061

19 6 4
                                    

Bumalik nanaman yung pagaalala ko para kay Klara nung absent nanaman siya sa klase. Totoo naman na may mga araw na wala siya pero medyo nag aalala lang talaga ako na dumarami na yung mga araw na iyon.

When I try to ask her what's up about it she would just shrug me off and tell me everything is fine.

I just can't shake off the feeling that she is hiding something from me.

"Yo!" nawala ako sa mga iniisip ko nung halos bumagsak na si Chiles sa upuan na katabi ko. I looked at him judgingly.

"Oh, bakit ganyan ka makatingin?" tanong niya naman. I raised an eyebrow at him and smirked.

"Saan kayo galing ni girl friend mo?" ayun biglang namula ang loko. May ginawa nga sila ni Jamie. Hindi rin kasi alam magtago ng sekreto nitong si Chiles, kahit gaano pa siya katalino.

"Bro, wtf? Wala kaming ginawa ah!" protesta niya naman. And I would believe that if he was not fidgeting and turning all red. Pati leeg niya nga namumula na.

"You know walang point yang pagtatago mo no?" sabi ko naman sa kanya. Itinuro ko pa yung mukha niya. "Your face and neck is betraying you, you know that."

"What?!"

"Even your ears are betraying you. Now spill."

Napabuntong hininga naman siya para pakalmahin ang sarili. He needs it though. Ayun unti-unti nang nawawala ang pamumula niya.

"Nothing really. Just making out. Parang hindi niyo ginagawa yan ni Klara ah!" sabi niya sa akin. I shook my head in dejection.

"Believe me Chiles, we never do those things that you and Jamie do. You're just too rated." I teased him.

The mess that he is turned red again. I swear pwede ko siyang itabi sa isang pula na wall at parehas silang dalawa ng kulay.

"Grabe ka naman sa word na rated eh. Hindi naman kami ganun!"

"Oh really?"

"What's your deal bro? Ang sad mo ngayon."

I rolled my eyes at him. Changing the subject, huh. Fine.

"I know you know the reason why I am sad." sagot ko sa kanya. He suddenly grinned like a cheshire cat at nabigla naman ako ng kumanta siya ng I miss you like crazy.

Ayun napatingin sa amin ang iba naming kaklase at tinukso na nila ako. Inirapan ko naman itong si Chiles at binatukan.

"Damien naman. Isang araw lang siya wala, ganito ka na mag miss. Mahihirapan talaga kayo pag nag college na tayo." sabi niya sa akin and I tsk-ed as a response.

"Don't go there yet. Hindi ko pa alam kung anong gagawin kung magkakahiwalay kami ng school." sabi ko naman sa kanya sabay higa sa mga braso ko on top of the desk.

Chiles, surprisingly being hyper today, started patting and rubbing at my hair. I looked up at him annoyed but he just laughed at ny face.

"Ang tagal pa niyan mangyayari bro. Huwag ka na munang magalala diyan." sabi niya sa akin at patuloy pa rin sa panggugulo sa buhok ko.

"Treasure these moments at the present first. Kung magaalala ka na kahit maaga pa. Baka mas mag overthink ka pa at marami kang makakaligtaan na pangyayari sa buhay niyo." dagdag pa niya.

I pondered over the words he said. It's true naman kasi. There's no point worrying so much about the future because what happens will happen.

But that is not the thing I am worrying about too much though.

"Actually Chiles, hindi iyan ang inaalala ko talaga eh." sabi ko sa kanya with a frown. Hindi ko namalayan na may pinaggagawa na pala siya sa buhok ko.

Tones: PINK "The Bravest" Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon