014

33 9 3
                                    

Kasalukuyan kami ngayong nagpapahinga galing sa practice namin. Ewan ko ba pero mas gusto ko nalang hindi mag prom. Nakakapagod kasi eh. Ano nga pala silbi nito? Di ko rin alam.

Nanonood lang ako sa mga kaklase kong nag uusap habang ang iba naman palihim na gumagamit ng kanilang mga cellphone. Grabe sila talaga ang matatawag kong brave souls eh.

Napadako ang tingin ko kay Klara at ang mga kabarkada niya. Sa totoo lang noong una nabigla ako nang malaman na may grupo ng mga kaibigan pala si Klara.

Noon kasi tahimik lang siya palagi. Hindi ko nga alam na nag exist pala siya maliban nalang noong tinawag ang pangalan niya para sa mga term test scores.

Masayang nagtatawanan ang mga kaibigan niya maliban sa kanya. Blangko nalang palagi ang mukha niya. Kahit takot nga hindi niya maipakita.

Naalala ko noon na pinanood kami ng teacher namin ng horror movie, ang iba napatili na sa takot o ang iba pinagtatawanan yung mga natakot pero siya patuloy pa rin ang panonood. Hindi man siya nasurpresa man lang sa mga jump scare.

Ano kaya iniisip niya pag nanood kami ng ganun?

* Scenario sa utak ni Damien:

Nanonood ng horror movie ang lahat ng mga kaklase niya at biglang nandoon na sa mga masagwang parte ng movie.

Ang iba ay natatakot na pero naiimagine niyang may evil aura si Klara at parang tuwang tuwa na pinapanood na pinapatay ang mga character sa movie na siya namang ikinatakot niya.

*End of scenario*

Nabuhusan naman ako ng kilabot dahil dun sa inisip ko. Ano ka ba naman Damien. Pinag iisipan mo nang mamatay tao ang kaklase mo. Tumigil ka na.

Bumalik naman din ang iniisip ko patungkol sa nangyari sa practice kanina. Nasurpresa rin ako sa sarili ko dahil nawalan ng function yung ulo ko at hindi na ako makagalaw ng maayos nung malapit sakin si Klara.

Ang weird ko naman kasi. Nagagandahan ako sa kanya. Eh kasi totoo namang maganda siya. Pati rin naman ang mga kabarkada niya magaganda rin eh. Hindi naman surpresa yun.

Pero yung magtitigan kami habang hawak namin ang isa't isa. Mas weird yun eh. Hindu ko maialis ang pagtingin ko sa mata niya. Nasisiraan na ba ako?

"Guys, ano sa tingin niyo ang nangyayari kapag yung taong gusto mong iwasan ay nagiging maganda na sa paningin mo?" tulala kong tanong.

"What bro? Ano ulit sinabi mo?" tanong ni Ernest sa tabi ko pero dahil lutang ako hindi ko na nagawang isispin pang ulitin iyon at tingnan siya upang kausapin.

"Eh kasi naman. Iniiwasan ko siya noon dahil baka kasi pinapaasa ko lang siya pero ngayon iba na ang iniisip ko patungkol sa kanya" sabi ko sa kanya.

The enemy has been slain.

"Tapos heto pa. Alam niyang may gusto ako kay sa iba pero ayaw niyang paawat. Talagang desidido siya. Pero ito namang gusto ko inaaway yung nay gusto sakin. Kailangan ko na bang iwasan din yung taong gusto ko?"

Double kill.

"At isa pa. Kung hindi ko naman papansinin si Klara at Neisha, parang ako ang magiging masamang tao hindi ba?"

SAVAGE!!

Naiinis akong tumingin kung nasaan si Ernest at binatukan ko siya ng napakalakas. "Kailangan ko nang taong kausap, ba't ka ba ML ng ML diyan!" inis kong sabi sa kanya habang napahiyaw naman siya at nabitawan ang cellphone niya.

"Bro naman! Ang sakit nun! Eh ikaw kasi rin eh! Ba't ka ba parating kumakausap sakin kita mo na ngang nag ML ako." aba siya pa yung galit.

Nandilim naman ng paningin ko at napatingin ako sa kanya ng masama. "Mas importante pa ba yang ML mo kaysa sa kaibigan mo?" tanong ka sa kanya.

Halatang natakot ko siya kasi bigla naman niyang binawi ang mga sinabi niya sakin kanina at nagpaumanhin.

Alam kong ako ang nanalo ngay-

"Mr. Ernest Advincula, napansin kong gamit at hawak mo ngayon ang phone mo"

Napako naman agad ako sa kinalalagyan ko dahil sa kaba. Pati rin si Ernest parang nakakita ng multo. Dahan dahan akong tumingin sa likod ko at ayun nga ang isa pang taong kinaiinisan ko.

Si Maam Catango!!!!

(Maam Catango, siya ang teacher namin na mahilig magparusa ng mga estudyante at hindi nakikinig sa mga explanations. Mahuli ka lang niya katapusan mo na. Isang natural enemy sa ecosystem ng mga estudyante)

Agad kong binalik ang tingin ko kay Ernest dahil sa alala. Parang natutuliro rin kasi si Ernest. Mahigpit niyang hawak ang cellphone niya pero nanginginig din siya.

Damien, think. Baka ito na ang huling araw na makakasama ni Ernest ang phone niya. At gagawin ka niyang may kasalanan dun!

Nagtitigan naman kami ni Ernest. Para siyang humihingi ng tulong at ako naman ay nagiisip ng pwedeng gawin.

Dahan dahan nang inilalahad ni Maam Catango ang palad niya para kunin yung cellphone. Oh no, it's the end. Lahat ng gaming tactics namin mawawala na. Napapikit nalang ako ng mata dahil dun.

"Maam may permit sila para gumamit ng cellphone"

Napadilat ulit ako ng mata dahil sa boses na yun. Nakatayo siya ngayon sa likod ni Maam in all her Ice Princess titled glory. Of course paano ko nakalimutan?

(Klara Cornel, the daughter of one of the respected teachers of this school. More than 20 years in service na ang ama niya at isa rin siya sa top ranking students sa batch namin. Isa pa mayaman din siya at matalino. Isang delikadong tao kung makakalaban.)

Oo nga! Kung hindi makikinig si Maam sa mga explanations, si Klara naman ang gumagawa ng paraan upang matama ang mga iyon.

Matalim ang tingin niya habang inilabas niya ang isang form. "Nakalagay dito na maaaring gumamit si Mr. Advincula sa cellphone niya ngayong prom practice hours dahil nasa kanya ang music namin" sabi pa niya.

Napatingin naman ako kay Ernest at tahimik na napatanong, "kailan pa?" umiling din naman siya na di niya alam. Alam ko na tactic ito ni Klara.

Napakunot naman ang noo ni Maam dahil sa sinabi ni Klara. Alam niyang wala siyang laban dahil may form kaming dala.

"Very well wala akong gagawin ngayon. Pero sa susunod kung malaman kong may ginagawa kayong dalawa na kalokohan. Ako ang dapat huhuli sa inyo" sabi ni Maam sa amin Ernest bago lumakad palayo.

Napabuntong hininga kami dahil nawala na ang kaba namin. Buti nalang at may tumulong sa amin kundi mapapatay din kami ni Chiles kapag may mangyari sa phone ni Ernest.

"Damien. May utang ka na sakin" napatingin ako kay Klara dahil bigla siyang nagsalita. Hays ayun na may utang na ako. Teka bakit ako?

"Anong ako eh kay Ernest naman yung sinalba mo" sabi ko sa kanya pero napataas naman ang kilay niya.

"Ernest sabihin mong ipinapasa mo na kay Damien ang responsibilidad mong makabawi sakin. Dali"

Nataranta naman si Ernest. "Sige. Damien, sayo na ang responsibilidad na yun. Ikaw na ang may utang kay Klara" agad niyang sinabi kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Ngumiti na lamang siya nang pa inosente at mag mouth ng sorry sakin. Ibang klaseng kaibigan to. Bumalik naman ang atensiyon ko kay Klara.

"Oh anong gusto mo?"

"Tulungan mo kong mag rearrange ng files sa office ng Student Council"

Nagtaka naman ako. "Bakit tayo? Hindi ka naman kasali din sa SC?"

"Wag nang masyadong matanong. Tulungan mo ko. Mamaya 4 pm dismissal. Kung hindi ka sisipot, magtutuos tayo" sabi niya sabay lakad palayo.

Kahit ano nalang talaga ang ginagawa niya. Well, hindi ko naman siya maiiwasan parati. My agenda na ako para mamaya, hayst.

Tones: PINK "The Bravest" Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon