Chapter 56
Its been month since I decided to stay in my province to take a rest and mend my broken heart .. at sa loob ng isang buwan na iyon ay naadjust ko na ang sarili ko. I started to enjoy the company of my new friends, cousins and also my family. Ang kapatid ko na sobrang corny mag-joke ay nasabayan ko na rin. Tumatawa na ako kapag nagdyo-joke siya. Not because its funny but because the way he delivered his jokes. Mas natawa pa ako sa mukha niya keysa sa mga jokes niya.
Kakatapos lang naming maligo sa may sapa ng mga kapatid ko at ngayon nga ay nanood na kami ng palabas sa Tv. Mamayang hapon ay inembita ako ng mga kaibigan ko at pinsan na mamasyal sa Anastacia View Deck na nasasakupan ng Jabonga. Mamayang hapon na raw kasi sobrang init ng panahon ngayon at saka yung iba ay may importante pang ginagawa.
Napangiti ako nang mag-vibrate ang cellphone ko. Nitong nakaraang linggo ay hiningi na ni Chris ang cellphone number ko at ngayon nga ay magkatext na kami. He's nice .. masasabi ko at deserve niya ang posisyon niya ngayon. He works hard for it and it pays him off. Masipag siya at responsible sa kanyang responsibilidad as a Sk chairman.
Chris:
May seminar pa kasi ako and also Jesriel. So, mamaya na talaga.He texted.
Tinatanong ko kasi talaga kung anong oras ang alis namin. Balita ko kasi ay maganda pasyalan ang Anastacia's View Deck. Maraming magagandang view na pagkuhanan ng litrato. Hindi na ako makapaghintay.
Me:
Okay.I replied.
Isinilid ko ang cellphone sa bulsa ko at pumasok ng kusina.
"Ano po ang niluluto niyo, ma?" Tanong ko kay mama. Abala siya sa pagluluto para sa tanghalian namin kahit 9 am palang.
"Magluluto ako ng adobong manok anak. Hahatiran ko rin ang kapatid mo sa lungsod kaya maaga akong nagluluto. Baka mamayang hapon pa ang uwi namin." Sagot niya.
"Sino pong kasama niyo?"
"Si Jelian ang isasama ko at si Redysa." Tiningnan niya ako. "Nanliligaw ba sayo si Chris anak?"
Pumunta kasi ang lalaking yun kagabi dito sa bahay. Kinakausap lang naman ako pero hindi naman nanligaw.
"Wala naman po."
Napangiti si mama. "Mabait na bata yan. Boto ako sa kanya."
"Ma!"
"Bakit? Totoo naman ang sinabi ko." Binitawan niya ang kutsilyo at hinarap ako. "Mas gusto ko pa na kakilala lang natin ang maging boyfriend mo anak. Panatag ako na hindi ka sasaktan dahil kilala ko na."
Napanguso ako. "Kaibigan ko lang naman po yun at hindi po yun nanligaw."
Nangingiting umiling si mama. Hinarap muli ang paghihiwa ng mga sangkap para sa lulutuin niya.
"Kapag manligaw ba sasagutin mo?"
Hindi ako nakasagot kaagad. "Hindi po."
"At bakit naman? Mukhang nag-enjoy ka naman kasama siya."
"Ayaw ko pa pong pumasok sa panibagong relasyon po." Umaasa kasi ako na babalikan ni Zake kahit malabo.
"Ikaw ang bahala. Basta ako, dito lang ako anak. Susupurta sa mga maging disesyon mo sa buhay."
Napangiti ako. Tinulungan ko siyang maghanda ng lulutuin at nang matapos ay bumaba na sila kasama ang dalawa kong kapatid na babae sa lungsod. Si Benjie naman at ang stepfather ko ay nagpatuloy sa pagtatrabaho sa palayan. Gusto ko naman sanang sumama pero may naka schedule na kasi akong lakad at total naman, nuong nakaraang araw pa naman ang huling bisita ko kay Jinky.
BINABASA MO ANG
Kidnapped By A Billionaire Stranger (Book 1 Of Billionaire's Trilogy)
Novela JuvenilHe kidnapped her not for money, not to be his slave but treating her not the way she expected. This is not your ideal kidnap-victim story. Date started: May 06, 2019 Date finished: November 04, 2019 Edited: February-August 2021