"Back to the topic tayo bro. May problema kayo ni Neisha no?" tanong sakin ni Ernest kaya tumango naman ako kaagad. Wala nang silbi para itago ko ang tungkol dun sa best friend ko.
"Actually bro, yes. Pero problema para sa akin to. Parang wala naman sa kanya" sagot ko sa kanya pero naguluhan naman siya sa mga sinabi ko.
"What do you mean bro?" tanong niya kaya inexplain ko sa kanya kung paano parati nalang kami parang nag aaway kasi nga sa mga temper tantrums ni Neisha tas ikinwento ko rin kung ano ang nararamdaman ko patungkol doon.
Dumaan muna ng ilang minuto na nag contemplate siya sa kung ano ang sasabihin sakin bago ako tingnan.
"Bro, I think this is important matter kaya pag usapan nalang natin ito after school para walang disturbo" sabi niya sakin.
Makes sense kasi nga school hours pa naman ngayon at baka may ibang tao pang makarinig sa pinaguusapan namin at magkakaproblema pa.
"Alright. Asan naman tayo magkikita?"
"Heto oh" sabi niya sabay abot sakin ng isang papel. Grabe naman ah may papel kaagad. Plinano ba niya to o ano?
"Ano naman to?" tanong ko at naparolyo naman siya ng mata. "Papel, hindi mo ba nakikita?"
Binatukan ko naman agad siya. Loko siya ah.
"Ang ibig kong sabihin, bakit papel ang ibinigay mo sakin?"
"Bro nandiyan address kung saan tayo magkikita mamaya. Like I'm always there kasi kaya diyan nalang tayo"
Tinanguan ko nalang siya. Syempre siya na nga yung makikinig sakin tapos siya pa ipag-a-adjust ko. Binasa ko naman yung nakasulat sa papel tapos medyo naguluhan. Parang pamilyar kasi itong address na nakalagay eh. Parang sikat.
~•~
Sabi ko na nga ba hindi maaasahan itong si Ernest. Sa dinami-rami pang pagpupuntahan namin dito pa sa kung saan hindi kami pwede magpunta. Sa bar.
Inirapan ko yung signeage ng bar na nasa labas. Hindi pa kasi ako pumasok kasi parang ang mali talaga eh. Hindi pa ako nakakapunta sa mga ganito at hindi rin ako komportableng magpunta dito.
Patay ka talaga sakin Ernest. Bakit mo pa ba talaga ako dinala rito. Kainis.
Naputol yung mga iniisip ko nung biglang nag ring cellphone ko.
Incoming call.....
Danessa Krys Velarde
In-accept ko naman yung call.
"Oh ano?"
"Nasaan ka kuya?"
"Basta. May gagawin pa ako kaya sabihin mo nalang kay mama na malelate akong umuwi"
"Salbahe ka kuya! Diba maglilinis tayo ng sabay ngayon sa garahe!"
"Ikaw na muna bahala diyan Danessa talagang may gagawin pa kasi ako"
"Kuya naman eh! Iiwan mo nalang talaga sakin ito?!"
"Dan, huwag ka nang makulit. Ibababa ko na tong tawag. Mamaya na ulit"
"Kuya teka-"
Call Ended.
Sorry talaga Danessa pero kailangan kong makausap si Ernest at para masabihan ng mga hinaing ko. Talagang mababaliw ako kapag di ko to nailabas.
Nag ring nanaman ulit yung cellphone ko kaya hindi ko na tiningnan pa kung sino ang tumawag at in-accept na kaagad iyon.
"Oh ano nanaman? Sinabi ko nang mamaya na eh busy ako"
BINABASA MO ANG
Tones: PINK "The Bravest"
Teen FictionIn which she told him she likes him yet he is confused if he should believe her or not. Cue: She's blunt yet somehow not convincing The First Story Filipino/English Language ©SimplyEuphoric14