059

25 5 3
                                    

Malapit na yung prom kaya abala ang lahat sa paghahanda. Buti na nga lang kasi walang klase dahil sa mg ganito. Pero nakakabagot din na walang magawa habang ang iba ay nag dedecorate or naglilinis.

Bakit kaya hindi ako magpresenta tumulong?

As if naman gagawin ko yun. Bored ako, pero hindi siraulo para maglinis nalang. Mas ayaw ko pa rin maglinis.

Nagmumukmok ako dito sa desk ko. Galit kasi ako kay Nigel eh. Walang hiya yun kinuha pa talaga si Klara para patulungin sa kanya. Pwede naman niyang patulungin si Danica o Alyssa eh. Ba't kinuha pa talaga girl friend ko?

Nakatingin rin ako ngayon sa kanilang dalawa. Nasa classroom lang naman kasi sila eh, kaya ayokong umalis. Tinutulungan ni Klara ngayon si Nigel magkabit ng kung ano sa taas ng board.

Bakit siya pa pinatulong eh ang liit kaya ni Klara. Dapat talaga sina Danica nalang yung pinatulong niya. Nahihirapan abutin ni Klara yung tuktok ng board oh.

Medyo natatawa naman ako dahil kay Klara. Ang cute niya lang eh, parang kailangan na niyang tumungtong para abutin yung tuktok ng board. Salbahe rin kasi si Nigel eh.

From now on, aside from Ernest, si Nigel na rin ang taong ayaw kong makasama ni Klara. Pinapahirapan niya kasi si Klara ko eh.

Teka nga lang, nasaan ba yung si Ernest? Bumangon ako sa pagkakahiga ng ulo ko sa desk para hanapin yung best friend ko.

Oh, kasama niya si Anissa. Good thing. As long as hindi siya malapit kay Klara, hindi kukulo ang dugo ko ngayong araw.

Sa totoo lang parang naging switch na si Ernest para magalit ako. Masyado kasi silang close ni Klara kaya nagagalit ako. Hindi ko naman pwedeng parati nalang pagalitan yun o pagsabihan si Klara na huwag sumama sa kanya kasi friends naman sila.

My new motto in life:

Kung magseselos ako, kahit anong mangyari, hindi dapat ako mag eskandalo.

The last time was a bad time at napagalitan talaga kami nun. Kaya kalma lang ako ngayon at sa future at hindi dapat masyadong magpa apekto. Baka mapatay ako ni Anissa, lagot na.

Napabuntong hininga nalang ako dahil sa pagkakabagot. Medyo kanina pa rin ako pasulyap-sulyap sa orasan. Ang tagal naman din kasi mag dismissal eh.

Tiningnan ko ulit sina Klara and this time napansin na niya ako. She gave me that confused kitten face of her.

Yes, I compared my girlfriend to a kitten. I have no regrets.

Nag pout ako sa kanya para sabihin sa kanya na gusto ko nang umalis kaming dalawa. Her blank face but mirthful eyes just rolled at me and pointed at Nigel, indicating she's still not done helping him.

I hate you Nigel.

This time para na akong batang tahimik na nagtatantrum sa kanya. She glared at me playfully too. Telling me to stop.

I stopped. Of course, wala akong balak masabihan na weirdo ng mga kaklase ko. I saw Klara shook her head in amusement before resuming her work with Nigel.

Nigel naman eh, pakawalan mo na girlfriend ko. Gusto na naming mauwi.

Tumayo na ako sa desk ko at pumunta doon sa may bintana. Nakakabagot umupo, edi tatayo nalang ako doon sa kung saan may preskong hangin.

Everyone is indeed busy. Lalo na yung mga estudyanteng nagtatakbuhan papunta sa gym. I guess bongga ang mga gagawin nila doon.

Pero I doubted it again kung bakit white cloths ang pinagdadala nila doon. Baka gawin nilang all white ang decorations doon ah.

Tones: PINK "The Bravest" Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon