Chapter 42
Lumipas ang ilang araw bago napagdisesyunan ng Doctor na pwede na akong i-discharge ng hospital. Abala si Zake sa pag-aasikaso sa mga papel at nang matapos ang lahat ay lumabas na kami. Nakakailang nga kasi hindi niya ako hinahayaang maglakad o hindi kaya ang sumakay ng wheelchair. Binubuhat niya ako.
"Zake okay namana ako," reklamo ko. Pinagtitinginan kasi kami ng mga nars maging ng mga pasyente. Lahat ng taong madaraanan namin ay pinagtitinginan kami. Nakakahiya.
Lalo na't may nakasunod pa sa aming mga guards niya na dumoble yata ang dami. Nakasunod sila sa amin at parehong parang may hinahanap sa paligid. Ang ilap ng mga mata nila. Yung tipong dis-oras magpapaputok ang mga ito ng baril dahil hawak na nila iyon. Handang-handa na sa bakbakan e nasa hospital kaya kami.Pumakla siya. "Just let me, sweetie and behave."
Napanguso nalang ako. Ulo at ang kaliwang balikat ko lang man ang masakit. Ba't kailangang buhat niya ako? In a bridal position pa talaga?
Gusto ko nalang talagang takpan ang mukha ko nang tuluyan na kaming nakalabas ng hospital. Ang daming tao sa labas nasa gilid din kasi ito ng highway at ang parkeng lot ay nasa kabilang building pa.
Isinuksok ko nalang ang mukha ko sa dibdib ni Zake. Hindi ko man nakita ang paligid alam kong marami ang nakatingin sa amin. Hindi rin ako magtataka kung maging viral kami sa social media mamaya o baka sa susunod na araw. Sino ba naman kasi ang hindi? Dagdag pa ang nakasunod sa amin na.. ayaw ko nalang magsalita.
Sa wakas ay nakarating na kami sa sasakyan niya na nasa parkeng lot pagkatapos naming sumakay ng elevator. Dalawang guards lang ang sumama sa amin at yung iba ay nagpa-iwan sa baba.
Napailing na nga lang ako dahil akala ko walang guards niya ang naghihintay sa amin dito pero tila nagkakamali ako. May naghihintay na sa amin at si Kuyang Goons talaga yung nagbigay ng susi kay Zake.
Panibagong sasakyan na namin. Nasaan na kaya yung sasakyan na nabasag? Dinespatsa na niya kaya?
"You comfortable?" tanong niya sa akin nang makapasok siya sa driver seat.
Tumango ako. Hinalikan niya ang pisngi ko at sinuotan ng seatbelt.
Hindi ko inalis ang tingin sa kanya as he started the engine. Hanggang ngayon kasi ay wala akong nalalaman tungkol sa nangyari sa akin. Kapag tinatanong ko siya ay hindi niya ako sinasagot. Maging si Mikaela.
Ang mga guards niya ay nakasunod sa amin. Nagbuntong hininga ako. Kasi hindi lang isa. Kundi dalawang van ang nakasunod sa amin. Ang isang van ay nasa unahan namin at ang isa naman ay nasa aming likuran. May mga riders pang tumabi sa sasakyan. Nang binilang ko ay anim lahat. Hindi na ako magtataka kung sino ang mga ito nang sinaluduhan ng mga ito si Zake.
Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko. Kulang nalang wang-wang e. Iisipin na talaga nang mga nakakita na baka artista o sinong sikat na politician ang sakay ng sinasakyan ko. Baka nga iisipin nila na President ng US ang pumunta dito sa Pilipinas. Nakakailang.
Dumating narin kami ng bahay pagkatapos nang nakakahiyang byahe. Nawala na nga na parang bula ang sumunod sa amin. Nang pumasok kami sa exclusive subdivision kung saan naroon ang bahay ni Zake ay bigla nalang ang mga iyong nawala.
Zake carried me 'till in my bedroom. Buhat niya parin ako.
"You should rest, sweetie."
Humaba ang nguso ko. Simula nang magising ako wala na akong ibang ginawa kundi ang mahiga at matulog. Gusto kong tumayo at maglakad-lakad baka makakalimutan ko na kung paano. Kung hindi ako hihiga buhat niya naman palagi ako.
Marahan niya akong inilapag sa kama at kinumutan. Umupo sa tabi ko at tinitigan.
"Hindi pa naman ako inaantok, Zake," I complained.
BINABASA MO ANG
Kidnapped By A Billionaire Stranger (Book 1 Of Billionaire's Trilogy)
Novela JuvenilHe kidnapped her not for money, not to be his slave but treating her not the way she expected. This is not your ideal kidnap-victim story. Date started: May 06, 2019 Date finished: November 04, 2019 Edited: February-August 2021