Chapter 6
Pagkatapos maubos ang pagkapahiya ko sa katawan ay bumalik ako ng kusina at nagpatuloy sa aking agahan. Inubos ko na lahat ng ulam. Napagdisketsahan ko kasi nga gutom ako at sobra-sobra yung pagkapahiya ko kanina. Baka may maitutulong ang kinain ko para kakapal ang mukha ko kapag magkikita kami ulit.
Hinugasan ko ang pinggan ko pagkatapos kong kumain. Nagwalis na rin ako at niligpit ang lamesa. Nang matapos ay naghagilap ako ng gagawin pero wala akong mahanap.
Sinilip ko ang pinto ng kuwarto, hindi parin siya lumalabas. Ang bagal maligo ng lalaki na yun ah. Ako five minutes lang tapos na akong maligo eh siya halos kalahating oras na hindi parin tapos?
Bumalik nalang ako ng sala at umupo sa sofa. Tinitigan ko ang malaking pinto na kinaiinisan ko kagabi pa.
Kapag kita mabuksan who you ka talaga sa 'kin.
Nalipat ang tingin ko sa pinto ng kuwarto nang bumukas iyon. Niluwal siya. Saglit lang akong natigagal sa kanya pagkatapos ay nagbawi. Kagat-kagat ko ang sariling labi at ramdam na naman ang pang-iinit ng aking pisnge.
Paano ba naman kasi nakatingin siya sa akin. Tapos ang guwapo niya sa suot niya. Yung tindig niya talaga kasi pamatay ng chix na kagaya ko na inosente at walang kaalam-alam. Tapos yung mata niya pa. Tapos yung suot niya pa.
Cotton tee na kulay gray tapos kulay asul na ripped jeans tapos pinaresan niya ng korean sandal. Nakasuot pa siya ng baseball cap. Tapos ang tangkad niya pa. Tapos maganda pa ang pangangatawan niya.
Gumapang na sa mukha ko ang init nang maalala ko ang naganap kanina.
Ang bango pa ng hininga niya.
"Wear this." sabi niya sa akin. Nasa harapan ko na siya ngayon. Ibinigay niya sa akin ang isang t-shirt na malaki at alam kong maluwag sa akin.
Nakatingin lang ako dun. Bakit niya 'yan ipapasuot sa akin? Ang laki niyan kaya. Matabunan lang ako n'yan.
Hindi ko siya pinansin. Iniwas ko ang tingin sa kanya at naghanap ng maaaring matingnan. Dumapo ang tingin ko sa study table kung saan nakalagay ang case niya. Ano kaya ang laman niyan?
"Magbibihis ka o bibihisan kita?" tanong niya pa.
Gulat akong nag-angat ng tingin sa kanya. Hala. Bibihisan niya ako?
Tumayo agad ako at hinablot ko ang binigay niya. Hinablot ko kasi ayaw kong maramdaman ang balat niya sa akin. Baka aatakihin na ako sa puso. Kinalma ko lang kasi ang sarili ko kanina pa.
Pumasok ako ng kuwarto at nagbihis. Hindi ko na hinubad ang sinuot kong pambahay. Pinatongan ko lang iyon ng bigay niya.
Napangiwi ako sa sarili nang tingnan ko ang repleksyon ko sa salamin. Hindi lang ako natatabunan ng shirt niya. Mukha rin akong hanger. Tapos isang ihip lang lumilipad na.
Napanguso ako. Bakit kailangan ko pa kasi 'tong suutin?
Paglabas ko ng kuwarto ay nakangisi niyang mukha ang sumalubong sa akin. Inirapan ko na. Kasi nang-aasar siya.
Nang lumapit ako sa kanya ay ginulo niya pa ang buhok ko. Sinimangutan ko siya lalo.
"Good girl."
Humaba ang nguso ko. Gusto kong magreklamo pero ayaw ko. Ayaw niya raw kasi ng maingay, ng palatanong. Tatahimik na lang ako dito.
"Shall we?" Giniya niya pa ang kamay niya patungong pinto. Hindi ko siya pinansin. Ngumisi lang siya.
Grabe na talaga ang pang-aasar niya sa akin ah. Nakakaasar na.
BINABASA MO ANG
Kidnapped By A Billionaire Stranger (Book 1 Of Billionaire's Trilogy)
Teen FictionHe kidnapped her not for money, not to be his slave but treating her not the way she expected. This is not your ideal kidnap-victim story. Date started: May 06, 2019 Date finished: November 04, 2019 Edited: February-August 2021