulpot pagkatapos ay parang bula na kaagad maglaho.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko habang pinagmasdan ang umiikot na orasan. Susubukan ko na kaya ang makialam? Susubukan ko na kaya ang magtanong? Baka naman kasi kahit papano ay may maitutulong ako.

I can't watch him like this. He is suffering inside and he didn't want to show it to me. He didn't want to share it with me. Bakit? Ayaw niya rin ba akong mag-alala oh baka ayaw niyang malaman ko?

I know there is something wrong. There is really something wrong.

Nang madinig ang pamilyar na ugong ng sasakyan na huminto sa labas ay binuksan ko ang pinto. He's there, getting off in his car weakly. Bago pa nito tuluyang isinarado ang pinto ay itinukod niya ang kanyang dalawang palad sa hood ng kanyang sasakyan, nakayuko at malalim ang iniisip.

Sumikip ang dibdib ko. He's always like that and I can't watch him like that.

Pagkatapos nang ilang segundo ay huminga siya nang malalim, tumingin sa kalangitan at ginulo ang sariling buhok bago tuluyang isinarado ang pinto.

Papasok na siya ng bahay nang makita niya ako. He froze in an instant when he saw me. Hindi niya siguro inakalang nandito na ako, nakamasid sa kanya.

He smiled cheerfully as he walks towards me. Niyakap niya ako at hinalikan sa labi.

"Diba sabi ko sayo huwag mo na akong hintayin? What are you doing here this late, baby? Baka mahahamugan ka."

"Zake, pwede ba tayong mag-usap?"

His brows creased. "About what, sweetheart?"

Hinawakan ko ang palapulsuhan niya at hinila papasok ng bahay. Isinarado niya naman ang pinto at hinubad ang kanyang coat.

Nagpatiuna akong naglakad sa kanya sa sala at umupo sa sofa. Sumunod naman siya sa akin, binuhat niya ako at pinakandong sa kanya.

He leaned his back to the armrest and massage my thigh. Tinitigan ko siya. He looked stressed and haggard. Ang namumungay niyang mga mata ay mas lalong nadaragdagan pa.

He chuckled. "Don't look at me like that, sweetheart."

Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko at sumandal sa dibdib niya. Pinalibot ko ang aking maliit kong braso sa kanyang malaking balakang at pinapakinggan ang bawat pag pintig ng kanyang puso.

"May problema ba, Zake?"

Sinuklay niya ang buhok ko gamit ang kanyang daliri. "Hmm. Is that the reason why my baby acted like a baby again? Are you worried about me?"

Kidnapped By A Billionaire Stranger (Book 1 Of Billionaire's Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon