Chapter 49
Wasak ang puso ko sa mga sumunod pa na araw. Hindi na umuwi si Zake sa akin: ako naman ay hinintay ang pag-uwi niya hanggang sa dumating na lamang ang enrollment namin para sa second sem.
Ayaw ko pa naman sanang mag-enroll dahil nawalan ako ng gana dahil sa sitwasyon pero kinakailangan kong makausap si Mikaela. I needed her presence now. Wala kasi talaga akong mapagkuwentuhan sa mga problema ko. Mas bumibigat ang dibdib ko kapag walang mapagsabihan.
Nang makita ko siya ay binuhos ko na ang hinanakit ko sa puso. I hugged and cried like there's no tomorrow. I breakdown in her shoulders. Humagulgol na ako sa balikat niya.
"Anong nangyari sayo?" She saw me breaking before but now is different. Pumalahaw kasi ako na naging dahilan upang pagtinginan ako ng mga taong dumaraan.
Isinubsok ko ang mukha ko sa leeg niya as I hugged her tight. Hindi naman magkalayo ang tangkad naming dalawa kaya hindi ako nahihirapang sumubsob sa leeg niya.
"Shh. Its alright. Ibuhos mo lang yan lahat, okay? Iiyak mo lang yan," pag-alo niya sa akin habang hinihimas ang buhok ko.
I followed what she said. Hinila niya ako patungo sa comfort room para walang masyadong makakita sa amin. Hindi man ako nakatingin sa mga tao alam kong sa akin nakatuon ang kanilang tingin.
"Lumabas na nga muna kayo. May pag-uusapan lang kami ng bestfriend ko." Pangtataboy ni Mikaela sa mga taong naririto. Dito niya ako dinala sa girls comfort room sa school namin.
"Excuse me? You didn't own this building, okay? Sino ka ba para pagtabuyan kami?" Dinig kong buwelta ng isang babae. Hindi lang ito nag-iisa nararamdaman ko. May mga kasama ito na kapwa estudyante lang ding kagaya namin.
"Magrereklamo ka ba?" Bibitawan sana ako ni Mikaela para sugurin ang mga ito pero hinuli ko na ang palapulsuhan niya. Hinila ko siya sa isang bakanteng cubicle at dito nagpatuloy sa pag-iyak. Narinig ko pa ang reklamo ng nasa labas pero hindi ko na iyon nadinig pa. I am preoccupied of my own sob.
"Ano ba kasi ang nangyari sayo? Bakit para kang namatayan diyan?" Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at itinulak ng bahagya. Tiningnan niya ang mukha ko. "My gosh ka naman, Honeylyn?! Natutulog ka pa ba? Ba't ang laki-laki na ng eyebags mo? Ba't ang putla ng mukha mo?" Pinasadahan niya ako ng tingin. "Ba't nangangayat ka?"
Wala akong maisagot sa kanya. Nagpatuloy lang sa pag-agos ang luha ko na hindi na yata nauubos.
Namilog ang mga mata niyang tiningnan muli ako. "O my gosh! Don't tell me.. Don't tell me na buntis ka at ayaw kang panagutan ng nobyo mo na yun?" Niyugyog niya ang balikat ko. "Ano? Nilayasan ka ba niya? Gusto niyang ipalaglag ang bata sa sinapupunan mo? Hindi pa siya handang maging ama? Ayaw niya pang magkababy kayo? Sumagot ka Honeylyn? Sumagot ka!"
Umiling ako. Naalog yata ang utak ko kakayugyog niya sa balikat ko e. Hindi ba siya naaawa sa akin?
"E ano nga? Sabihin mo sa akin. Huwag mo naman akong patayin sa suspense."
Inirapan ko siya.
"Aba? Ikaw pa ang may ganang mang-irap diyan pagkatapos ng ilang linggong walang paramdam sa akin? Tapos bigla kang magpapakita sa akin ngayon na ganyan ang hitsura? Nagpapakita ka lang sa akin para iyakan mo ganun ba yun, ha, Honeylyn?"
"P-paiyakin mo mu-na a-ko, puwede? Ang hi-rap mag-sal-lita e."
Her face softened. Kinagat niya ang pang-ibabang labi niya at muli ay niyakap ako. "Okay. Sorry na. Nag-alala lang ako." Binaba niya ang cover sa toilet at duon niya ako giniya sa pag-upo. Pinaypayan niya naman ako gamit lang naman ng palda niya para pakalmahin ako.
BINABASA MO ANG
Kidnapped By A Billionaire Stranger (Book 1 Of Billionaire's Trilogy)
Novela JuvenilHe kidnapped her not for money, not to be his slave but treating her not the way she expected. This is not your ideal kidnap-victim story. Date started: May 06, 2019 Date finished: November 04, 2019 Edited: February-August 2021