Chapter 54

3.3K 95 46
                                    

Chapter 54

Flashback
3 years ago

Pasulyap-sulyap lang ang tanging nagawa ko kay mama. Marami akong gustong itanong sa kanya pero hindi ko alam kung paano  simulan. Hindi ko alam kung kailangan ko pang itanong iyon sa kanya dahil wala naman akong karapatan. Wala akong karapatang halungkatin ang naging nakaraan niya dahil anak niya lang ako. Baka kung itatanong ko ang gumugulo sa utak ko ay baka papagalitan lang niya ako. Baka maiinis oh baka hindi ako kakausapin.

I've been carrying this thoughts for how many years. Hindi ko alam kung ano ang meron sa pinag usapan nila ni Lolo at Lola ng gabing iyon pero gumugulo ito ng husto sa utak ko. Masyado pa akong bata ng gabing iyon pero malinaw sa akin ang aking mga narinig. I can feel my mothers depression. At ang masaksihan siya ng ganon hanggang sa lumaki na ako ay nagpapasikip ng dibdib ko. Alam kong may kinikimkim si mama. Alam kong meron siyang mabigat na problema. She's carrying this for years, simula bata hanggang ngayong lumaki na kami ng kapatid kong babae.

Abala siya sa pagtatahi. Magaling na mananahi si mama pero hindi niya iyon ginamit para pagkakikitaan. Ginawa niya lang ito pampalipas oras lalo na sa ngayong buntis siya. Inabala niya ang sariling magtahi ng bagong damit para sa pinagbubuntis niya. Masydong matipid si mama kaya hindi na siya gumasto para lang pambili ng damit pambata bagkus ay kusa niyang ginawa ang mga ito.

"May gusto ka bang sabihin sa akin anak?" Bahagya lang sumulyap sa akin si mama, masyado itong pokus sa kanyang ginawang pagtahi.

Kidnapped By A Billionaire Stranger (Book 1 Of Billionaire's Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon