Chapter 47
Days have passed is a hell to me. Hindi na ako mapakali. Para na akong mababaliw kakaisip sa mga nangyayari. Hindi ko na siya makontak. Palaging patay ang cellphone niya. Hindi na niya ako gustong makausap.
Nagbuntong-hininga nalang ako habang hinanda ang ice para sa mga pinsan kong babae. Balak yata nilang maglasing ngayon e. Mamayang alas dose na ang pasko at ang oras na iyon ang hinihintay namin.
Nang makalabas ako ng bahay patungo sa kanila na nakatambay sa maliit naming shed ay pinagtinginan nila ako. Bihira lang kasi akong magsalita at palaging malayo ang isip. Nasa kay Zake kasi ang isip ko.
"Ikaw lang yata ang hindi masayang nakikita kami ano?" nakaalsa ang kilay na sabi sa akin ni Melody. Pinsan ko siya sa side ng real father ko. Graduate ng HRM sa University lang sa baryo namin at kasalukuyang nag-aaply ng trabaho abroad.
Napanguso ako. Inilagay ko ang bowl na may lamang pira-pirasong ice sa ibabaw ng mesa at tumabi kay Jelyn ng upo.
Si Jelyn ay pinsan ko sa mother side. Nag-aaral pa ito ngayon ng nursing sa Maynila. Ngayon ko lang din nalaman na sa Maynila pala siya nag-aaral dahil kung may alam ako nitong nakaraan baka sa kanya pa ako makikitira. Lalo na nung time na lumipad si Zake sa ibang bansa at halos tatlong buwang hindi bumalik.
Ipinilig ko ang ulo ko. Si Zake na naman.
"Kumusta ang pag-aaral mo? May mga guwapo ba sa mga kaklase mo?" tanong ni Melody. She has this short and shiny hair na bumagay sa hugis ng mukha niya. Balingkinitan ang katawan na kagaya ko pero for sure mas maliit pa ako. Bini-blessed din kasi siya hindi kagaya ko.
Sa lahat ng pinsan kong nandirito ngayon siya ang mausisa.
"Graduating na ako at.." Marami namang guwapo sa mga classmates ko lalo na sa Aviation students. Dagdag pa ang mga Marines at Criminology. "marami din namang guwapo sa school."
"May naging boyfriend ka na ba sa kanila?" she asked again. Ang ibang pinsan ko pang si Renalyn at Marilou ay nakatingin na sa akin. Pati na rin si Jelyn.
Umiling ako. Bakit naman ako magbo-boyfriend sa mga schoolmates ko kung may boyfriend na akong kamukha ni Captain America 'diba?
I shook my head again. Pwede ba sarili ko? Huwag mo nga muna siyang isipin. Baka magagalit na talaga sayo ang Mama mo.
My mother is studying me the whole time. Simula pa yata noong ipanangako ko sa kanya na hihiwalayan ko na si Zake ay hindi na niya inalis ang tingin sa akin. I promise her not to see him again.
Napatungo ako. Sorry for lying Ma. Kasi kung hindi ako magsisinungaling hindi mo na ako papayagang makabalik ng Maynila. Hindi ko na matatapos ang pag-aaral ko at.. I sighed. Gusto ko rin siyang makausap.
"Hanggang ngayon wala ka pa ring jowa?" Gulat siya e.
"Huwag mo ngang igaya sayo si Honeylyn, Melods. She's kind and focus. Study first pa muna siya bago ang landi hindi kagaya sayo na Elementary pa lang may mga naging jowa na," Renalyn rolled her eyes. Pinsan ko rin siya sa father side. Maputi siya at matangkad. Nasa Davao siya nagtatrabaho as a call center.
"Excuse me?" She artistically blinked her fake lashes. "Anong sinabi mo?"
"Ang sabi niya malandi ka," balewalang sabat ni Jelyn. Kumuha ito ng ice at inilagay sa kanyang baso bago sinalinan ng bagong Smirnoff Vodka. "Nasaan na ang pinagyayabang mong jowa ngayon?"
"Sinabi ko ba yun?" She acted like she doesn't remember gayung kahit ako narinig kong sinabi niya iyon kahapon pa.
Jelyn smiled mockingly. "Never mind." Bumaling siya sa akin. "Hanggang ngayon ba hindi ka pa rin umiinom ng alak?"
BINABASA MO ANG
Kidnapped By A Billionaire Stranger (Book 1 Of Billionaire's Trilogy)
Novela JuvenilHe kidnapped her not for money, not to be his slave but treating her not the way she expected. This is not your ideal kidnap-victim story. Date started: May 06, 2019 Date finished: November 04, 2019 Edited: February-August 2021