Epilogue

8.4K 167 111
                                    

A/n: I'm thinking about writing Zake's Pov here but realize I still have two books to finish. If I put his Point of View here may maisusulat ako na dapat ay sa book 2 pa mangyayari. So, ayun, ang PoV ni Zake ay doon ko na sa book 3 isusulat lahat. Hahaha 😂

Thank you for reaching this far. I love you all. 💛💛

Trigger Warning: Sensitive content ahead. Read at your own risk.

Epilogue

"Hon, kahit isa lang naman oh, kumain ka naman, please." Mikaela with her pleading voice as she beg me to eat.

Iniwas ko ang tingin sa kanya, tumagilid ng higa at tinalikuran siya. Sa huling pagkakatanda ko ay apat na araw na akong nanatili rito sa hospital. Nakaratay sa kama at parang walang buhay.

Mikaela were always here for me. Siya ang palaging nakikita ko kapag gigising sa araw at bago matulog sa gabi. She beg me to eat even she know I didn't want too. Pero kahit alam kong nahihirapan siyang pakiusapan ako ay iniintindi niya ako. Hindi niya ako tinataasan ng boses at pinagsabihan ng hindi magandang salita. Pinili niya ang intindihin ako kahit hirap na hirap akong maintindihan.

Nanghihina ang pakiramdam ko. Hinang-hina ang pakiramdam ko sa puso. Nawalan ako ng ganang huminga. Nawalan na ako ng ganang mabuhay pa. Wala akong maramdaman na kahit ano sa puso ko. All I know is I'm emotionally exhausted.

Gusto kong umiyak dahil yun naman talaga ang palagi kong ginagawa pero hindi ko magawa. Nauubos na yata ang luha ko. Punong-puno na ako. Namamanhid na ang aking puso. Para na akong namamatay sa loob.

"Hon, kahit isang subo lang naman. Soup lang naman 'to eh. Paano ka gagaling niyan kung hindi ka kakain? Balak mo ba ang manirahan dito sa hospital?"

Pumikit ako. Gusto kong matulog. Palagi akong inaantok gayung wala naman akong ibang ginawa kundi ay ang matulog ng matulog simula nang magising ako. Palaging mabigat ang talukap ng mga mata ko. Kapag magigising naman ako ay lumalampas lang ang titig ko sa pader ng kuwarto sa hospital na kinaroroonan ko ngayon.

I'm alive but dead on the inside.

"Honeylyn nakikinig ka ba sa akin?"

I cover my face using the hospital blanket. I close my eyes and focus myself to sleep. Pero maingay si Mikaela.

Hinila niya ang kumot ko at ipinaharap niya ang katawan ko sa kanya.

"Huwag mong hintayin na tatawagan ko ang pamilya mo at ipaalam sa kanila ang nangyayari sayo dito, Honeylyn."

I cock my head slowly. I can't let them know what happened to me. Ayaw kong mag-alala ang pamilya ko sa akin. Umaasa din naman akong maging maayos ang lagay ko pagdating ng araw.

"Puwes, kumain ka."

Dahan-dahan akong umupo ng kama at kinuha sa kamay niya ang bowl na may lamang soup. My hands are weak. Nanginginig pa ito habang kinuha sa kamay niya ang bowl.

"Ako na. Just open your mouth for me," she said with her shaky voice.

Sinunod ko naman ang utos niya ngunit habang sinusubuan niya ako ay dinig na dinig ko ang bawat pagsinghot niya.

I don't even have the strength to look at her, dahil alam ko na umiiyak siya. Umiiyak siya dahil sa akin.

Hindi ko pa nauubos ang soup pero inayawan ko na. Wala namang magawa si Mikaela kundi ay hayaan akong humigang muli at matulog.

Nagising lang ako dahil sa dalawang boses na pagmamay-ari ng isang lalaki at isang babae na nagtatalo sa loob ng kuwarto. Its Mikaela and her boyfriend Dave.

Kidnapped By A Billionaire Stranger (Book 1 Of Billionaire's Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon