Chapter 11
"Hindi ka pa ba uuwi?" tanong sa akin ni Gary na boyfriend ni Mikaela.
"Hindi. May dadaanan pa kasi ako." Pagsisinungaling ko. Pero ang totoo ay hindi ko alam kung paano umuwi sa condo ng bago kong amo.
Napakamot ako. Kung bakit ba naman kasi hindi ko alam kung ano ang address at nakalimutan ko pa ang pangalan ng kanyang condo. Hindi ko na tuloy alam kung pano umuwi.
Kung magpapahatid naman ako sa boyfriend ng kaibigan ko. Eh hindi ko naman alam kung anong address at mabubuko pa ako ng kaibigan ko na alam kong alam niya na nagsisinungaling lang ako sa kanya.
"Sigurado ka?" Paninigurado sa akin ni Gary. Tumango ako.
Edgardo Riley Cervantes. Twenty-two years old, Mikaela's boyfriend for almost four years.
Matangkad siya, moreno. Matangos ang ilong at medyo mahaba ang buhok. Ang buhok niya raw ang panghatak niya sa mga babae. Shiny kasi ito at bumagay sa mukha niya.
Siya ang sumusunod at naghahatid kay Mikaela sa school gamit ang kanyang pamatay na Kawasaki Ninja.
Pagkatapos magpaalam ng dalawa ay nanghina ako. Naupo sa bench sa labas ng campus habang namomroblema. Paano na ako ngayon?
Kinapa ko ang aking cellphone. Napanguso ako. Sana pala nag change number man lang kami ni Zake para makontak ko siya sa ganitong sitwasyon.
Halos mangalahating oras na akong nakaupo sa bench. Sinusundan ng tingin ang bawat dumaraang mga estudyante panay na rin ang pamamatay ko sa mga lamok na kumakagat sa akin.
Nang tuluyan nang dumilim ang paligid ay napakagat labi ako. Gusto kong maiyak pero hindi naman siguro ito ang tamang panahon para maging hina.
Pero pa'no kung may mangtrip sa akin dito? Pero dahil nasa labas lang ako ng school namin may mga guards parin naman akong natatanaw sa may gate. Pero kapag sobrang late na talaga ang oras, umaalis kasi yan sila.
Saan ako matutulog? Tatabi kay Ateng grasa sa karton niya? Tatabi kay Kuyang grasa sa sako niya?
Napangiwi ako. Lumaki akong mahirap lang sa buhay pero never pa akong nakatulog sa gilid ng kalsada. Na tanging ang ginagamit pansapin ay sako kung hindi kaya ay karton.
Kasi naman eh. Pano kaya kung mag-taxi nalang ako? Sapat naman ang perang binigay sa akin ni Zake para pamasahe pero ang problema ko kasi talaga, hindi ko alam kung saan pupunta!
Kung sasabihin ko sa driver na dun ako sa may malaking condo sa makati eh ang dami-daming condominium don.
Tapos ang masaklap kasi wala akong maalala na kahit pangalan ng streets man lang. Ng kaharap na establishment o kahit anong pangalan na pwede kong sabihin sa driver para matuntunan ko kung saan ako pupunta.
Frustrated kong ginulo ang buhok ko. Naiiyak na ako.
May isang XUV na lumabas na kulay red ang lumabas ng main gate sa campus namin. Hindi ko na sana iyon papansinin pero huminto siya sa harapan ko mismo.
Nang tingnan ko ang oras ng cellphone ko ay malapit na palang mag eight. Kinakabahan na talaga ako.
"Hey." Nakadungaw na mukha ni Jared ang bumungad sa akin. "Waiting someone?" tanong niya.
Tumango ako tapos umiling ulit, tapos tumango ulit. Kumunot ang noo niya.
"Are you sure?" naniniguradong tanong niya.
Nag-iwas ako ng tingin. Inabala ko nalang ang sarili ko kaka-cellphone.
Ayaw kong sabihin sa kanya ang totoong nangyari sa akin baka pagtatawanan niya pa ako. Nakakahiya!
BINABASA MO ANG
Kidnapped By A Billionaire Stranger (Book 1 Of Billionaire's Trilogy)
TeenfikceHe kidnapped her not for money, not to be his slave but treating her not the way she expected. This is not your ideal kidnap-victim story. Date started: May 06, 2019 Date finished: November 04, 2019 Edited: February-August 2021