"Bro. Tulala ka. Ano nanamang kalokohan ang pinasok mo?"
Napabuntong hininga nalang ako at hindi na napansin kung sino ang kumakausap sakin. Hindi lang talaga ako makapaniwala eh.
~•~
May malalambot na bagay ang nakadikit sa labi ko.
Klara?
Si Klara pa talaga ang nanghalik sakin?
Nanatiling nanlaki ang mga mata ko ng dahil sa gulat. Teka totoo ba to or nanaginip nanaman ako? Bakit...
Nakatulala lang ako ng bumitaw naman siya sakin sabay natapos din doon ang paghalik niya. Ako, parang baliw nakatutok lang sa kanya samantalang siya parang wala lang ang nangyari.
HINALIKAN BA TALAGA AKO NI KLARA CORNEL??? TYPE NIYA KO?
Nabalik naman ako sa wisyo ng may tumapik sa pisngi ko. Nabalik naman ang atensiyon ko sa kanya.
"Para kang tanga" sabi niya at doon napakurap ako. Magsasalita na sana ako pero wala talagang kahit anong salita ang nalalabas ng bibig ko. Ba't ako ganito? Parang ako ang babae sa amin ah.
"Ayos ka na ba?" tanong niya with her emotionless face. Nanghalik ka na nga lang tapos tatanungin mo ako kung okay lang ako.
"I-ikaw. B-b-ba't ka nanh-halik?!" sabi ko. Maayos na nga lang at may nasabi pa ako eh pero hindi rin as in okay kasi nauutal ako.
"Di mo pa rin alam?" tanong naman niya. Hindi ko alam at parang mawawala lang ako sa katinuan kapag nalaman ko kung ano man yang lalabas sa bibug niya.
Magha-hyperventilate na sana ako kaso mas nawala naman ako sa mga mata niya. Ang mga mata niyang kahit isang emosiyon wala akong makita.
"Gusto kita" sabi niya ngunit ayun pa rin ang mukha niya, parang wala lang. Nagbalik naman ako sa mundo.
"Eh gusto mo lang naman pala ako bakit ka nanghahalik?!" pasigaw kong tanong sa kanya pero tinutukan lang naman niya ako.
"Gusto mo ako tapos-ay teka lang" napatigil ulit ako. Gago na kung gago pero nabalik naman ulit ako sa tanga kong ugali.
"May gusto ka saken?!"
~•~
"UY!" napatalon at napasapak ako sa taong sumigaw sa tabi ko. Grabe naman kung makasigaw to.
Iniripan ko naman yung epal sa mga iniisip ko. "ERNESTO HUWAG KA NGANG SUMIGAW SA TAINGA KO" sigaw ko kay Ernest na kasalukuyan namang sinasapo ang pisngi niya. Akala niya siya lang marunong sumigaw ah. Maapakan ko to mamaya.
"Eh bro naman eh nanggagaya ka nga lang saken eh kung sumigaw tapos ang sakit mo namang manapak" sabi niya sabay irap sa akin at panay haplos sa namumula niyang pisngi. Medyo napalakas yata sapak ko. Di ko naman sinasadya eh.
Napasinghap nalang ako at tumutok sa kawalan para balikan ang mga iniisip ko pero ayaw talaga akong tantanan neto eh.
"Sabihin mo na nga lang kaya saken kung ano ba yang nagpapabagabag sayo bro. I'm tired in trying to decipher you bro. It's getting harder for me to read people" english niya saken.
"Bro baka sadyang di ka lang talaga marunong bumasa ng iniisip ng isang tao" sabi ko sa kanya.
"No way bro. Ikaw lang ang taong nahihirapan ako kung basahin. Siguro kasi panget ka kaya di ko malaman laman ang iniisip mo"
"Anong konek ng pagiging panget sa iniisip ng tao?"
"Ang mukha ng tao kasi ang binabasa para malaman namin iniisip nila. Baka nga kasi dahil panget ka at mukha kang unggoy na di naliligo at wala sa katinuan kaya ganyan"
Lait pa sige may aabangan ako mamaya sa kanto.
Naglakad nalang kami ni Ernest pabalik ng classroom. Nakita niya kasi ako kaninang tulala sa may isang part sa library eh. Parang iniwan ako ni Klara pagkatapos ng hindi na ako responsive. May gusto daw siya saken pero iniwan ako. Okay sige lang nasanay naman ako.
Pagbukas namin sa pinto ng room ay bigla namang may bumato saken ng mga papel. Jusko nakalimutan kong may kasalanan pala ako sa mga kaklase ko. Panay pa nga rin itong pambabato nila saken. Pinagplanuhan talaga.
"Itigil niyo na to! Sorry na guys!" sabi ko sabay shield ng mukha ko sa mga nanliliparan na papel.
"Anong sorry? Dahil sayo wala tayong score! Dapat lang sayo mamatay" grabe naman itong si Anissa saken.
Anissa ay isa sa mga kaklase kong kasali sa top 5 rank. Siya nga rank 5 eh kaya ganyan siya kung magalit. Ayaw niyang mawala siya sa top 5.
"Bee tigil na awat na diyan" rinig kong sabi ni Danica. Actually si Danica at Anissa ay nanggaling sa iisang barkada sa klase namin. Iba iba kami ng barkada dito pero hindi kami nag-aaway. Aside from now.
"Stop it Anissa! Stop hitting Damien!" napatigil ako ng biglang humarang si Neisha sa harapan ko at may isa pa ngang papel na natama sa mukha niya at doon napasigaw siya ng kaunti.
Agad ko namang sinapo ang mukha niya. "Ayos ka lang ba Neisha?" tanong ko sabay tingin sa pisngi niya kung saan siya natamaan.
Inirapan ko naman si Anissa na nasa harapan ko. "Ikaw! Sumusobra ka na!" sigaw ko sa kanya pero natamaan naman ako ng papel sa mukha.
"OA mo parang papel lang ang ibinato ko at hindi bato. Huwag kang mag-alala totoong bato na susunod kong itatapon sayo"
"Nasaktan mo si Neisha!" sigaw ko ulit sa kanya. "Bawal ang nanakit ng iba! Eh rereport kita for bullying-"
Ayun may nambato nanaman sa akin pero hindi na papel. Eraser na maliit na. Pero mas masakit ang eraser kaysa sa papel kasi mabigat iyon.
"Sino naman ang-!"
"Tumahimik na kayo at magsi-upo na. Malapit na ang oras ng klase kay umupo na kayo o madadagdagan nanaman issue natin"
Si Klara ang nagsalita. Bumalik naman ang lahat sa mga upuan nila maliban sakin. Takot talaga ang lahat sa kanya. Ako naman ay napatulala ulit dahil bumalik sa utak ko ang nangyari kanina.
Hindi ko namalayan na matagal pala akong nakatunganga sa harap ng bigla akong kalabitin ni Neisha.
"Anong ginagawa mo Damien? Umupo ka na at baka dumating na si sir" sabi niya. Napatango lang ako.
Umupo ako sa silya. Dumating nga si sir pero paminsan minsan ay sumusulyap ako kay Klara.
Minsan nga ay nahuhuli niya ako at tinataasan niya ako ng kilay kaya napalayo ang tingin ko.
Hindi naman siya mukhang may gusto sa akin. Sa halip nga parang mas pwede niya pa akong mapatay eh. Dapat ay mag-ingat ako dito kay Klara at baka ano pa ang gagawin niya.
BINABASA MO ANG
Tones: PINK "The Bravest"
Teen FictionIn which she told him she likes him yet he is confused if he should believe her or not. Cue: She's blunt yet somehow not convincing The First Story Filipino/English Language ©SimplyEuphoric14