Chapter 26
"May I remind you lang 'no Honeylyn Martin na sa lunes na po ang pasukan natin. Kailan mo balak mag-enroll?" Ang matilis at masakit sa teyngang boses ni Mikaela na nasa kabilang linya.
"Pwedeng makisuyo?" I wince. Muntik ko pang matapon ang sandok na hawak ko dahil kasalukuyan akong nagluluto ng hapunan para sa amin ni Zake.
"Aba't?! Masyado ka naman yatang nahihibang d'yan sa boyfriend mo at hindi mo maiwan-iwan kahit ilang oras lang. And for your information tapos na akong mag-enroll noong isang araw pa. Palagi kitang tinatawagan pero hindi kita makontak. Anong nangyayari sayo? Punit na punit na ba?"
Kumunot ang noo ko. "Anong punit na punit?" Pinatay ko ang stove at sinandok ang ulam. Menudo at chicken curry lang naman ang niluto ko para sa sweet at guwapo kong boyfriend. I giggle.
She sigh. "Huwag kang magpapaloko sa lalaki na yan Honeylyn. I made a research about your boyfriend Zake Dominique Powell at hindi ako makapaniwala sa mga nababasa ko tungkol sa kanya," she sigh again. "Magkikita tayo bukas. Marami kang dapat i-kuwento sa akin Honeylyn. Aba't nagkakaboyfriend ka lang ng kano na yan nakakalimutan mo na kaagad na may buhay ka pang kaibigan dito na nag alala sayo at concern sayo. Ikaw Honeylyn kahit kailan hindi kita nakakalimutan kahit may bo--"
"Oo na bukas, anong oras at saan?" Putol ko na, kasi ang babae na'to kung magsisimulang mangaral wala nang preno ang bibig. Inikot ko ang mga mata ko. Ilang araw lang naman kaming hindi nagkita simula noong umalis ako sa boarding house niya pero kung makaasta ngayon sa akin ilang taon na akong hindi nagpapakita.
"Ten am sharp. Sa milk tea-han ni Aling Bebang," humagikhik ito. Ang Aling Bebang na tukoy niya ay ang kaharap ng school namin. Everytime na bigkasin niya ang pangalang 'yan ay matatawa siya, hindi ko alam kung bakit. Hindi naman nakakatawa diba? "I'll text you as soon as I get there, okay? Hindi pa ako tapos sayo ha. Kapag malaman kong may ginawa ka ng kakaiba dahil lang sa boyfriend mo na yan na hindi ko maintindihan kung bakit ang gwapo kukurutin kita sa singit Honeylyn tandaan mo yan."
I rolled my eyes again as if she can see me. Inilapag ko na sa mesa ang pyrex na may lamang ulam pagkatapos ay nagsandok na naman ng kanin.
"Wala akong ginagawang hindi mo magugustuhan." Ano naman kasi ang gagawin ko 'diba na hindi niya magugustuhan and besides Zake is very gentleman naman. He respected me. Sapat na ang halik at yakap sa kanya.
She sigh again. Ang laki naman ng problema ng kaibigan ko na 'to. Kawawa naman. "Alam ko, pero baka mauuto ka sa gwapong pagmumukha na yan at makakalimutan mo na kaagad ang mga pangarap mo. Honeylyn, magpakasal kang birhen 'wag kang gagaya sa akin." Nakini-kinita ko na ang ngiwi niya. Mikaela is a wild woman. Liberated. Kaya hindi ako magtaka kung first day palang silang in a relationship ng nobyo nito may nangyayari na kaagad sa kanila.
"Opo, maam," asar ko. Inilapag ko sa mesa ang kanin at umupo sa bakanteng upuan. Malapit nang mag alas-otso, malapit nang umuwi si Zake.
After those incident happened. Zake became more sweeter to sweetest. Palagi siyang may pasalubong sa akin at kung mananatili naman siya sa bahay palagi niya akong kinakandong. Kahit kumakain kami.
Zake is gentleman. Masasabi ko. Sa loob ng isang linggong pagsasama namin ay hindi ito gumawa ng hakbang para makakagawa kami ng mga hindi dapat. Kaunting halik at yakap ay sapat na iyon sa kanya.
"Punit na punit ka na ba?" Nasa kabilang linya pa pala ang kausap ko.
"Anong punit na punit?"
"Yung you know. Yung something like--" tumikhim ito bago nagpatuloy. "Wala pa ba?"
BINABASA MO ANG
Kidnapped By A Billionaire Stranger (Book 1 Of Billionaire's Trilogy)
Teen FictionHe kidnapped her not for money, not to be his slave but treating her not the way she expected. This is not your ideal kidnap-victim story. Date started: May 06, 2019 Date finished: November 04, 2019 Edited: February-August 2021