Chapter 52

3.1K 95 19
                                    

Chapter 52

"Hindi mo ako puwedeng hiwalayan, Honeylyn Martin. Hindi ako papayag."

Napalunok ako. Just by the sight of him makes my body trembled. Hindi biro ang isang 'to kapag nagalit. Nakakatakot.

"A-anong sinabi mo?"

His jaw clenched. "Hindi mo ako puwedeng hiwalayan."

"At bakit?"

Siya naman ang napakurap. Tinitigan ako pagkatapos ay dumistansya ng kaunti. Maybe he realized I have the right to end our shitty relationship after all he has done to me. Karapatan ko ang magdisesyun at wala siyang magagawa ron.

"Karapatan ko naman siguro ang humiwalay sayo pagkatapos nang ginawa mo sa akin. Ni-niloloko mo ako! Hindi ka umuuwi sa akin hindi mo pa ba kinukonsider yun na hiwalay na tayo?"

"Listen."

"I-ikaw ang makinig sa akin gago ka! Break na tayo! Ayaw ko na sayo! Sinaktan mo na ako at ayaw ko nang masaktan ulit."

"You better watch your mouth."

"Bakit pa ako magtitiis sayo e malinaw naman sa akin ang lahat." Tumulo na naman ang luha ko. Nakakainis. Umiyak na naman ako sa harapan niya. Ang babaw ng luha ko sa kanya. "Hi-hindi mo naman talaga ako minahal at puro kasinungalingan lang ang sinabi mo sa akin. Akala ko ba wala na kayo ng Jeanette mo na yun bakit siya ang kahalikan mo? Ilang araw mo 'tong ginagawa? Nung hindi ka umuwi sa bahay sa bahay ka ba niya umuuwi? Ano? Siya ba ang totoong minahal mo? Ano ako? Minahal mo ba talaga ako?"

Umigting ang panga niya. "Don't. You. Ever. Fucking question about my feelings for you, Honeylyn Martin. Wala kang alam."

Tinakpan ko ang teynga ko at umiling ng sunod-sunod. "Hindi. Hindi na ako maniniwala sayo. Ayaw ko nang makinig sa mga kasinungalingan mo. Hindi na ako maniniwala sayo. Ayaw ko nang maniwala sayo."

"Zake."

"What?!" May biglang pumasok sa kinaroroonan namin at binulyawan ni Zake. Hindi ko mapag-sino ito dahil nakatungo ako.

"O. Ba't ka galit? Magtatanong lang naman sana ako e. Pero, sige, next time nalang. Busy ka yata diyan. Bye."

Huminga nang malalim si Zake na parang kinontrol niya ang kanyang sarili. He is pissed hindi ko alam kung bakit. Wala naman siyang karapatan sanang magalit.

"Mag-uusap tayo mamaya," he said. Itinago niya ang baril sa likod ng kanyang belt at tumayo ng tuwid sa harapan ko. Hindi niya inalis ang tingin sa akin.

"Wala na tayong dapat pang pag-usapan," mariing sabi ko.

"Marami." Panggagaya niya sa boses ko. Sinamaan ko siya nang tingin.

"Wala kang karapatan sa akin manloloko ka! Hindi mo na ako pag-aari! Dahil simula ngayon, hindi na kita boyfriend! Hindi na rin kita ma-mahal!"

He stilled.

"Sweetie..."

Nagpapadyak ako sa inis. "Huwag mo akong tawagin nang ganyan. H'wag mo akong masweetie-sweetie. Nandidiri ako sayo! Nakakadiri ka! Nakakadiri ka!"

"Fucking—" Nahilamos niya ang kanyang mukha dahil sa frustration. "We'll talk later, ha? We'll talk later, sweetheart."

Sumigaw na ako. Nakakainis ang tawag niya sa akin. Nakakainis dahil kapag magtagal na palagi niya akong tawag na ganoon ay lalambot ako. Lalambot ang boba kong puso. Ang tanga ko talaga. Ang tanga-tanga kong magmahal.

"H'wag mo akong utusan dahil tinanggalan na kita ng karapatan!"

"I still have the fucking right. Hindi ako papayag."

Kidnapped By A Billionaire Stranger (Book 1 Of Billionaire's Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon