Chapter 62
Nagising ako dahil sa mabigat na bagay na nakadagan sa tiyan ko. Pagmulat ko palang ng mga mata ay nasapo ko na kaagad ang ulo ko. Masakit. Para itong binibiyak. Napangiwi ako.
Hindi ko na halos matandaan kung ano ang nangyari nang malasing ako. Ang natatandaan ko lang ay yung nilapitan ako ni Will at kinausap, pagkatapos niyon ay malabo na ang lahat sa akin. Hindi ko na matandaan ang mga sumunod pa na nangyari.
I groaned sleepily and try to remove the heavy thing on my stomach. Mabigat kasi iyon dahilang hindi ako makaupo.
Agad namilog ang mga mata ko nang hawakan ko iyon-- nang maramdaman ko iyon sa aking balat. Its hairy and its.. its an arm!
Kaagad kong nilingon ang nagmamay-ari niyon dahilang mapamulagat ako.. pagkatapos ay nataranta at hindi na alam ang gagawin.
Zake's face is so close to me. Nakaunan ako sa isang braso nito at nakatagilid ito paharap sa akin.
Nalaglag ang panga ko. Katabi ko siyang natulog. Magkatabi kaming natulog! Paano? Bakit? Anong nangyari? He's naked and were sleeping on the same bed!
Kinabahan ako bigla. Nanginig ang kamay kong pinakiramdaman ang sarili ko. Wala namang masakit sa akin maliban sa ulo kong pumipintig-pintig pa.
Tiningnan ko ang aking sarili sa ilalim ng kumot. May suot akong damit pero shirt niya! Wala akong bra at tanging panty nalang ang undergarments ko na natira.
I scream. I covered my ears and close my eyes as I keep on screaming. This is too scandalous! I don't remember any of the things after I saw Will. Wala na akong matandaan na iba pa!
"W-what?" Zake with his sleepy voice. Lumuwag ang yakap nito sa akin at umangat ng kaunti ang ulo at sinilip ako. "Why are you screaming?"
Hinablot ko ang kumot at itinakip sa katawan ko at umisod paatras sa kanya, dahilang tumambad ang hubad na katawan nito. Namilog ang mga mata ko. "A-anong ginagawa mo sa akin? G-hinahasa mo ako 'no? Ginahasa mo ako?"
Umupo siya na may namumungay na mga mata. Ramdam ko parin ang kanyang antok pero dahil sa ingay ko ay napipilitan siyang bumangon.
"Wala akong ginawa sayo." He said calmly. Tiningnan ako ng diretso sa mga mata pagkatapos ay pinasadahan ng tingin.
"Huwag mo akong tingnan ng ganyan sinungaling ka! A-anong ginawa mo sa akin? N-nasaan ang damit ko? Ikaw.. ikaw ba ang naghubad sa akin?"
"Yeah." He said lazily and lay again in bed. Tumagilid at humarap sa akin.
Napamaang ako. "Ano?" Kumalat kaagad ang init sa pisngi ko. Niyakap ko pa lalo ang kumot sa katawan ko at mas umatras pa lalo sa kanya.
He smirked. "Don't be shy. Nakita ko na naman ang lahat ng yan."
Kumuha ako ng isang unan at ibinato sa kanya. "Manyakis ka!"
"Yeah? After you beg me to love you again and now you call me that way?" He smile playfully. "Bad girl."
Umawang ang bibig ko. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. "A-anong pinagsasabi mo?"
"Nothing." Kumikislap ang mata nito sa kapilyuhan. "Come. Lay beside me." He patted the sheet near him.
"At bakit naman ako tatabi sayo? Pagkatapos mo akong hubaran at dalhin sa ..." Pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan ng silid. "kuwarto mo?"
"Its not my room. This is a Hotel room."
Namilog ang mga mata ko. Ang mas lalo pang nakakainis kasi kalmado lang siya samantalang ako . . nayanig lang naman ang mundo kong makitang hubad siya at katabi ko pa sa kama.
BINABASA MO ANG
Kidnapped By A Billionaire Stranger (Book 1 Of Billionaire's Trilogy)
Teen FictionHe kidnapped her not for money, not to be his slave but treating her not the way she expected. This is not your ideal kidnap-victim story. Date started: May 06, 2019 Date finished: November 04, 2019 Edited: February-August 2021