007

56 13 0
                                    

Napakaingay ng klase ngayon. Wala kasi kaming gagawin kase halos lahat ng teachers nasa seminar kasali ang mga substitute teachers.

At dahil dun nagsasaya ang mga kaklase ko kasi puro nalang daw aral ang ginagawa nila.

Hindi sa nagrereklamo ako pero I miss Maam Arceo. Siya lang kasi talaga ang nakakaintindi saken.

Alam niyang hindi talaga ako magaling sa math kaya pinapabayaan niya nalang ako ngayon at pinaglilinis nalang. Para sakin mas madali yung gawin eh.

"Bro!!!!!!"

Hindi ko napigilan na mapabuntong hininga. Hindi naman sa nakakarindi na yung si Ernest pero oo ganun na nga.

"Ano nanaman ba yun?" tanong ko sa kanya na patakbong lumapit sakin. Di ko naman inasahan na magtatago siya sa likod ko. Ano ako? Pader?

"Uy! Tigilan mo nga yan! Sino ba pinagtataguan mo?"

"Huwag ka ngang malikot bro! Di na to biro! Talagang papatayin na ako ni Anissa pag makikita niya ako"

Ipinagtataka ko naman iyon. Ano nanaman bang kalokohan pinaggagawa nitong kaibigan ko?

"Masyado mo naman kasi ginagalit eh. Bro if you like someone dapat mabait ka sa kanya"

"If you like someone ka naman jan. Hindi ko siya gusto kaya hinding-hindi ako magpapakabait sa kanya"

"Bro I know symptoms of love anywhere"

"Sabi ngang hindi-"

"Dapat nga kasi mabait ka. Ask her about her day at tsaka tumango ka lang sa kung ano ang pinagsasabi niya. Huwag nang kumontra. That's a way to win her-"

"Good morning Damien. How's your day?" naputol naman sinasabi ko nang biglang sumingit este bumati si Klara sakin.

Napatigil din itong katabi ko sa mga ginagawa niya at napatingin din kay Klara. "Oh Klara siya lang ba gino-good morning mo?" tanong nito sabay ngiti.

Bakit naman ngumingiti ito kay Klara?

"Good morning Ernest" bati ni Klara. Nainis naman ako. Tiningnan ako ni Ernest na may panunukso sa tingin at inirapan ko siya. Loko to ah.

"May kailangan ka?" tanong ko at umiling lang siya.

"I just wanted to greet you good morning Damien. " Sabi niya in her nonchalant and robotic way of speaking.

"Well ang weird kasi. Di ba dapat inaaway mo ko ngayon." Siniko naman ako ni Ernest.

"You don't want me to? I thought sinabi mong dapat maging mabait ako sa taong gusto ko." Sabi niya at napasinghap ako.

Tumawa naman si Ernest. "Klara, para sa taong gusto mo lang dapat maging mabait ka and believe me, hindi mo gusto itong si Damien. Malayong magustuhan mo siya."

I take offense at that. Bakit naman parang imposibleng magustuhan ako ni Klara ha? Anong mali sakin? Inirapan ko ulit best friend ko.

Binaling naman ni Klara atensiyon niya patungo kay Ernest. Nagtataka siyang nagtanong, "Bakit naman?"

Hinampas hampas naman ako ni Ernest sa may balikat sabay usap kay Klara.

"Itong si Ernest kasi sobrang iba sa iyo. At tsaka mag-aaway lang kayo most of the time kasi palaban kayong dalawa. Di mo siya dapat magustuhan kasi burara siya tapos-"

"Tigilan mo yan masasapak kita!" sabi ko sa kanya sabay batok at napa-aray naman siya sabay himas sa ulo niya.

"Kita mo iyan suplado na mananakit pa." Dagdag pa ni Ernest. Hindi talaga ito marunong tumigil eh no.

"Basta Klara, huwag mo nalang itong gustuhin kasi nga may ibang gusto na ito at-" tinakpan ko agad bibig nitong si Ernest bago pa to makapagsalita ng di naman kinakailangan.

Hindi naman natinag itong si Klara kaya nginitian ko nalang. "Klara, huwag mo na itong intindihin at pumunta nalang tayo sa mga upuan natin at baka darating teacher natin." Sabi ko sabay hatak kay Ernest palayo.

Pagkaupo namin ni Ernest ay hinawi niya naman agad kamay ko sa bibig niya at umaktong nandidiri.

"Grabe bro lasa ko kamay mo. Di ka ba nanghuhugas?" Tanong niya sabay pahid ulit.

"Oo kakatapos ko lang mag number 2." Sabi ko sa kanya at ayun tumili.

"Bro naman eh! Do you not know how unhygienic it is! Grabe bro! Mag sanitize ka man lang at least! Bilhan kita alcohol mamaya after class." Sabi niya kaya tinawanan ko nalang.

Noong kumalma na siya ay napaupo naman siya ng maayos. "Teka bro ano yung sinabi ni Klara kanina? Crush ka niya?" tanong niya kaya hinampas ko ulit siya sa mukha. Ang ingay talaga.

"Hindi. Mali lang pag interpret mo."

"Eh bro hindi ako nagkakamali ever. So yun nga yun. Grabe bro si ice princess nagkakagusto sayo. Iba ka bro."

"Eh kung totoong sapakin kita ngayon." Sabi ko sabay taas ng isang kamay ko.

"Chill ka lang bro. Ikaw kasi eh alam mo namang wala si Maam Arceo ngayon tas bumalik pa tayo sa upuan natin. Di na tayo makakuha ng excuse upang lumabas."

"Mambulabog ka nalang doon kina Chiles pwede ba nakakaasar ka na."

"Busy naman yun kakatitig sa girlfriend niya eh. Kakabagot. Di mo mapag-uusapan ng maayos"

"Eh kay Melissa ka nalang tutal may gusto ka naman dun."

Napasinghap naman siya sabay palakpak. "Great idea Damien! Sige ha makikipag-usap muna ako sa future girlfriend ko." Sabi niya sabay lakad paalis.

Tinitigan ko naman siyang umalis at bago pa siya makapunta sa upuan ni Melissa ay dumating si Anissa at ayun nag-away ulit ang dalawa. Napatawa nalang ako dahil dun.

Hindi ko na namalayan na may ibang taong umupo sa tabi ko. "Damien ayos ka lang ba?"

Napangiti naman ako sa boses na iyon at tumingin sa katabi ko. Ayun nga, nakangiti si Neisha na tinatanong ako. Bigla nama akong nauutal.

"Ah, o-oo naman. B-bakit ka napatanong? Hahahah" sabi ko sa kanya sabay kamot sa batok ko.

Mas lumaki ang ngiti niya sabay hawak sa ulo ko. "Ang cute mo talaga." sabi niya kaya napangiti ako na parang ewan pero biglang nawala iyon dahil naalala kong sinabihan din ako ni Klara ng ganun doon sa rooftop.

"Are you okay Damien?" tanong ni Neisha dahil napaghalataan niyang may bumabagabag sa akin.

Nginitian ko nalang siya para hindi mag-alala. "I'm okay Neisha, don't worrt about me."

Tumawa naman siya. "I wasn't worried about you. Bakit naman ako mag wo-worry?" Sabi niya.

Ginulo ko naman buhok niya. "Ikaw hindi mag worry sakin? Eh gusto mo nga ako eh."

"Di yun totoo ha!" sabi niya at ayun ang ikinatawa naming dalawa.

Habang masaya ko nang kinakausap si Neisha ay bigla namang napunta sa point of vision ko si Klara. Nakatingin din siya sakin gamit ang blangko niyang tingin.

Nawala ang ngiti ko dahil parang iba ang titig niya. Nasasaktan ba siya? Pero hindi naman pwede yun. Nagseselos ba siya?

Bigla namang may tumapik sakin. "Uy ayos ka lang?" tanong ni Neisha.

Hindi ko alam kung kanino ako titingin dahil dalawa silang nakatitig sakin. Wtf? Anong sitwasiyon to?

Tones: PINK "The Bravest" Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon