This story is edited. I finished writing this story wala pa si Covid. So, medyo late siya at -- yun. Haha kayo na bahala umintindi. Katamad mag-explain e. 🤣
Chapter 45
After taking my final examination and Zake's busy fixing his business schedule we decided to go to my hometown. Pitong buwan na lang ang hihintayin ay ga-graduate na ako. Sinamantala namin dahil bakasyon naman, we planned to celebrate our first Christmas season and new year in my province.. at gusto na ring pormal na hingin ni Zake ang kamay ko sa mga magulang ko.
Desidedo na siya. Ako rin. I want to marry this man as soon as possible. Sabi niya naman sa akin na hindi niya ako mamadaliing magkaanak. Tutuparin ko ang mga pangarap ko na kasama siya. He'll help me and I believe him. Pinangako niya iyon sa akin.
Nakangiti akong lumingon sa kanya. Nasa sasakyan na kami ngayon at pupunta na kami sa private airport na pagmamay-ari ng kaibigan niyang si Fritz. Well, pilot pala ang isang iyon at may sarili rin itong plane, chopper etc.
Nasa Mindanao ang province namin. Kung mag-commute ay baka sa susunod na taon pa kami makarating. Kung barko naman ilang araw pa ang itatagal ng byahe mas maganda talaga kapag plane. Less ang hassle. Less ang traffic at mapadali rin.
"Your happy," he commented. Malaki kasi ang ngisi kong nakatingin sa kanya habang nagmamaneho.
"Excited rin," I giggled. Niyakap ko ang throw pillow at ipinikit ang mga mata. Kahapon ang dami naming pinamiling regalo at pasalubong para sa mga kapatid ko. May binili pa nga siya para sa stepfather ko. Para daw yun sa farm. Naikwento ko kasi minsan na may sariling sakahan ang stepfather ko kaya pinagbili niya rin.
Napadilat ako bigla. Kinabahan. Pumasok sa isip ko ang posibleng reaksyon ni Mama kapag makita niya si Zake. Nakagat ko ang kuko ko. Hindi ko pa pala nasabi sa kanila na may nobyo na ako at ang mas malala pa, sa bahay pa ng nobyo ako nakatira.
Pero virgin pa naman ako Ma. Promise. Gusto ko na talagang manalangin.
"You okay?" pansin ni Zake si akin.
Alanganin akong ngumiti. "Okay lang ako. Kinakabahan lang ng kaunti."
"Why?"
Napanguso ako. "Kasi, first time kong mag-uwi ng nobyo sa amin."
"Fiancé," he corrected.
Gusto kong magpapadyak. "Kaya nga e. Hindi nila alam. Istrikto pa naman sa akin ang Mama ko tapos akala niya Maria Clara ako. Babaeng probinsyana. Study first bago pumasok sa relasyon. Akala nila mabait at akala nila nagtatrabaho ako habang pinapaaral ko ang sarili ko." Mabait naman kasi talaga ako at ganoon ang ugali ko not until I met him. Bigla nalang nanghalik e di pa naman nanligaw. Deserve ko rin naman ang ligawan a pero siya? Never mind. "Ano ang sasabihin nila sa akin kapag makita ka na nila?" Dagdag ko. "Tapos malalaman pa nila sa bahay mo na ako nakatira at ikaw ang nagpapa-aral sa akin. Tapos--" Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko. Ano ba yan? Parang ayaw ko ng tumuloy. "Ikakasal na pala tayo pagkatapos kong grumaduate."
"Its okay, sweetie. They'll understand."
"Paano kung hindi?"
Sinulyapan niya ako. Napatuwid na ako ng upo dahil kinabahan ako. Gusto kong umatras.
He heaved a deep breath before he held my hand. He squeezed it a bit and take it to his lips. Hinalikan niya.
"Don't be nervous, alright? Nandito naman ako." Ngumiti siya sa akin.
Tumango naman ako. Powerful talaga yung mga pag-amo niya sa akin. Ngiti niya pa lang nakakalimutan ko na kaagad kung ano ang nararamdaman ko kanina. Napalitan iyon ng kilig.
BINABASA MO ANG
Kidnapped By A Billionaire Stranger (Book 1 Of Billionaire's Trilogy)
Teen FictionHe kidnapped her not for money, not to be his slave but treating her not the way she expected. This is not your ideal kidnap-victim story. Date started: May 06, 2019 Date finished: November 04, 2019 Edited: February-August 2021