Chapter 30

4.3K 112 4
                                    

Chapter 30

Natahimik na ako. Hindi na ako nagsalita. Ilang movies na ang natapos namin and yet parang mas lalong lumayo kami sa isa't isa. Ang awkward ng hangin sa paligid namin. Alam kong ramdam niya iyon pero hindi niya pinansin.

I'm mad. I don't know why. Naiintindihan ko naman kung sakaling ayaw pa siyang magkuwento tungkol sa buhay niya but why hide naman kasi diba? Kung gusto niya akong maging mapanatag bakit kailangan pang maghintay ng oras at panahon? Ganoon na ba ka komplikado ang buhay niya na para hindi ko maintindihan?

Kung natatakot siyang iwanan ko siya kung sakaling malaman ko ang totoo bakit ganun ang iniisip niya? Sa tingin niya ganun lang ako kababaw? Well, Zarah is right, mahina ako at siguro kong malaman ko ang tungkol sa kanya hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Pero susubukan ko namang intindihin siya as long he'll promise his going to protect me.

Sinulyapan ko siyang natahimik na rin sa tabi. His been watching that movie pero alam kong wala sa pinanood ang isip niya. Ano pala 'tong si Zake, mafia boss? Drug lord? Killer?

Nilingon niya ako agad naman akong nag-iwas. Sa peripheral vision ko nakita ko siyang nanatiling nakatingin sa akin. Iiling pagkatapos ay mapakamot sa batok.

Ganyan siya simula pa kanina. Parang gusto niyang magkuwento pero pinigilan niya lang ang sarili. Ako naman naghihintay sa sasabihin niya  alam kong alam niya yun.

"Sweetheart?" he called.

Nilingon ko siya. Hindi ako nagsalita, nagkatitigan lang kami. 

Napapalatak siya. Gumapang patungo sa akin at hinalikan ang pisnge ko. "You mad?"

Iniwas ko ang tingin sa kanya. Gusto kong sabihin na oo pero ayaw ko namang gawin. Baka kung ano ang iisipin niya sa akin. Baka iisipin niyang hindi ako marunong maghintay at hindi ako marunong umintindi. Sinubukan ko naman pero ayaw talaga.

He chuckled. Gumapang siya patungo sa likuran ko at niyakap ako. Ipinasandal niya ako sa katawan niya at hinalik-halikan ang tuktok ng aking ulo.

"Do you really want to know me?"

I nodded. Tiningala ko siya. Just to assure him na susubukan kong intindihin at hindi ako basta-bastang bumitaw. I maybe weak and fragile but my love for him is strong. Strong enough to not let him go. Char.

"Alright. Kiss mo muna ako."

Napanguso ako. "Kanina ka pa humahalik a."

He chuckled. "Ayaw mo ba?"

Pinamulahan ako. Iniwas ko ang tingin sa kanya at umiling. "G-gusto."

"Gaano mo kagusto?"

Tiningala ko siya. Bumaba ang tingin ko sa labi niya at hinalikan iyon. Magaan. He groaned. Salubong na salubong ang kilay niya nang bumitaw ako sa halik.

"Do you love me?" he asked.

Iniwas ko ang tingin sa kanya. Hindi ko naman aakalain na ganito pala kahirap umamin. Nakakahiya.

"Alright. Hindi kita mamadaliin." Hinalikan niya ang pisnge ko pagkatapos ay niyakap ng mahigpit. "Ask me anything, sasagutin ko."

"Talaga?"

"Yup."

Napaisip ako. Ano nga ba ang itatanong ko? Sa dami kong gustong itanong sa kanya hindi ko alam kung saan magsimula at kung ano ang uunahin. "Gusto kitang makilala, Zake. Magkuwento ka."

"What kind of story? Sleeping beauty? Beauty and the Beast or--"

"Zake!"

He laughed. "Just kidding." Tumikhim siya. "Do you remember the very first time you saw me?"

Kidnapped By A Billionaire Stranger (Book 1 Of Billionaire's Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon