025

36 8 3
                                    

Nagrereklamo na ang mga kabarkada ko kasi kanina pa daw ako tulala at parang nilayasan ng kaluluwa. Sa totoo lang hindi naman sana issue yun kung hindi lang sila makukulit.

Napabuntong hininga ulit ako tapos tiningnan ang sinend kong message na hanggang ngayon ay hindi pa nirereplyan ni Klara.

Ayos lang naman sana. Kung hindi lang ako yung taong nag o-overthink.

Oo, kanina pa ako binabagabag ng mga iniisip ko dahil lang hindi ako nireplyan ni Klara. I pacified myself sometimes saying na baka busy siya kaya maghihintay nalang ako sa reply niya but no.

My mind is going haywire because of the useless possibilities that it always seems to come up with.

Baka naman sumosobra na yung galit at pagkakamuhi niya sakin kaya ganun.

Baka naman hindi niya ako nirereplyan kasi may binabalak na siyang masama para sakin tapos naghihintay lang ng tamang tiyempo para maabutan ako.

Baka nagsimula na siyang maghanda ng best troops nila para paligiran ang bahay namin.

Baka naman hino-hostage na niya pamilya ko tapos ang buhay ko ang kapalit para lang maligtas sila.

Baka plinantahan niya ng bomba ang bahay namin kaya unabsent siya para pagplanuhan ang structure ng bahay namin kung saan pwede itago yung bomba.

Baka naman hindi siya totoong absent at sinusundan niya lang ako ng patago dahil may gagawin siya.

Baka may mga hidden camera dito tapos doon siya sa big screen nanonood sa mga pinaggagawa ko.

Baka miss na niya ako.....

Huh?

Nasampal ko agad sarili ko dahil sa walang kwentang posibilidad na yun. Agad namang nagalala sina Chiles sa tabi ko tapos may sinasabi pa nga siya pero di ko talaga magawang maprocess eh.

Bakit naman ako mamimiss noon? Eh ako nga yung dahilan kung bakit nagawa niyang magalit eh.

Sa totoo lang minsan lang siya magpakita ng emosyon tapos nagawa ko nga siyang magpakita ng ganun tapos negatibo pa.

Sinampal ko ulit sarili ko dahil sa pagsisisi. Agad namang inilayo ni Chiles at Allistair ang mga kamay ko sa sarili ko tapos hinigpitan ang hawak dun. Wala naman akong enerhiya para pigilan sila kaya hinayaan ko nalang sila.

Ngayon nga na wala si Klara hindi ko na madala yung konsensiya ko. I was really a jerk to her. Lying, making her feel like a burden and disregarding her feelings just because I wanted mine to happen.

And it did happen.

Just not the way I imagined it to be.

Bumalik na yung paningin ko sa realidad at nakita ko agad ang kamay na nagwawagayway sa harap ng mukha ko.

Kanina pa pala kinukuha nila Ernest ang atensiyon ko. Mukha talagang nagalala ang tatlo sakin kaya pinili ko nang pansinin sila, baka kasi dalhin pa nila ako sa doctor. Magkakamatayan pa kami.

"Okay ka na? Nakabalik na ba kaluluwa mo?" tanong ni Chiles sakin. Tumango naman ako tapos nagbuntong hininga siya at ginulo yung buhok ko.

On a normal basis magagalit ako sa kanya. Pero ngayon, I still feel so sad. I was surprised then when Allistair started poking ny right cheek repeatedly. I can feel my lolling back and forth but I seriously didn't care.

"Waw ang distracted mo talaga ngayon bro. Hindi ka namin mabalik sa katawan mo" sabi naman ni Ernest sabay poke rin sa kaliwa ko namang pisngi. Sa totoo lang ganyan na ba talaga kataba ang pisngi ko o ano?

"Sa tingin niyo guys may problema kaya si Damien at si Neisha?" rinig tanong ni Chiles.

"Ewan ko. Wala naman siguro. Bakit naman magkakaproblema ang halos 2 to 3 weeks palang sa relationship" sagot naman ni Ernest.

"Sa totoo lang guys..... feeling ko hindi magtatagal ng isang buwan sila" singit ni Allistair.

"Ang sama mo" rinig kong daing nila tapos ayun pinaguusapan na nila ako na parang hindi nila ako kasama.

Napabalikwas naman ako nung biglang tumunog yung cellphone ko kaya tiningnan ko yung notif. Baka kasi si Klara na ito.

Bumalik nanaman ang lungkot ko nung message sa group chat lang pala namin sa klase ang nag notif. I sadly held my phone down and sighed then went back to moping.

"Alam mong nagaalala na kami sayo. Ano ba kasi talagang problema ha at parang aso kang nagbabantay sa cp mo?" tanong ni Chiles.

"Eh.... kasi....yung nararamdaman ko.... Wala lang to......lilipas din to"

"Alam mo ang gulo mo 💢"

Hinampas naman ako ng malakas ni Ernest sa likod.

"Alam mo cheer up bro! Kung ano man yang dinadamdam mo na hindi mo masabi saming matagal mo nang kaibigan. Ayos lang yun kaso may sumpa ka na kasi di mo magawang maging honest samin" masayang sabi niya.

Natawa naman si Allistair dahil dun. "Grabe ganun ka kagalit dahil ayaw niyang sabihin?"

"Huwag mo akong kausapin Allistair" Ernest.

Napabuntong hininga ulit ako tapos tinitigan ang cellphone ko. Klara naman, bakit nahihirapan ako?

~•~

"Are you sure you're alright baby? You seem pretty out of it" tanong ni Neisha sakin sabay haplos sa buhok ko.

Kasalukuyan kami ngayong naglalakad papunta sa canteen upang makapaglunch. Nasa paligid din naman ang mga kabarkada ko, hindi lang kami sabay maglakad papunta doon.

Gusto kasi ni Neisha na kami lang side by side kaya pinagbigyan ko naman. Nakakapit siya sa braso ko ngayon at paminsan minsan ay sina-side hug ako.

Sa totoo lang kahit naguguluhan ako sa ugali niya at ito yung mga sandaling masaya ako sa piling niya. May something kasi eh pag kinocomfort ka ng taong gusto mo.

I felt a little better but not completely at ease. I guess ito yung mafe-feel mo kapag kasama mo ang partner mo.

Patuloy lang ang paglalakad namin at ang pakikinig ko sa mga kwento ni Neisha nang bumungad sa harap ko ang taong gumagambala sa isipan ko.

I stopped walking and stared eyes wide at the girl in front of me who was being smothered by her friends.

She was not reacting much pero hinu-hug back niya ang mga kaibigan niya na siyang masaya rin na makita siya.

Kinalabit naman ako ni Neisha kaya nawala ang atensiyon ko. "You're staring at her baby. I'm getting jealous here" sabi niya sabay yakap sa braso ko.

Hindi naman ako makareact at naibalik ko na ulit tingin ko kay Klara na nakaupo na ngayon kasama ang barkada niya sa assigned table nila.

I caught her glimpse at me but it was just that, fleeting. And once again she avoided my eyes. Iniiwasan nanaman ako ni Klara.

Napaigting yung panga ko dahil dun at napakumo naman ako sa knuckles ko. I then remembered my agenda and the need to talk to her and apologize.

"Baby, let's go" inis na sabi sakin ni Neisha at nagpahila nalang ako papunta sa loob ng canteen.

The students that were inside started staring at us except for Klara and her group of friends.

I hated the feeling of being ignored.

But I hated it more that I was being ignored by Klara.

Tones: PINK "The Bravest" Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon