Chapter 32

3.9K 94 17
                                    

Chapter 32

Will you marry me sweetie right after you graduate?

I shook my head for hundredth  times in that thought. Bakit nagmamadali 'tong si Zake na ikasal kami? Gusto na niya ba talagang gawin namin ang gawain ng mag-asawa?  Gusto na niya ba akong i-ano talaga? Hindi na mapipigilan Zake?

I shook my head again for  hundred-one times. Sumasakit na nga yung leeg ko kakailing e. Nahihilo na nga ako. Wala kasi akong ginawa kundi ang umiling ng umiling simula nang makapasok ako sa campus.

I bit my lower lip as I imagine Zake and me being married. Ginagawa ang gawain ng mag-asawa.

Namilog ang mga mata ko, sunod-sunod akong napailing. Hindi ko na nabilang.

Zake and I are lying on the same bed. Naked.

Tinakpan ko ang mukha ko. Hala! Spg!

I bit my knuckles while erasing the crazy picture in my head. Hindi pala picture. Video! Naglalaro sa utak ko!

Huhu.

Ayaw ko pa Zake. Hindi pa ako handa. Natatakot ako.

"Hoy!"

Lumabas ang kaluluwa sa katawan ko dahil sa sobrang gulat nang may isang kaklase akong biglang sumulpot sa harapan ko. She's smiling ear to ear while drooling to me. "Anong nangyayari sayo?"

Tumikhim ako at inayos ang sarili. Ipinilig ko na rin ang ulo ko dahil may nagplay talaga na p*rn video sa utak ko. Hindi ko ma-pause.

"Kanina pa kita tinatawag pero hindi mo ako pinapansin," she said. Jenica pala yung pangalan niya ka-block mates ko.

"H-hindi kita napansin."

"Paanong  mo ako mapansin e para kang nababaliw diyan! Kung nakikita mo lang talaga ang sarili mo. Para kang nakahithit girl."

"Hoy grabe ka naman," napanguso ako.

She laughed. "Alam mo na ba ang section mo?"

Napailing ako. Kanina pa ako naglalakad dito sa campus pero dahil blangko ang utak ko hindi pumasok sa isip ko ang maghanap kung saang section ako napabilang. 

Will you marry me sweetie right after you graduate?

Nandyan na naman ang boses ni Zake. Nagsalubong ang kilay ko. Bakit nagpropose na kaagad itong si Zake? Nagmamadali siya? Tigang na? Napamaang ako. Baka tigang na nga. Huhu.

"Alam mo para ka talagang eng-eng diyan," saway sa akin ni Jen at iniwan na ako.

"Hoy! Hintay naman."

"Kung hindi lang talaga kita kilala iisipin kong na high ka na. Ang lakas ng topak mo girl, kinakausap mo na sarili mo. With expression," iiling-iling nitong sabi.

"May iniisip lang kasi ako," sabi kong sinabayan ang paglalakad niya.

"Whatever."

Nahanap agad namin ang section namin at ang surprising pa kasi magkaklase parin kami. Nang malaman namin na ang klasmet namin nung last sem ay klasmet parin namin hanggang ngayon ay nagyayakapan kami.

Hinahanap namin ang room at nang makita ay panay ang bati namin sa isa't isa. Nagyayakapan, nag-pipiktyur at yung iba ay napansin ang mamahaling brand ng damit ko.

"Taray mo naman! Ang yaman mo na siguro," puri sa akin sa isa sa mga kaklase ko ni Sharmaine.

Kyime akong ngumiti. Hinahanap ko si Mikaela sa buong classroom pero hindi ko siya makita.

Kidnapped By A Billionaire Stranger (Book 1 Of Billionaire's Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon