"Okay class. Alam niyo naman siguro na may prom kayo diba?" sabi ni Maam Provido kaya agad namang nag chichismisan ang mga kaklase kong babae kung ano ang gagawin nila sa prom.
"Class settle down first!" sabi ni Maam. "This prom, I'm sorry to say ay hindi niyo pwedeng ma partner ang gusto niyo kasi iyon ang napagutos ng ating principal"
Maririnig naman ang mga protesta ng aking nga kaklase kaya pinatahimik nanaman ulit sila.
"But also don't get too upset kasi maari pa naman kayong makapagsuot ng mga gowns at tuxedos ninyo and I assure you magiging maganda pa rin ang experience ninyo sa prom" dagdag niya pero may iba pa rin sa amin na napareklamo.
Paglabas ni maam sa classroom ay agad na nagusap usap ang mga kaklase ko patungkol sa prom event na yun.
"Ano ba naman yun! Prom nga eh diba, para ma ask ng mga girls and boys ang gusto nila for a date" reklamo ni Charm at nagrolyo ng mata dahil hindi naman daw talaga maganda yung may set na partner na sila.
"Though mas okay naman ito eh kasi naman ang hirap kayang makinig sa mga reklamo nila pag na friendzone sila" sabi ni Lou sabay tawa dahil na i-imagine niya mukha namin pag hindi kami sinagot ng tinanong namin sa date.
"Sus naman parang di pa kayo sanay sa principal natin" sabi ni Clare. At dumagdag pa si Klarise. "Oo nga, noon pa lang hindi naman nila tayo binibigyan ng quality na events ng school na to. Bahala na nga lang"
Napasimangot nalang ako. Puro na nga lang reklamo ang nandito eh pero totoo naman kasi ang mga sinabi nila. Hindi alam ng school namin kung paano mag manage ng events. Sure akong titipirin kami miski sa prom na to.
Speaking of prom ay napatingin ako sa katabi ko. Nagmumukmok nga itong si Neisha sa tabi ko dahil pati siya ayaw yung balita.
"Sana hindi nalang mag prom eh hindi ko rin naman makakasama ang taong gusto ko" reklamo niya.
Napatigil nama ako. Yung taong gusto niya? May taong nagugustuhan si Neisha? Gusto kong umasa.
Imbis na tanungin siya ay comfort nalang ang naibigay ko sa kanya. "Ayos lang yun Neisha. Baka sa susunod pwede mo na siyang mayaya" sabi ko nalang sa kanya.
Napatingin naman si Neisha sakin sabay ngiti. Nabigla naman ako ng bigla niyang kinurot ang pisngi ko kaya napaurong naman ako.
"Ang cute mo talaga no kahit kailan" sabi niya sakin sabay tawa dahil ang chubby raw ng pisngi ko.
"Ang cute mo"
Napapikit ako nang dahil maalala ko yung mga salitang yun. Sinabihan din kasi ako ni, yung isa, ng ganyan eh. Dapat di ko na alalahanin ang mga ganun.
"Alam mo Damien sa totoo lang ikaw yung gusto kong yayain as date sa prom if ever pwede"
Nabigla naman ako sa sabi ni Neisha sakin kaya ayun para akong tanga na nanlalaki ang mga mata.
"Ayan ka nanaman ang cute mo talaga eh" sabi ulit ni Neisha sabay kurot ulit sa pisngi ko. Sa totoo lang hindi ko na nagugustuhan ang mga kurot niya eh.
Nabigla ulit ako nung may biglang nagbagsak ng matigas na bagay sa desk. Pati rin si Neisha nabigla sa nangyari. Napatingin kami sa likod at si Klara pala yun na may malaking encyclopedia sa desk niya.
Napatingin naman siya samin nung maramdaman niyang nakatitig kami.
"Pasensiya na. Mabigat kasi" yun lang ang sinabi niya bago umupo at binuksan ang encyclopedia na wala pa ring emosyon na naipapakita.
Napataas naman ng kilay si Neisha sa inasal ni Klara pero hindi naman tinanong ang tungkol dun. Sa halip iba ang nagtanong.
"Ayos ka lang Klara?" rinig kong sumingit sa usapan si Ernest kaya napakunot naman ang noo ko sa inasal niya.
Tumango lang si Klara sabay pakli sa ibang page ng encyclopedia. Ang sumunod naman na nagtanong ay si Neisha na.
"Talaga bang babasahin mo yang encyclopedia na yan? Ganyan ka ka-nerd?" tanong niya at di ko maiwasang magtaka dahil rude naman ng sinabi ni Neisha kay Klara.
"I'm studying so that I would actually have extended knowledge on vocabulary unlike you two" sagot ni Klara.
"Aba naman-" papatol na sana si Neisha ngunit pinigilan ko siya. Hindi naman ako nagsalita dahil nga iniiwasan ko si Klara pero I also want na walang gulo na mangyayari sa pagitan ni Klara at Neisha.
~•~
"Alright stand in line kayo boys and girls. It's alright kahit na maliit lang ang number ng boys sa class niyo pero hindi dapat mag partner ang babae at babae sa sayaw na ito" sabi ni Mr. Jan samin.
Agad naman kaming pumila ng isang linya separate ang girls at boys. Ang girls naman ay hinati ni sir sa isa pang linya dahil masyado silang narami. Walang magagawa eh 7 lang kaming boys tapos more than 20 silang girls.
"Alright boys, I want you to face your partner on your right. They will be your temporary partner for our practices" sabi ni sir. Agad din namang naghiyawan ang ibang girls at boys dahil sa partners.
Napalunok ako nang ang taong iniiwasan ko ay ang magiging dance partner ko.
Ngayon nasa harapan ko si Klara Cornel. Ang taong nagtapat ng pagkagusto sakin. At ang taong matalim na nakatitig sakin ngayon.
Okay medyo nervous ako dahil dito. Tumingin ako sa iba at nakitang katabi ko rin lang naman si Ernest at yung partner niya ay si Ariene.
Napabulong ako sa tabi ko. "Psst Ernest. Palit tayo" sabi ko. Napakunot naman ang mukha niya. "Bakit naman bro? May mali ba sa partner mo?" tanong niya.
Umiling nalang ako pero kita kong nakatingin pa rin si Klara sakin. "Bro palit tayo please" pakiusap ko.
Naguluhan naman si Ernest dahil parang atat na atat akong makipagpalit pero nakita niya si Klara at kaya napa smirk siya. Okay hindi maganda to.
Bigla naman siyang umakbay sakin at nginitian ako. "Bro, I see na partner mo pala si Ice Princess. Ayos lang yan. Diba noon away kayo ng away. It's a sign na baka magkaayos kayo ngayon"
Pero ayaw ko naman ng sign na yan eh.
"Ernest kasi-"
"Don't worry Damien. I'm sure our Ice Princess don't bite. Trust me, maayos din ang lahat" sabi niya sakin sabay tapik ng balikat ko.
"Sige na wala nang usap usap! Pumunta na kayo sa harap ng partner niyo boys! Wala nang arte arte diyan girls" sigaw ni sir kaya nagsidalian kaming pumunta sa partner namin.
Ako walang choice kaya pumunta ako kay Klara pero hindi ko pa rin siya tinitingnan. Ramdam ko naman ang titig niya pero hindi ko magawang tumingin sa kanya ng pabalik.
"Hindi mo talaga ako titingnan man lang?" sabi niya pero napadako pa rin ang tingin ko sa baba. Hindi ko siya nasagot.
"Okay now hokd your partners. Boys hands on your partners hand and waist and girls hands on your partners hands and shoulders. Yung walang partner eh imagine niyo nalang" sabi ni sir at ayun nagkaloko nanaman dahil sa mga sana ol ng nga kaklase ko.
Bigla akong napasinghap ng hawakan ni Klara ang kamay ko at dinala niya ang isang kamay ko sa bewang niya. Doon ako napatingin sa kanya at dun din kami nakapagtitigan.
"For now. This is schoolwork so do your best because I don't want failing points" sabi niya sakin at narinig ko namang nagsimula ang music.
Waltz ang sasayawin namin at tinuruan kami ni Sir Jan sa basic steps. Madali lang naman kasi ang basic steps kaya nasunod namin agad.
Ngayon na malapit kami sa isa't isa ay may napansin ako patungkol sa kanya. Maliit siya. Hanggang baba ko lang yung height niya at ang cute niya kahit blangko ang mukha niya.
Maliit man ang mga eyelashes niya pero maganda naman ang mga mata niya. Dark brown at para na ngang black. Napakaitim din ng straight at mahabang buhok niya at ang liit ng bewang niya. Mabango rin siya. Parang vanilla.
"Huwag mo akong titigan ng ganyan" biglang sabi niya at tumingin siya ng diretso sakin. Nabigla rin ako dahil parang kumikislap ang mga mata niya.
"Baka kung ano ang isipin ko kapag ginawa mo yan" dagdag pa niya at ayun parang lumakas ang tunog ng puso ko nang dahil sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
Tones: PINK "The Bravest"
Teen FictionIn which she told him she likes him yet he is confused if he should believe her or not. Cue: She's blunt yet somehow not convincing The First Story Filipino/English Language ©SimplyEuphoric14