Kasalukuyan ako ngayong naghihintay sa may parke kung saan namin napagkasunduan. Ito rin yung parke kung saan hinintay ko siya ng napakatagal. Sa totoo lang ay medyo takot nga ako na hindi nanaman siya sisipot pero isinantabi ko muna iyon at ipinagpalagay nalang na kinakabahan ako.
May mga pagbabago rin. Kung noon ay sinusunod ko pa yung steps na ipinakita ni Danessa para sa isang successful first date, hindi ko na sinunod iyon ngayon.
I figured na kung ano ang mangyayari ngayon ay yun na yun. Mag-eenjoy rin kami.
Napangiti ako sa pag-iisip na masaya kaming dalawa na kinikilala ang isa't isa at ginagawa ang mga bagay na parehas naming gusto.
No more gifts, no more flowers, no more formal attire or so.
Just us two.
Doing a casual date.
Kinikilig na nga yata ako sa mga iniisip ko kaya napakamot ako sa batok ko. Mas sumaya ako nung makita ko si Klara na papalapit na sa akin.
Hindi man siya nakangiti ay nakikita ko pa rin na excited siya para sa mga gagawin namin.
"Klara!" bati ko sa kanya na siya namang nahihiya niyang binalik sa akin. Dejoke, casual lang siyang tumango sa bati ko. Asa pa akong mahihiya siya ngayon, eh siya na nga yung nag-aya ng date eh.
"So saan tayo?" tanong ko sa kanya. "Gusto mong manuod ng sine or kumain-"
"Be patient, Mien. May plano na ako sa date natin ngayon." sabi niya sa akin at ngumiti ng bahagya.
Napakunot naman ang noo ko. "Ha? Ahh sige. Anong una nating gagawin?"
"Surprise ko na yun. For the mean time, just follow me." sagot naman niya sa akin at sabay kindat pa. Ito yung totoo, di na ito joke. Nainibago nga ako eh.
I cleared my throat to hide my surprise. "Sige. Hilahin mo na ako papunta sa mga plano mo." sabi ko nalang sa kanya at patawanga inilahad ang mga kamay ko para hilahin niya.
At tinotoo rin niya yung sinabi ko, totoong hinila na nga niya ako palayo sa parke. Medyo mabilis nga yung paglalakad niya kaya natawa nalang ako.
Ang cute niyang excited.
~•~
"Bakit di mo nalang sinabi sa akin na sa amusement park pala tayo pupunta?" tanong ko sa kanya na medyo namamangha sa mga rides sa nakapalibot sa amin ngayon.
Nagulat pa nga ako nung bumilis yung rollercoaster tapos yung isa pang ride na hinuhulog at tinataas yung mga tao ay bumilis din. Nakakatakot naman dito.
Napatingin naman ako kay Klara na halatang satisfied sa lugar na kung asan kami. I suddenly have a bad feeling about all these.
"Dito tayo magde-date." sabi niya sabay tango sa mga rides ng amusement park.
Npalunok naman ako ng laway dahil dun. "D-dito talaga?" tanong ko sabay turo dun sa mga rides. Tumango lang naman siya, hindi niya napansin ang pagkakaba ko.
"Oo, dito nga." pagkumpirma pa niya. Gusto ko nang magdasal dahil mukhang hindi talaga magbabago ang isip niya.
Para na nga siguro akong natatae rito eh. Tiningnan ko muli yungga rides na mabilis at nakakatakot at hindi nga iyon nakapabuti sa nararamdaman ko.
Ito ba yung mga gusto ni Klara?
Extreme rides or something?
Gusto ko nang umuwi!
"Mien. Pwede tayong mag rollercoaster, oh kaya mag viking. Pwede rin yung isa, di ko alam yung tawag dun eh. Ang rami! Sumakay tayo! Akong magbabayad."
BINABASA MO ANG
Tones: PINK "The Bravest"
Teen FictionIn which she told him she likes him yet he is confused if he should believe her or not. Cue: She's blunt yet somehow not convincing The First Story Filipino/English Language ©SimplyEuphoric14