Things can't go out of hand. Yun ang dapat kong alalahanin kahit na ilang araw nang patuloy ang pamimigay sakin ng mga regalo ni Klara.
Ilang beses na akong napasimangot noon makita ko ang mga bagong gamit na nakalagay sa desk ko. At mas ikinasimangot ko pa nang tuksuin ako ng mga kaklase ko dahil dito.
Alam ko naman na galing to kay Klara eh. Wala naman kasing ibang gagawa nito bukod sa kanya. Lalo na noong nagbitaw na siya ng nga litanya niya.
She's stubborn.
At higit sa lahat kailangan ko siyang makausap ng maayos.
Napabuntong hininga nalang ako ng makita ko ulit ang isang pack ng melon bread at juice sa desk ko.
You may think na admirer's way of saying I like you ito pero hindi ko na kasi kayang tanggapin ang mga ito.
Nakakahiya na. Kahit na ibalik ko pa kay Klara eh makikita ko naman ulit ang mga ito sa bag ko.
I wouldn't really want to think so much about this pero kasi parang nililigawan ako ni Klara.
Nililigawan niya ako.
Na ni minsan di ko magawa sa babaeng gusto ko.
Na ayon sa tradisyon noon dapat lalaki ang nanliligaw pero nandito si Klara ngayon, binabago ang mga stereotypes.
Paano niya kaya naisipan na gawin ang mga ito? Ni minsan naman kasi hindi ko naman siya nakikita na interesado sa mga romance stories o ano. Isa pa puro tragedy naman binabasa niya eh descendant yata siya ni Shakespeare eh.
Napabuntong hininga nalang ako. Hindi ko alam pero masyado kong dinaramdam ang sitwasiyon ko ngayon.
Kasi naman naniniwala na kasi ako sa mga sinabi niya sakin. Na may gusto siya talaga sakin. Kahit hindi ko nakikita sa emosyon niya, grabe naman ang mga actions niya.
"Damien, are you okay?" tanong bigla ni Neisha sa tabi ko. Napatingin ko sa kanya at napangiti. Concern siya sakin. Gumaan naman ang loob ko.
"Ayos lang ako Neisha, huwag kang mag-alala" sagot ko sa kanya na yun namang ikanangiti niya rin.
"Napansin kong ganito na ang mood mo sa mga nakaraang araw. I may not be that close to you, but somehow I know something is bothering you" sabi pa niya sakin.
Hindi na ako nakaimik ng dahil dun. Hindi naman kasi siya mali eh. Hindi lang talaga ako makasagot sa tanong niya.
"Oh ano yan? May nagbigay nanaman ba sayo?" tanong ni Neisha habang tinuturo yung mga nasa desk ko.
Hindi ko naman maitatanggi dahil alam naman ng lahat na may 'admirer' raw ako kaya tumango nalang ako sa tanong niya.
"Grabe naman ang sikat mo naman Damien. Baka magselos ako nito ha" sabi niya at napatawa naman ako.
"Bakit ka naman magseselos? Gusto mong binibigyan ka rin ng ganyan?"
"Sus ang baba naman ng tingin mo sakin. Of course magseselos ako kasi baka mawala na ang atensiyon mo sakin Damien~" sabi niya sabay kurot sa pisngi ko.
"Huwag ka ngang magbiro ng ganyan Neisha" baka mas lumalim pa ang nararamdaman ko para sayo.
"Eh totoo naman eh! Magseselos talaga ako kapag mawala ka Damien" sabi pa niya at ayun umiling nalang ako.
Sana nga ganyan ang mararamdaman mo kapag mapunta ang atensiyon ko sa iba Neisha. Kung gamitin ko kaya si Klara para....
Hindi! Huwag kang ganyan Damien! Walang magandang maidudulot ang panggagamit ng ibang tao. Makakasakit ka lang at mapapalala mo pa ang sitwasiyon.
BINABASA MO ANG
Tones: PINK "The Bravest"
Teen FictionIn which she told him she likes him yet he is confused if he should believe her or not. Cue: She's blunt yet somehow not convincing The First Story Filipino/English Language ©SimplyEuphoric14