Chapter 27
"Zake Dominique Powell born; September 14, 1996) is a half Spanish, American and a Filipino, internet entrepreneur, businessman and investor. Powell is the founder and CEO of the multi-national technology company, Fuego Land Corporation and Powell Manpower Agencies. With a net worth of more than--"
"Anong ginagawa mo?" putol ko sa pagbabasa ni Mikaela.
Pagkatapos kong mag-enroll kanina ay dumiretso na kaagad ako dito sa milktea-han ni Aling Bebang. Nagpapalibre na nga ang daldal naman. Daig niya pa ang reporter kung makapagbasa e.
She rolled her eyes on me. "Reading your boyfriend articles?"
"Let me continue ha?" Wala na akong magawa nang magpatuloy siya. Part of me gustong marinig ang laman ng article na binasa niya at may parte rin na hindi. Intro palang nito parang pinapahiwatig na na hindi kami bagay sa isa't isa. Langit siya lupa lang ako.
"Saan na nga ba yun?" She's scrolling her phone. Ni-search niya lang siguro through google. Bakit hindi ko nga ulit naisip na mag-research tungkol sa kanya? Wait.. Google? May article siya sa google? Is he that famous?!
"O here it is. With a net worth of more than 150 billion dollar--"
Napaubo ako. "A-ano?"
Inirapan niya ako. Gusto kong agawin ang binasa niya pero inilayo niya ang cellphone sa akin. "Papatapusin mo nga ako puwede?"
Napakurap ako. Wait. What?
"He is the youngest richest person in the world according to both--"
Hindi ko na natiis, inagaw ko na ang cellphone na hawak niya at ipinagpatuloy ang pagbabasa. All I thought she's just playing but when I saw his picture on that particular page and a name was on it my heart palpitated.
"San mo nakuha to?"
Pinanlakihan niya ako ng mga mata. "Hindi pa ba obvious? I search his name at hindi ko naman sukat akalain na may sariling web naman pala ang lalaki na yun.
"Paano mo nalaman ang pangalan niya hindi ko naman yun sinabi sa'yo? Only his first name not his full name. B-bakit mo ito ginawa?"
"Hello?" winasiwas nito ang straw ng milktea sa mukha ko. "Bestfriend here. Concern lang ako."
Iniwas ko ang tingin sa kanya.
"Akin na, hindi pa ako tapos magbasa." Inagaw niya sa akin ang cellphone niya.
"B-bakit mo 'to ginawa Mikaela?" mariing tanong ko. Pinagsabihan na ako ni Zake kagabi tungkol sa kanya, hindi ko naman sukat akalain na ganito na rin pala ang ginawa ng babae na'to. I know she's concern pero bakit naiirita ako?
Inalsahan niya ako ng kilay. "I'm doing this for you Honeylyn. Ikaw kasi, masyado kang walang alam at sobrang inosente. You trusted that man already ni hindi mo pa siya ganoon kakilala."
"Kung hindi mo siya pinagkakatiwalaan bakit mo ako kaagad ipinamigay sa kanya?"
Namilog ang mga mata niya. "Wait. What? Ipinamimigay kita? What do you mean?"
"Nung gabing pumunta siya sa boarding house mo, binigyan mo pa siya ng sarili mong susi para makapasok sa kwarto at wala kang masyadong maraming tanong nong sumama na ako sa kanya. Pinagtulakan mo pa ako."
Iniwas niya ang tingin sa akin. "Okay, to tell you honesty his eyes are pleading. Hindi mo ba nakikita, he looked tired and messed? Naawa ako sa kanya at siyempre naaawa din ako sayo."
"Kung talagang concern ka sa akin, nang araw pa lang na yun hindi mo na ako hinahayaang sumama sa kanya. Hindi mo ibinigay ang susi sa kanya para hindi siya makapasok ng kuwarto."
BINABASA MO ANG
Kidnapped By A Billionaire Stranger (Book 1 Of Billionaire's Trilogy)
Fiksi RemajaHe kidnapped her not for money, not to be his slave but treating her not the way she expected. This is not your ideal kidnap-victim story. Date started: May 06, 2019 Date finished: November 04, 2019 Edited: February-August 2021