Nandito ako ngayon nagmumukmok nalang dahil sa kalungkutan ko. Hindi ko maipaliwanag sa iba ang nararamdaman ko pero ang tangi ko lang masasabi ay parang pinagsakluban ako ng langit at lupa. Wala nang ibang magagawa para maibsan ang kalungkutan ko ngayo-
Napabalikwas naman ako dahil biglang may nambato sakin ng unan na direkta namang tumama sa mukha ko. Galit kong inalis yun at inirapan ang kung sino man ang nambato sakin nun.
"Para kang tanga. Huwag ka ngang ganyan mas malala ka pa kay Milky eh" walang ka emosyong sabi nung nambato sakin.
Hinaplos ko naman yung noo ko dahil dun tumama yung zipper nung unan. "Wala ka namang pakealam kung ganito ang mood ko. Mas nakakainis kaya yang si Milky kaya wag na wag mo kaming eh compare" sagot ko sa kanya.
Naparolyo na lamang siya ng mata niya sabay balik ang atensiyon sa aso na si Milky na kanina pa gustong sumampa sa hita niya. Alam niyo hindi ko talaga maisip kung bakit ganito ang turing niya sakin eh.
"Eh kasi naman kuya ba't tulala ka? At naiirita na ako dahil diyan sa pagbubuntong hininga mo"
"Danessa kung ganito man ako hayaan mo nalang si kuya okay. May pinagdadaanan ako"
"Drama mo"
"Alam mo namang mas matanda ako sayo diba?"
"In this case parang ako pa yung mas matanda satin sa pag-uugali eh"
Hindi ko nalang siya pinansin tapos tiningnan ko nanaman yung nagawa kong text para kay Klara. Sa totoo lang hindi ko kasi magawang masend sa kanya yung message. Nagdadalawang isip ako dahil baka eh seen niya lang to at hindi siya magreresponse sakin.
Kasi sa lahat ng ayaw ko ay iyon yung hindi nagrereply sakin. Naalala ko noon kung paano ako mag panic kasi hindi nagreply si Christine sa text ko tapos hindi ko na alam kung paano tapusin yung project namin. Malapit na akong umiyak nang dahil sa inis noon.
I shook my head and tried to get the memory out of me. Sa totoo lang ang dali lang naman mag send ng message eh. Bakit hindi ko pa magawa?
"Kuya" bigla namang sumulpot si Danessa sa tabi ko tapos binasa niya yung na-itype ko.
Para akong kinuryente nang kunin niya bigla ang cellphone ko. "Uy! Anong ginagawa mo ibalik mo cellphone ko!"
Umiling nalang siya tapos pinipigilan akong makuha iyon. "Sa totoo lang kuya, ito lang ba talaga ang gumugulo sayo? Isang text message? Para kang bata"
"Wala naman kasing gumugulo sakin. At pakealamera ka talagang bata ka ibalik mo yan sabi!"
Sinubukan kong agawin sa kanya pero wala talagang nangyayari. Parang pro kasi itong si Danessa eh. Kasi nga kahit anong gustuhin niya nakukuha niya naman kasi siya yung bunso. Kainis.
"Sino nga tong tinetext mo?" tanong naman niya sabay paupo sakin sa sofa. Tumigil nalang din ako sa pagtangkang pagbawi nun kasi naman nakakapagod na tapos inis ko siyang sinagot.
"Si Klara yan, di mo kilala. May kailangan lang kasi akong sabihin sa kanya"
Tumango naman si Danessa tapos umupo na rin sa tabi ko, phone ko na sa kanya pa rin.
"Kilala ko si Klara kuya. Sikat siya dahil mayaman, matalino tapos nakakatakot daw"
"Hindi naman nakakatakot si Klara. Sa totoo nga lang mabait naman siya tapos masipag pa" depensa ko para kay Klara.
Tiningnan ko naman ng maigi ang kapatid ko tapos may napansin ako. Sa totoo lang may pagkakaparehas sila eh.
Tahimik si Danessa tapos hindi masyado nagpapakita rin ng emosyon. Kaso nga lang maldita tapos ipinapahamak ako gamit ng kung ano para lang makuha niya yung gusto niya.
BINABASA MO ANG
Tones: PINK "The Bravest"
Teen FictionIn which she told him she likes him yet he is confused if he should believe her or not. Cue: She's blunt yet somehow not convincing The First Story Filipino/English Language ©SimplyEuphoric14