Para akong nababaliw dito. Puro nalang si Klara ang laman ng isip ko. At hindi iyon dahil sa gusto ko siya, kundi dahil iyon sa ginawa niya.
Kapag nakikinig ako sa guro, nagbibihis para sa PE class, naglilinis sa classroom o kahit sa pagtulog ko ay yung ha-halik pa rin ang nasa isip ko.
You can't blame me. Kahit na nagmumukha akong bakla sa paningin ninyo ay never pa ako nagkaroon ng ganitong encounter with any girl.
Ang gusto ko pa nga sana ay ang babaeng una kong hahalikan ay nasigurado ko nang ang babaeng mamahalin ko ng tuluyan.
Hindi eh nawala na ang pangarap ko. Nakuha na ang first kiss ko ng isang babaeng sure akong hindi alam ang ginagawa niya.
Nagsisinungaling siya alam ko yun. Wala siyang gusto sakin. Pinarusahan niya lang ako. Isang napakasaklap na parusa.
Hindi naman kasi katotoohan yung sinabi niya. Gusto niya raw ako? Yung babaeng yun na parang bakal? Yung sinasabi nilang Ice Princess kasi ni minsan hindi niya magawang magbigay ng emosyon kahit na awa.
Kahit sino nalang pumatol sa kanya basta huwag ako. Kahit kailan ay hinding hindi ako magkakagusto sa ganyang klase ng babae.
Sa totoo lang nandito ako ngayon sa may faculty. Minamasdan ko lang kasi si Klara.
Hindi minamasdan na nagugustuhan. Minamasdan ko ang mga kilos niya para malaman na nagsisinungaling siya.
Kausap niya ngayon ang isa sa mga teachers at parang may pinapagawa. Ilang minuto silang nag-usap bago nag bow siya at paalis na.
Napahinto naman siya sa may tapat ng pinto. "Ba't ka naman nandiyan?" tanong niya. Napakurap ako at doon namalayan na nagtatago pala ako sa may pinto at ngayon nakita na niya ako.
Napaayos naman ako ng tayo at sabay tago ng mga kamay ko sa bulsa ng jeans ko. "Wala lang. Ikaw lang ba may karapatan pumunta rito sa faculty?" tanong ko.
And her famous eyebrow raise is here. Sa totoo lang pawis na pawis na ako. Baka kasi akalain ni Klara na stalker niya ako. (Totoo naman eh)
Pagkatapos naman ng ilang segundo ng pagtutok niya sa akin ay nagsimula na siya ulit na maglakad paalis.
"Kung tapos ka nang pamamasyal mo sa may faculty ay bumalik ka na sa classroom at baka makita ka pa ng hall monitor at bigyan ka pa ng ticket sa detention" sabi niya.
Napabuntong hininga naman ako. Okay spying case number 1 failed.
~•~
Ngayon naman ay pinagmamasdan ko siya habang nasa klase kami. Nagbabasa ulit siya ng libro niya at sobrang focused siya rito.
Hindi ko talaga akalain na may mga babaeng mahilig sa mga ganito. Ang mga babae kasing kilala at close ko ay mas mahilig sa pag seselfie at social media kaysa dito.
"Tapusin mo na yang pagtutok mo sa akin pwede ba" bigla niyang sambit. At oo, tanga nanaman akong nakatutok sa kanya habang nasa likod lang pala siya sakin nakaupo.
Napa smile naman ako ng bahagya sa kanya. "Hindi ba pwedeng tumitig sayo? Curious lang kasi ako sa librong binabasa mo eh. Parang parati ka nalang nagbabasa niyan"
"William Shakespeare book to ang title ay A Midsummer's Dream" sabi niya sakin ng hindi ako tinitingnan.
"And for your information ay ikatlong libro ko na to sa William Shakespeare. Iba iba parati ang binabasa ko"
Binigyan ko siya ng awkward smile. "Ganun ba hahaha" sabi ko na lang. "Sige magbasa ka lang" tinitigan ko siya ng ilang segundo bago bumalik ang tingin ko sa harap.
BINABASA MO ANG
Tones: PINK "The Bravest"
Fiksi RemajaIn which she told him she likes him yet he is confused if he should believe her or not. Cue: She's blunt yet somehow not convincing The First Story Filipino/English Language ©SimplyEuphoric14