Chapter 41

3.4K 111 4
                                    

Chapter 41

Ilang beses kong kinurap ang aking mga mata hanggang sa tuluyang maging malinaw ang aking paligid.

Its a strange place and everything of this room is plain white. Unang nahagip ng mga mata ko ay ang kulay puting pintuan, katabi niyon ay maliit na mesa na kasalukuyang may mga bulaklak. A bunch of white flowers in the vase.

My troat is dry and my body is very heavy. Hindi ako masyadong makagalaw dahil sa kirot at bigat ng aking ulo.

I absentmindedly cape my head but ended up wincing. Dahil kasi sa pag-angat ng kaliwang kamay ko ay sumidhi ang kirot ng aking balikat. When I took a glance of it my brows furrowed. Kung hindi ako nagkakamali ay natakpan ng cast ang kaliwang braso ko.

Napalunok ako. Anong nangyari sa akin? Bakit ganito kabigat ang nararamdaman ko at bakit ako may benda?

Pinasadahan ko ng tingin ang kuwartong kinaroroonan ko. There's a monitor machine in my right side. Which automatically connected the rate of my pulse and also my heartbeat. Ang katabi niyon ay ang stand ng dextrose.

I slowly bit my lower bit when I realized where I was. Nanindig pa nga ang balahibo ko dahil sa malaking karayom na nakatusok sa likod ng palad ko.

Dahan-dahan kong iniangat ang likod ko para sana uupo ng kama pero dahil sa bigat ng nararamdaman ko ay hindi ko kayang buhatin ang sarili. My vision is blurry and my head is spinning. Yung pakiramdam na ilang araw kang nakaratay lang sa kama. Ang bigat sa pakiramdam.

I slowly cape my head again. Dahan-dahan lang para hindi sisidhi ang kirot ng aking kaliwang braso. The last time I could remember was the broken glass of Zake's car. Parang may bumato at natatamaan ang kaliwang balikat ko. Pero kung my bumato man, bakit hindi ko nakita yun?

The worry on Zake's face on that day is still clear to me. Hindi basta-basta ang pag-alala niya habang tumatakbo patungo sa kinaroroonan ko . . . at takot.

Pinasadahan ko muli ng tingin ang kabuuan ng kuwarto. Malaki ito at alam kong mamahalin. Private room. Tiningnan ko ang aking sarili kung saan abot ng tingin ko. I am wearing hospital gown.

I swallowed. Nasa hospital nga ako.

Napatingin ako sa kulay puting pinto nang bumukas iyon. Ang haggard at stressed na mukha na ni Zake ang kaagad na sumalubong sa akin.

Saglit lang ang pagkagulat niya nang makita ako pagkatapos ay sumilip sa labas ng pinto at tumawag ng Doctor bago siya lumapit sa akin.

"Sweetie?" His quivering hand cupped my face gently. "You're awake." Hindi pa man ako nakagawa ng tanong ay nagmamadali na naman siyang tumungo sa pinto at sumilip sa labas. "God dammit. Jace!"

Gusto kong magsalita pero walang lumabas na boses sa bibig ko. Gusto ko siyang hawakan pero kumikirot lalo ang balikat ko. Tulala nalang akong nakatingin sa kanyang nag-alalang mukha.

"I'll call the doctor. I'll be right back, alright?" Hindi siya mapakali dahil hanggang ngayon ay hindi parin dumating ang Doctor na si Jace.

Nagmamadali siyang lumabas ng silid. Tatawagin ko sana pero hindi ko magawa. Walang boses na lumabas sa bibig ko. Sobrang dry ng lalamunan ko at kahit ibuka ang labi ko ay nahihirapan ako. Lahat ng parte ng katawan ko ay mabigat. Masakit.

Ilang sandali lang ay bumalik na siya kasama si Jace at dalawang nars. Nang makita ako ni Jace ay agad nitong kinuha ang stethoscope na nakapalibot sa leeg nito at may bagay na kinapa sa bulsa ng kanyang suot na white coat at nagmamadaling lumapit sa akin.

"Move," sabi nito kay Zake dahil nakaharang siya sa daraanan.

Tumabi naman ang una pero hindi inalis ang tingin sa akin.

Kidnapped By A Billionaire Stranger (Book 1 Of Billionaire's Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon