046

27 7 14
                                    

Nandito kami ngayon sa boys CR upang magpalit ng PE uniforms namin. And also, kanina pa akong inis na inis dahil walang kwentang bumalik pa ako ng room eh babalik din pala ako sa cr na ito. Nakakainis kasi pinapahirapan pa talaga ako.

Padabog ko ngang sinuot yung sapatos ko at mas nairita pa ako nung imbis na maayos kong magawa ang sintas ay nagkabuhol-buhol pa iyon. Dahil dun ay inis ko nalang hinayaan. At least natali pa rin kahit na mahirap siguro itong alisin.

Narinig ko naman na tumawa ang katabi ko. "Wala kang mapapala kung pahihirapan mo yang sapatos mo." sabi ni Chiles at amused pang nakatingin sa akin na nahihirapan sa sintas ng kabila kong sapatos.

"Kasalanan ito ng sapatos ko. Ito ang nagpapahirap sa akin." galit kong sabi at napangiwi pa ako kasi masyado kong nahigpitan ang sintas kaya sumakit at naipit ang paa ko. Agad ko namang niluwagan pero binago ko nanaman ang pagkakatali.

"Alam mo iba ka rin magalit eh. Pati yang mga walang kinalaman sa iyo nadadamay." natatawang sabi ni Chiles. Itinuro pa nga niya si Ernest.

"Katulad niya. Nagagalit ka sa isa pa nating tropa dahil lang malapit sila ni Klara."

Inirapan ko naman siya at padabog na inayos ang mga gamit ko. Ibinaling ko naman ang tingin kay Ernest na hindi alam na pinaguusapan pala namin siya.

"Hindi ako galit kay Ernest, okay."

"Bro."

"Huwag mo nga akong tawagin ng ganyan!" pasigaw kong pagsasalita pero nginisihan lamang ako ni Chiles.

"Hindi raw galit pero inis na inis kung tatawagin sa nickname na galing kay Ernest." kulang nalang, nakakapikon na siya.

Napabuntong hininga naman ako at pagkatapos ay napasandal sa pader nitong cr. Hindi ko nga gusto rito eh. Kung hindi lang sana ito ang pinakamagandang pagtaguan tuwing cutting ay hindi ako pupunta rito.

Ngayon ko lang napansin na ang baho ng cr namin. Lumapit naman si Allistair sa amin at sumandal din sa tabi ko. Ngumuso siya sa kung nasaan si Ernest na nagtetext.

"Ang busy na niya nowadays guys. Sa tingin niyo, may girlfriend si Ernest?" pagtatanong ni Allistair. I just shrugged my shoulders. Pake ko ba.

"Siguro. Baka si Klara..."

Inirapan ko naman si Chiles kaya tumawa siya ng mahina.

"Si Klara ang may alam. Yung ang gusto kong sabihin."

Lokohin niya si Allistair pero hindi niya ako maloloko. Alam kong tinutukso niya lang ako kasi alam na nilang may gusto ako kay Klara.

At ngayon na malapit na si Klara at Ernest sa isa't isa ay panay tukso naman sila na hindi na raw ako ang gusto ni Klara at si Ernest na raw bago niya.

"Bitter ka masyado Damien." sabi ni Ernest sabay poke sa pisngi ko. "Sabi mo nag confess na si Klara sayo noon pa man. Wala ka nang dapat ikabahala pa."

"Hindi ko maiwasan okay. Sabi niya nga napapagod na siya sa akin. Baka maisipan niyang palitan ako."

Binatukan naman ako ni Chiles. "Ano tingin mo kay Klara? Katulad nang ibang babae diyan na mabilis magpalit? Damien. Even I know she's different. Hindi ganun kadali ipagtapat ang feelings ha pero nagawa niya. Niligawan ka pa. Ang swerte mo dude."

"Saan mo naman nalaman iyan?"

"Danica likes to share."

I'm not surprised anymore. Ang daldal nga niya kahit kailan.

"Huwag ka na kasi magselos Damien. Friend lang yan si Ernest, walang puwang yang selos mo."

Kumunot naman ulit noo ko dahil sa sinabi niya. "Hindi ako nagseselos kay Ernest ha. Mas magaling pa ako sa kanya."

Tones: PINK "The Bravest" Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon