018

29 9 7
                                    

"Damien! I'm here!"

Napatingala naman ako kung saan galing yung boses na yun at nandun nga si Neisha masayang kumakaway sakin. Naka uniform pa rin siya sa pangibaba pero naka Tshirt naman siya sa pangitaas.

Nginitian ko lang siya bago ko siya puntahan. Somehow hindi ako masyadong excited para dito eh. I don't know why....

Man up Damien! Si Neisha na to! Yung matagal mo nang crush. Gawin mo na ang lahat at para maisabi mo na sa kanya ang totoo mong nararamdaman.

Nabawi ko naman ang energy ko at hinayaan ko siyang pumulupot yung kamay niya sa braso ko.

"Damien I was so surprised nung sinabi ni Ernest na magdedate tayo. Ikaw naman kasi bakit hindi na lang ikaw yung nagsabi, matagal ko nang hinihintay na tatanungin mo ko" masaya niyang sabi.

Naguluhan naman ako sa sinabi niya. "Hinihintay mo ko?" tanong ko at tumango naman siya.

"Damien if you don't notice matagal na kitang gusto! I've been giving you hints! I thought you didn't notice!"

Wait, Neisha likes me back? Am I dreaming? Is this really happening?

"I was very happy nung sabi ni Ernest gusto mong makipagdate sakin! This is our first day okay! Were officially a couple okay!"

Parang natulala ako nun at tinanguan ko lang siya sa mga sinasabi niya. Hindi ko kasi mapigilan ang sarili ko at napapangiti ako dahil sa mga sinabi niya.

I didn't have to confess my feelings. Neisha confessed to me. And wait were a couple? We barely even started our date.

Nabalik naman ako sa hwisyo noong napansin kong ginagala na pala ako ni Neisha papunta dun sa plaza.

Ang laki ng mga ngiti niya noong naglalaro na kami sa swings at monkey bars. Ako naman nabighani naman ako sa mga ngiti niya kaya sinamahan ko naman siyang maglaro.

Pagkatapos ng ilang paglalaro at tawanan ay napaupo kami sa may bench. Nagkukwentuhan naman kami about kung ano kami noon bata pa kami at kinukwentuhan ko rin siya sa mga funny stories ko noon.

Pumunta naman kami sa Jabee right after. Nilebrehan ko siya ng pagkain gamit nung perang binigay sakin ni Ernest. Sa totoo lang nahihiya akong librehan siya ng pagkain na hindi naman sakin yung pera pero atat na atat siyang kumain dito kaya binilhan ko siya.

"Damien. I wanted to ask. You asked me out kasi may gusto ka sakin diba? Gusto mo ako?" tanong niya bigla.

Nilunok ko naman yung kinakain ko bago ko siya tinanguan. Technically Ernest asked her out without my permission but yeah I also like her. I always have.

Ngumiti naman siya pagkatapos kong tumango at bumalik sa pagkain niya. Napansin kong nahihirapan siyang kumain nang dahil sa buhok niya at malapit na ngang mapunta sa sauce yung buhok niya kaya hinawi ko iyon papalayo.

Nakita ko namang namula siya dahil dun sa ginawa ko kaya napangiti rin ako dahik proud ako sa ginawa ko.

I'm making her fall more for me.

"Neisha. You told me you like me. Paano naman nangyari yun? I mean akala ko kasi kayo ni Carldrin" sabi ko sa kanya pero kumunot naman ang mukha niya.

"Nope. Caldrin and I broke up. He's not paying attention to me anymore and he won't agree to what I'm saying" inis niya sabi sakin.

Hindi ko naman alam kung ano ang mararamdaman ko sa sinabi niya. Basically nakipagbreak up siya sa ex niya dahil sa ganun kababaw na dahilan, pero I'm not one to judge again, baka makasama ako sa damdamin niya.

Ibinaling naman niya ag tingin sakin at ngumiti ng malaki. Ipinatong niya yung kamay niya sa kamay ko at hinaplos yun.

"I don't care about him anymore Damien. I realized na ikaw ang gusto ko. You're always there for me and you take care of me well. Now I know ikaw ang tamang lalaki para sakin" sabi niya kaya agad namang gumaan ang pakiramdam ko.

Ayos lang kasi ako naman ang gusto niya ngayon. As long as hindi niya iisipin yung ex niya. Ako nang bahala magpapasaya sa kanya.

"Damien, promise me ha, na hindi ka tutulad dun sa ex ko. Dapat parati kang nandiyan para susuportahan ako" sabi niya sakin.

Hinigpitan ko naman ang pagkakahawak ko sa kamay niya. "Of course Neisha, I'll always support your choices. Hindi kita papabayaan"

Pagkatapos naming kumain doon ay hand in hand kaming naglakad. Hindi namin alam kung saan kami pupunta basta ako masaya akong kasama ko siya ngayon.

I can't believe she's my girlfriend now.

Napatigil naman kami nung makarating kami sa isang stall. Bigla niya akong hinila papunta roon at masaya niyang itinuro sakin yung stuffed toy.

"Damien ang ganda oh! Kunin natin! Sige na bilhin mo!" sabi niya. Hindi naman ako makahindi dahil sadyang kumikislap ang nga mata niyang nakaturo sa stuffed toy na yun kaya binilhan ko na siya.

Nagulat naman ako nung hinalikan niya ako sa pisgngi tapos nagpasalamat sakin. Namula naman ako dahil sa ginawa niya. Parang ang bilis naman ng mga pangyayari....

Hindi ko na namalayan ay iba't ibang gamit na ang nabili ko para sa kanya sa i-isang date na ito hanggang makita kong pawala na yung pera ko. Pag bibilhan ko pa siya baka hindi na ako makauwi.

"Neisha tumigil na tayo ngayon. Ang dami na ng nabili natin" sabi ko sa kanya.

Kumunot naman ang mukha niya at parang nagagalit siya. "Sabi mo sakin susuportahan mo ako sa mga gagawin ko! Bakit? Ayaw mo na? Napapagod ka na sakin?!" bigla niyang sigaw kaya nagpanic naman ako.

Bakit naging ganito? Parang mas namomroblema ako dahil na kami na kahit isang araw palang ngayon.

"Hindi Neisha. Pero kasi gabi na tapos may pasok pa tayo bukas. Sige ka magagalit parents natin"

"Wala akong pake sa kanila"

"Neisha, enough for today ha. Magagalit ako"

"Ang sama mo sakin! Parehas lang kayong lahat! Ayaw niyong makuha ko ang gusto ko! I hate you! You don't like me anymore!" pagdadabog niya kaya wala na akong nagawa kundi hawakan ang dalawang braso niya para tumigil siya.

"Neisha I just want whats best for you okay. I still like you so please huwag kang ganito"

"You still like me?"

"Oo, I like you okay. Sige na halika na uuwi na tayo" sabi ko at wala na siyang nagawa kundi sumunod lang sakin at mahigpit na nakahawak sa kamay ko.

Sa terminal kami nagkahiwalay at sinabi ko sa kanya na magingat siya. Nag sorry naman siya sakin dahil sa inasal niya pero tinanguan ko lang siya.

Before going pinaulit niya pa saking sabihin na gusto ko siya at ginawa ko naman dahil parang pagod na pagod siya. Ano kayang nangyari sa kanya at kinakailangan niyang paalalahanan ng ganun.

Umuwi ako sa amin na hindi naman ganun kasaya at pagod pa. Is this the way my first date should have been through?

Why don't I feel that happy at all?

Tones: PINK "The Bravest" Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon